< 1 Kings 18 >

1 Sometime later, during the third year, a message from the Lord came to Elijah: “Go and appear before Ahab, and I will send rain on the earth.”
At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias, sa ikatlong taon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, pakita ka kay Achab; at ako'y magpapaulan sa lupa.
2 So Elijah went to appear before Ahab. In the meantime the famine had become severe in Samaria.
At si Elias ay yumaon napakita kay Achab. At ang kagutom ay malala sa Samaria.
3 Ahab summoned Obadiah, the manager of his palace (Obadiah was a very sincere believer in the Lord.
At tinawag ni Achab si Abdias na siyang katiwala sa bahay. (Si Abdias nga ay natatakot na mainam sa Panginoon:
4 While Jezebel was busy killing the Lord's prophets, Obadiah had taken one hundred prophets and hidden them, fifty in each of two caves, and had provided them with food and water.)
Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig, )
5 Ahab told Obadiah, “Go throughout the country and check all the springs and valleys. Perhaps we can find some grass to keep the horses and mules alive so we will not lose any of the animals.”
At sinabi ni Achab kay Abdias, Lakarin mo ang lupain, hanggang sa lahat ng mga bukal ng tubig, at hanggang sa lahat ng mga batis: marahil tayo'y makakasumpong ng damo, at maililigtas nating buhay ang mga kabayo at mga mula upang huwag tayong mawalan ng lahat na hayop.
6 So they divided the land between them. Ahab went in one direction, and Obadiah the other.
Sa gayo'y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin: si Achab ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan, at si Abdias ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan.
7 As Obadiah went on his way, Elijah came to meet him. Obadiah recognized him, bowed down to the ground, and said, “Is it you, my lord Elijah?”
At samantalang si Abdias ay nasa daan, narito, nasalubong siya ni Elias: at nakilala niya siya, at nagpatirapa, at nagsabi, Di ba ikaw, ang panginoon kong si Elias?
8 “It's me,” Elijah replied. “Go and tell your master, ‘Elijah is here.’”
At siya'y sumagot sa kaniya, Ako nga: ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.
9 “How have I sinned that you are handing me, your servant, over to Ahab to be killed?
At kaniyang sinabi, Sa ano ako nagkasala na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Achab, upang patayin ako?
10 As the Lord your God lives, there's no nation or kingdom where my master hasn't sent someone to search for you. When a nation or kingdom said you weren't there, he made them swear that they couldn't find you.
Buhay ang Panginoon mong Dios, walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya'y wala rito, kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo.
11 And now you're telling me to go to my master and announce, ‘Elijah is here!’
At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.
12 I have no idea where the Spirit of the Lord will take you after I leave you. If I go and tell Ahab and then he can't find you, he's going to kill me, even though I, your servant, have worshiped the Lord since I was young.
At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata.
13 Didn't you hear, my lord, what I did when Jezebel was busy killing the Lord's prophets? I hid a hundred of the Lord's prophets, fifty in each of two caves, and provided them with food and water.
Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon, na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
14 And now you're telling me to go to my master and announce, ‘Elijah is here.’ He's going to kill me!”
At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon. Narito, si Elias ay nandito; at papatayin niya ako.
15 Elijah replied, “As the Lord Almighty lives, the one I serve, I will definitely appear before Ahab today.”
At sinabi ni Elias, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na sa harap niya'y nakatayo ako, ako'y walang salang pakikita sa kaniya ngayon.
16 So Obadiah went to meet Ahab and told him, and Ahab went to meet Elijah.
Sa gayo'y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab, at sinaysay sa kaniya: at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias.
17 When Ahab saw Elijah, he said to him, “Is that you—you who are causing trouble for Israel?”
At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, Di ba ikaw, ang mangbabagabag sa Israel?
18 “I'm not causing trouble for Israel,” Elijah replied. “It's you and your father's family! You have rejected the Lord's commands and are worshiping the Baals.
At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal.
19 Now call together all of Israel and meet me on Mount Carmel, along with the four hundred and fifty prophets of Baal and the four hundred prophets of Asherah, who are supported by Jezebel.”
Ngayon nga'y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng Carmelo, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni Jezabel.
20 So Ahab summoned all of Israel and also gathered the prophets on Mount Carmel.
Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo.
21 Elijah approached the people and asked them, “How long will you hobble along, hesitating between two opposite beliefs? If the Lord is God, then follow him. But if Baal is God, then follow him.” But the people gave o answer.
At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
22 Then Elijah told them, “I am the only one left of the Lord's prophets—just me alone—but Baal has four hundred and fifty prophets.
Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake.
