< 1 Kings 19 >
1 Ahab told Jezebel everything that Elijah had done and that he had killed all the prophets of Baal with the sword.
At sinaysay ni Achab kay Jezabel ang lahat na ginawa ni Elias, at kung paanong kaniyang pinatay ng tabak ang lahat ng mga propeta.
2 Jezebel sent a messenger to Elijah to say, “May the gods do as much to me and more if by tomorrow I haven't made your life like the lives of those you killed!”
Nang magkagayo'y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias, na nagsasabi, Ganito ang gawin sa akin ng mga dios, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon.
3 Elijah was afraid and ran for his life. When he arrived in Beersheba in Judah, he left his servant there
At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon.
4 and traveled another day's journey into the desert. He sat down under a broom tree and asked to die. “I've had enough now, Lord,” he said. “Take my life! I'm no better than my forefathers.”
Nguni't siya'y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya'y humiling sa ganang kaniya na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na; ngayon, Oh Panginoon kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.
5 He lay down and fell asleep under the broom tree. All of a sudden an angel touched him and said, “Get up, and eat.”
At siya'y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro; at, narito, kinalabit siya ng isang anghel, at sinabi sa kaniya, Ikaw ay gumising at kumain.
6 He looked around, and there beside his head was some bread baking over hot coals, and a jar of water. He ate and drank and lay down again.
At siya'y tumingin, at, narito, na sa kaniyang ulunan ang isang munting tinapay na luto sa baga, at isang sarong tubig. At siya'y kumain at uminom, at nahiga uli.
7 The angel of the Lord returned a second time and touched him, and said, “Get up and eat, otherwise the journey will be too much for you.”
At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa, at kinalabit siya, at sinabi, Ikaw ay bumangon at kumain; sapagka't ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo.
8 So he got up and ate and drank, and with the strength the food gave him he was able to walk forty days and forty nights to Mount Horeb, the mountain of God.
At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na apat na pung araw at apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios.
9 There he entered a cave and spent the night. The Lord spoke to Elijah, and asked him, “What are you doing here, Elijah?”
At siya'y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
10 “I have worked passionately for the Lord God Almighty,” he replied. “But the Israelites have abandoned your agreement, torn down your altars, and killed your prophets with the sword. I am the only one who's left, and they are trying to kill me as well.”
At sinabi niya, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo; sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta: at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang aking buhay, upang kitlin.
11 Then the Lord told him, “Go out and stand on the mountain before the Lord.” Right then the Lord passed by. A tremendously powerful wind ripped into the mountains and smashed rocks before the Lord, but the Lord wasn't in the wind. After the wind there came an earthquake, but the Lord wasn't in the earthquake.
At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol:
12 After the earthquake there came a fire, but the Lord wasn't in the fire. And after the fire came a voice speaking in a gentle whisper.
At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig.
13 When Elijah heard it, he wrapped his cloak around his face and went out and stood at the cave entrance. Immediately a voice spoke to him and asked, “What are you doing here, Elijah?”
At nangyari, nang marinig ni Elias, ay tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
14 “I have worked passionately for the Lord God Almighty,” he replied. “But the Israelites have abandoned your agreement, torn down your altars, and killed your prophets with the sword. I am the only one who's left, and they are trying to kill me as well.”
At kaniyang sinabi, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang buhay ko, upang kitlin.
15 The Lord told him, “Go back the way you came to the desert of Damascus. When you get there, go and anoint Hazael king of Aram.
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco: at pagdating mo, ay iyong pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Siria.
16 Also anoint Jehu, son of Nimshi, king of Israel and Elisha, son of Shaphat, from Abel-meholah, to take over from you as prophet.
At si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo.
17 Jehu will execute anyone who escapes the sword of Hazael, and Elisha will execute anyone who escapes the sword of Jehu.
At mangyayari na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo.
18 I still have seven thousand left in Israel, all those who have not bowed their knees to worship and whose mouths have not kissed him.”
Gayon ma'y iiwan ko'y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal, at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kaniya.
19 So Elijah left, and went and found Elisha, son of Shaphat. He was plowing with twelve pairs of oxen, and he was with the twelfth pair. Elijah went over to him and threw his cloak around him.
Sa gayo'y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat, na nag-aararo, na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya, at siya'y kasabay ng ikalabing dalawa: at dinaanan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang balabal niya.
20 Elisha left the oxen, ran after Elijah, and said, “Please let me go and kiss my father and mother goodbye, and then I will follow you.” “Go on home,” Elijah replied. “I've never done anything for you.”
At kaniyang iniwan ang mga baka, at tumakbong sinundan si Elias, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina, at susunod nga ako sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Bumalik ka uli; sapagka't ano ang ginawa ko sa iyo?
21 Elisha left him, took his pair of oxen, and slaughtered them. Using the wood of the oxen's yoke as fuel, he cooked the meat and gave it to the people, and they ate it. Then he left to follow and serve Elijah.
At siya'y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya, at kinuha ang parehang mga baka, at pinatay ang mga yaon, at inilaga ang laman ng mga yaon sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka, at ibinigay sa bayan, at kanilang kinain. Nang magkagayo'y tumindig siya, at sumunod kay Elias, at naglingkod sa kaniya.