< 1 Chronicles 29 >
1 Then King David said to everyone gathered there, “My son Solomon, chosen by God alone, is young and inexperienced, and the work to be done is great because this Temple will not be for man, but for the Lord God.
Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos.
2 Using all my means I have provided for the house of my God—gold for the articles made of gold, silver for the silver, bronze for the bronze, iron for the iron, and wood for the wood; onyx stones and stones for settings: turquoise, different colored stones, every kind of precious stone; and plenty of marble.
Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol.
3 More than this, because of my devotion to the house of my God, I'm now giving my personal fortune of gold and silver, in addition to everything that I have provided for this holy house.
Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo:
4 3,000 talents of gold—the gold of Ophir—and 7,000 talents of refined silver will go to cover the walls of the buildings,
tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talento na pinong pilak upang ilagay sa mga dingding ng mga gusali.
5 gold for the gold work, and silver for the silver work, and for all the work done by the craftsmen. Now who willingly wants to commit themselves to giving to the Lord today?”
Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?”
6 They gave willingly—the family leaders, those in charge of the tribes of Israel, the commanders of thousands and of hundreds, and the officials in charge of the king's work.
Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari.
7 They gave to the service of the house of God 5,000 talents and 10,000 darics of gold, 10,000 talents of silver, 18,000 talents of bronze, and 100,000 talents of iron.
Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal.
8 Those who had precious stones gave them to the treasury of the house of the Lord, under the supervision of Jehiel the Gershonite.
Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon.
9 The people celebrated because their leaders had been so willing to give to the Lord, freely and wholeheartedly. King David was also really delighted.
Nagalak ang mga tao dahil sa mga kusang-loob na handog na ito, sapagkat buong puso silang nagbigay kay Yahweh. Labis ding nagalak si Haring David.
10 Then David praised the Lord before the whole assembly: “Praise to you, Lord, the God of Israel our father, for ever and ever!
Pinapurihan ni David si Yahweh sa harapan ng lahat ng kapulungan. Sinabi niya, “Papurihan ka nawa, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ninuno, magpakailanman.
11 Lord, yours is the greatness, the power, the glory, the splendor, and the majesty, for everything in heaven and on earth is yours. Lord, yours is the kingdom, and you are admired as ruler of all.
Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat.
12 Riches and honor come from you and you reign supreme. You possess power and might, and have the ability to make people great and to give strength to all.
Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman.
13 Now our God we thank you, and we praise you and your glorious character.
At ngayon, aming Diyos, pinasasalamatan ka namin at pinapupurihan ang iyong maluwalhating pangalan.
14 But who am I, and who are my people, that we are able to give as willingly as this? For everything we have comes from you—we are only giving back what you have given us.
Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo.
15 In your eyes we are strangers and foreigners, just like our forefathers. Our time here on earth passes like a shadow, we have no hope of staying here long.
Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo.
16 Lord our God, even all this wealth that we have provided to build you a house for your holy name comes from what you give, and it all belongs to you.
Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo.
17 I know, my God, that you look on the inside and are happy when we live right. Everything I have given willingly and with an honest heart, and now I have seen your people here giving happily and willingly to you.
Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
18 Lord, the God of Abraham, Isaac, Israel, and our forefathers, please keep these thoughts and commitments in the minds of your people forever, and make sure they stay loyal to you.
Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
19 Please also give my son Solomon a desire to whole-heartedly keep your commandments, decrees, and statutes, and to do all he can to build your Temple that I have provided for.”
Bigyan mo si Solomon na aking anak ng buong pusong pagnanais na sundin ang iyong mga kautusan, ang iyong mga utos sa kasunduan, at ang iyong mga tuntunin, at isagawa ang lahat ng mga planong ito na itayo ang palasyo na aking ipinaghanda.
20 Then David said to everyone there, “Praise the Lord your God!” So everyone praised the Lord, the God of their fathers. They bowed down in reverence to the Lord and to the king.
Sinabi ni David sa lahat ng kapulungan, “Papurihan ngayon si Yahweh na inyong Diyos.” Nagpuri ang lahat ng kapulungan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh at nagpatirapa sila sa harapan ng hari.
21 The following day they presented sacrifices and burnt offerings to the Lord: one thousand bulls, one thousand rams, and one thousand lambs, with their drink offerings and plenty of sacrifices for all of Israel.
Kinabukasan, naghain sila ng mga handog kay Yahweh at mga handog na susunugin para sa kaniya. Naghandog sila ng isang libong toro, isang libong lalaking tupa, at isang libong kordero, kabilang ang mga handog na inumin at mga hain na masagana para sa buong Israel.
22 Then they ate and drank in the presence of the Lord with great happiness that day. They made Solomon, the son of David, king for a second time, and they anointed him as ruler for the Lord, and anointed Zadok as priest.
Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.
23 So Solomon took the throne of the Lord as king in place of David, his father. He was successful, and all the Israelites obeyed him.
At umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari sa halip na si David na kaniyang ama. Pinagpala siya, at sinunod siya ng buong Israel.
24 All the officials and warriors, as well as all of King David's sons, gave a solemn promise of loyalty to King Solomon.
Nagpahayag ng katapatan ang lahat ng mga pinuno, mga kawal, at ang lahat ng mga anak ni David kay Haring Solomon.
25 The Lord made Solomon highly respected throughout Israel, and gave him greater royal majesty than had been given to any king of Israel before him.
Lubos na pinarangalan ni Yahweh si Solomon sa harap ng buong Israel at ipinagkaloob sa kaniya ang kapangyarihang higit kaysa sa mga ibinigay niya sa sinumang hari ng Israel.
26 So David, son of Jesse, ruled over all of Israel.
Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.
27 He ruled over Israel forty years—seven in Hebron, and thirty-three in Jerusalem.
Naging hari si David sa Israel sa loob ng apatnapung taon. Namuno siya ng pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
28 David died at a good old age, having lived a long life, blessed with wealth and honor. Then his son Solomon took over and ruled in his place.
Namatay siya na nasa tamang katandaan, pagkatapos niyang tinamasa ang mahabang buhay, kayamanan at karangalan. Si Solomon na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya.
29 Everything that King David did, from beginning to end, is written down in the Records of Samuel the Seer, the Records of Nathan the Prophet, and the Records of Gad the Seer.
Nakasulat ang mga nagawa ni Haring David sa kasaysayan ni Samuel na propeta, sa kasaysayan ni Natan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na propeta.
30 These include all the details of his reign, his power, and what happened to him, and to Israel, and all to the kingdoms of the neighboring countries.
Nakatala roon ang mga ginawa niya sa kaniyang pamumuno, ang kaniyang nagawa at ang mga pangyayari na nakaapekto sa kaniya, sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa ibang lupain.