23 Provide us with two bulls. Let the prophets of Baal choose for themselves the one they want, and have them cut it into pieces and place it on the firewood. But don't set fire to it. I will prepare the other bull and place it on the firewood but I won't set fire to it.
Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim.
24 Then you call on your god by name, and I will call on the Lord by name. The god who replies by sending fire—he is God.” Then all the people said, “We agree to what you say.”
At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios. At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi.
25 Elijah said to the prophets of Baal, “You choose one of the bulls and prepare it first, because there are so many of you. Call on your god by name, but don't light the fire.”
At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim.
26 So they took the bull provided and prepared it. Then they called on Baal by name from morning until noon. “Baal, answer us!” they pleaded. But no voice was heard, no one answered. They hobbled in a dance around the altar they had made.
At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.
27 At noon Elijah began to mock them. “Shout really loud!” he said. “Isn't he meant to be a god? Maybe he's meditating, or he's gone to the bathroom, or he's away on a trip! Maybe he's asleep and has to be woken up!”
At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.
28 They shouted even louder and cut themselves with swords and spears until they bled. This was their usual way of worshiping.
At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.
29 Noon came and went, and they went on with their manic “prophesying” until the time of the evening sacrifice. But no voice was heard, no one answered, no one was listening.
At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig.
30 Then Elijah told everyone, “Come over here to me.” They went over to him, and he repaired the altar of the Lord that had been torn down.
At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.
31 Elijah took twelve stones to represent the tribes of the sons of Jacob. (Jacob was the one who received the Lord's message that said, “Israel shall be your name.”)
At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.
32 With the stones he built an altar in the Lord's name. He dug a ditch around it that could hold two seahs of seed.
At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi.
33 He put the wood in place, cut the bull into pieces, and laid it on the wood. Then he told them, “Fill up four large jars with water and pour it over the offering and the wood.”
At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy.
34 “Do it again,” he said. So they did. “Do it for a third time,” he said. So they did it for the third time.
At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo.
35 The water ran down all over the altar and even filled the ditch.
At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay.
36 At the time of the evening sacrifice, the prophet Elijah went over to the altar and prayed: “Lord, God of Abraham, Isaac, and Israel, demonstrate today that you are God in Israel, that I am your servant, and that everything I have done has been at your command.
At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.
37 Answer me, Lord! Answer me, so that these people will know that you, Lord, are God, and that you are bringing them back to you.”
Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso.
38 Then the fire of the Lord came down and burned up the sacrifice, the wood, the stones, and the soil—it even licked up the water in the ditch!
Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.
39 When all the people saw this, they fell face down on the ground and shouted, “The Lord, he is God! The Lord, he is God!”
At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios.
40 Then Elijah ordered them, “Grab hold of the prophets of Baal. Don't let any escape!” They grabbed them, and Elijah brought them down to the Kishon Valley and killed them there.
At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon.
41 Elijah told Ahab, “Go and eat and drink, for I hear the sound of a heavy rain coming.”
At sinabi ni Elias kay Achab, Ikaw ay umahon, kumain ka at uminom ka; sapagka't may hugong ng kasaganaan ng ulan.
42 So Ahab went to eat and drink, but Elijah went to the top of Carmel. There he bent down to the ground, putting his face between his knees.
Sa gayo'y umahon si Achab upang kumain at uminom. At si Elias ay umahon sa taluktok ng Carmelo; at siya'y yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod.
43 “Go and look toward the sea,” he told his servant. The man went and looked. “There's nothing there,” he said. Seven times Elijah told him, “Go and look again.”
At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Umahon ka ngayon, tumingin ka sa dakong dagat. At siya'y umahon at tumingin, at nagsabi, Walang anomang bagay. At kaniyang sinabi, Yumaon ka uling makapito.
44 The seventh time the servant came back and said, “I saw a small cloud the size of a man's hand coming up from the sea.” So Elijah said, “Run to Ahab and tell him, ‘Get your chariot ready and go down before the rain stops you.’”
At nangyari, sa ikapito, na kaniyang sinabi, Narito, may bumangong isang ulap sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang lalake. At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, sabihin mo kay Achab, Ihanda mo ang iyong karo, at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan.
45 Very quickly the sky grew dark with clouds, the wind blew, heavy rain started falling, and Ahab rode down to Jezreel.
At nangyari, pagkaraan ng sangdali, na ang langit ay nagdilim sa alapaap at hangin, at nagkaroon ng malakas na ulan. At si Achab ay sumakay, at naparoon sa Jezreel.
46 The Lord gave his power to Elijah—he tucked his cloak into his belt and ran ahead of Ahab all the way to Jezreel.
At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang, at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel.

< 1 Kings 18 >