< Psalms 44 >
1 Unto the end, for the sons of Core, to give understanding. We have heard, O God, with our ears: our fathers have declared to us, The work, thou hast wrought in their days, and in the days of old.
Narinig ng aming mga tainga, O Diyos, ang sinabi ng aming mga ninuno sa amin tungkol sa ginawa mo sa kanilang mga araw, noong unang panahon.
2 Thy hand destroyed the Gentiles, and thou plantedst them: thou didst afflict the people and cast them out.
Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.
3 For they got not the possession of the land by their own sword: neither did their own arm save them. But thy right hand and thy arm, and the light of thy countenance: because thou wast pleased with them.
Dahil hindi nila nakuha ang lupain para maging ari-arian nila sa pamamagitan ng sarili nilang espada; ni ang kanilang sandata ang nagligtas sa kanila; kundi ang iyong kanang kamay, ang iyong bisig at ang ningning ng iyong mukha, dahil sinang-ayunan mo (sila)
4 Thou art thyself my king and my God, who commandest the saving of Jacob.
O Diyos, ikaw ang aking hari; pamahalaan mo ang tagumpay para kay Jacob.
5 Through thee we will push down our enemies with the horn: and through thy name we will despise them that rise up against us.
Sa pamamagitan mo, ibabagsak namin ang aming mga kalaban; sa pamamagitan ng iyong pangalan, tatapakan namin silang mga tumitindig laban sa amin.
6 For I will not trust in my bow: neither shall my sword save me.
Dahil hindi ako nagtitiwala sa aking pana, ni sa aking espada na ililigtas ako.
7 But thou hast saved us from them that afflict us: and hast put them to shame that hate us.
Pero iniligtas mo kami mula sa aming mga kalaban at inilagay sa kahihiyan ang mga napopoot sa amin.
8 In God shall we glory all the day long: and in thy name we will give praise for ever.
Ang Diyos ang aming ipinagmamalaki buong araw, at magpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailanman. (Selah)
9 But now thou hast cast us off, and put us to shame: and thou, O God, wilt not go out with our armies.
Pero ngayon, kami ay iyong itinapon, at dinala kami sa kahihiyan, at hindi mo na sinasamahan ang aming mga hukbo.
10 Thou hast made us turn our back to our enemies: and they that hated us plundered for themselves.
Pinaatras mo kami mula sa aming kalaban; at ang mga napopoot sa amin ay kinamkam ang yaman para sa kanilang mga sarili.
11 Thou hast given us up like sheep to be eaten: thou hast scattered us among the nations.
Ginawa mo kaming tulad ng tupa na nakalaan para kainin at ikinalat kami sa mga bansa.
12 Thou hast sold thy people for no price: and there was no reckoning in the exchange of them.
Ipinagbili mo ang iyong bayan para sa wala; hindi mo napalago ang iyong kayamanan sa paggawa nito.
13 Thou hast made us a reproach to our neighbours, a scoff and derision to them that are round about us.
Ginagawa mo kaming katawa-tawa sa aming mga kapwa, hinamak at kinutya kami ng mga taong nakapaligid sa amin.
14 Thou hast made us a byword among the Gentiles: a shaking of the head among the people.
Ginagawa mo kaming isang panlalait sa kalagitnaan ng mga bansa, isang pag-iiling sa kalagitnaan ng mga tao.
15 All the day long my shame is before me: and the confusion of my face hath covered me,
Buong araw nasa harapan ko ang aking kasiraan, at nabalot ng kahihiyan ang aking mukha
16 At the voice of him that reproacheth and detracteth me: at the face of the enemy and persecutor.
dahil sa tinig niyang nanlalait at nanghahamak, dahil sa kaaway at naghihiganti.
17 All these things have come upon us, yet we have not forgotten thee: and we have not done wickedly in they covenant.
Lahat ng ito ay dumating sa amin, pero hindi ka namin kinalimutan o pinakitunguhan ng mali ang iyong tipan.
18 And our heart hath not turned back: neither hast thou turned aside our steps from thy way.
Hindi tumalikod ang aming mga puso; hindi lumayo ang aming mga hakbang mula sa iyong daan.
19 For thou hast humbled us in the place of affliction: and the shadow of death hath covered us.
Pero lubha mo pa rin kaming pinahirapan sa lugar ng mga aso at binalot kami ng anino ng kamatayan.
20 If we have forgotten the name of our God, and if we have spread forth our hands to a strange god:
Kung nakalimot kami sa pangalan ng aming Diyos o nag-unat ng aming mga kamay sa hindi kilalang diyos,
21 Shall not God search out these things: for he knoweth the secrets of the heart.
hindi kaya ito sisiyasatin ng Diyos? Dahil nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 Because for thy sake we are killed all the day long: we are counted as sheep for the slaughter.
Sa katunayan, para sa iyong kapakanan, kami ay pinapatay buong araw; itinuring kaming mga tupa para katayin.
23 Arise, why sleepest thou, O Lord? arise, and cast us not off to the end.
Gumising ka, bakit ka natutulog, Panginoon?
24 Why turnest thou face away? and forgettest our want and our trouble?
Tumindig ka, huwag mo kaming ilayo ng tuluyan. Bakit mo tinatago ang iyong mukha at kinakalimutan ang aming paghihirap at kaapihan?
25 For our soul is humbled down to the dust: our belly cleaveth to the earth.
Dahil natunaw kami sa alabok; ang aming mga katawan ay kumakapit sa lupa.
26 Arise, O Lord, help us and redeem us for thy name’s sake.
Bumangon ka para sa aming tulong at tubusin kami alang-alang sa iyong katapatan sa tipan.