< Numbers 21 >
1 And when king Arad the Chanaanite, who dwelt towards the south, had heard this, to wit, that Israel was come by the way of the spies, he fought against them, and overcoming them carried off their spoils.
At ang Cananeo, na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating sa daan ng Atarim; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila.
2 But Israel binding himself by vow to the Lord, said: It thou wilt deliver this people into my hand, I will utterly destroy their cities.
At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na gigibain nga ang kanilang mga bayan.
3 And the Lord heard the prayers of Israel, and delivered up the Chanaanite, and they cut them off and destroyed their cities: and they called the name of that place Horma, that is to say, Anathema.
At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.
4 And they marched from mount Hor, by the way that leadeth to the Red Sea, to compass the land of Edom. And the people began to be weary of their journey and labour:
At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.
5 And speaking against God and Moses, they said: Why didst thou bring us out of Egypt, to die in the wilderness? There is no bread, nor have we any waters: our soul now loatheth this very light food.
At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.
6 Wherefore the Lord sent among the people fiery serpents, which bit them and killed many of them.
At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.
7 Upon which they came to Moses, and said: We have sinned, because we have spoken against the Lord and thee: pray that he may take away these serpents from us. And Moses prayed for the people.
At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.
8 And the Lord said to him: Make brazen serpent, and set it up for a sign: whosoever being struck shall look on it, shall live.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.
9 Moses therefore made a brazen serpent, and set it up for a sign: which when they that were bitten looked upon, they were healed.
At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
10 And the children of Israel setting forwards camped in Oboth.
At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at humantong sa Oboth.
11 And departing thence they pitched their tents in Jeabarim, in the wilderness, that faceth Moab toward the east.
At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw.
12 And removing from thence, they came to the torrent Zared:
Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared.
13 Which they left and encamped over against Arnon, which is in the desert and standeth out on the borders of the Amorrhite. For Arnon is the border of Moab, dividing the Moabites and the Amorrhites.
Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo.
14 Wherefore it is said in the book of the wars of the Lord: As he did in the Red Sea, so will he do in the streams of Amen.
Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon, Ang Vaheb ay sa Sufa, At ang mga libis ng Arnon,
15 The rocks of the torrents were bowed down that they might rest in Ar, and lie down in the borders of the Moabites.
At ang kiling ng mga libis Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar, At humihilig sa hangganan ng Moab.
16 When they went from that place, the well appeared whereof the Lord said to Moses: Gather the people together, and I will give them water.
At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig.
17 Then Israel sung this song: Let the well spring up. They sung thereto:
Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito: Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya;
18 The well, which the princes dug, and the chiefs of the people prepared by the direction of the lawgiver, and with their staves. And they marched from the wilderness to Mathana.
Siyang balong hinukay ng mga prinsipe, Na pinalalim ng mga mahal sa bayan, Ng setro at ng kanilang mga tungkod. At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana.
19 From Mathana unto Nahaliel: from Nahaliel unto Bamoth.
At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth;
20 From Bamoth, is a valley in the country of Moab, to the top of Phasga, which looked towards the desert.
At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang.
21 And Israel sent messengers to Sehon king of the Amorrhites, saying:
At ang Israel ay nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,
22 I beseech thee that I may have leave to pass through thy land: we will not go aside into the fields or the vineyards, we will not drink waters of the wells, we will go the king’s highway, till we be past thy borders.
Paraanin mo ako sa iyong lupain: kami ay hindi liliko sa bukid, ni sa ubasan; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon: kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan, hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan.
23 And he would not grant that Israel should pass by his borders: but rather gathering an army, went forth to meet them in the desert, and came to Jasa, and fought against them.
At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.
24 And he was slain by them with the edge of the sword, and they possessed his land from the Arnon unto the Jeboc, and to the confines of the children of Ammon: for the borders of the Ammonites, were kept with a strong garrison.
At sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.
25 So Israel took all his cities, and dwelt in the cities of the Amorrhite, to wit, in Hesebon, and in the villages thereof.
At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito: at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon.
26 Hesebon was the city of Sehon the king of the Amorrhites, who fought against the king of Moab: and took all the land, that had been of his dominions, as far as the Arnon.
Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.
27 Therefore it is said in the proverb: Come into Hesebon, let the city of Sehon be built and set up:
Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi, Halina kayo sa Hesbon, Itayo at itatag ang bayan ni Sehon:
28 A fire is gone out of Hesebon, a flame from the city of Sehon, and hath consumed Ar of the Moabites, and the inhabitants of the high places of the Arnon.
Sapagka't may isang apoy na lumabas sa Hesbon, Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon: Na sumupok sa Ar ng Moab, Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon.
29 Woe to thee Moab: thou art undone, O people of Chamos. He hath given his sons to flight, and his daughters into captivity to Sehon the king of the Amorrhites.
Sa aba mo, Moab! Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni Chemos: Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake, At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae, Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.
30 Their yoke is perished from Hesebon unto Dibon, they came weary to Nophe, and unto Medaba.
Aming pinana sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon, At aming iniwasak hanggang Nopha, Na umaabot hanggang Medeba.
31 So Israel dwelt in the land of the Amorrhite.
Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo.
32 And Moses sent some to take a view of Jazer: and they took the villages of it, and conquered the inhabitants.
At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer, at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon.
33 And they turned themselves, and went up by the way of Basan, and Og the king of Basan came against them with all his people, to fight in Edrai.
At sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipagbaka sa Edrei.
34 And the Lord said to Moses: Fear him not, for I have delivered him and all his people, and his country into thy hand: and thou shalt do to him as thou didst to Sehon the king of the Amorrhites, the inhabitant of Hesebon.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.
35 So they slew him also with his sons, and all his people, not letting any one escape, and they possessed his land.
Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain.