< Judges 11 >

1 There was at that time Jephte the Galaadite, a most valiant man and a warrior, the son of a woman that was a harlot, and his father was Galaad.
Ngayon si Jefta na taga-Galaad ay isang matapang na mandirigma, pero siya ay lalaking anak ng isang bayarang babae. Si Galaad ang kaniyang ama.
2 Now Galaad had a wife of whom he had sons: who after they were grown up, thrust out Jephte, saying: Thou canst not inherit in the house of our father, because thou art born of another mother.
Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, “Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae.”
3 Then he fled and avoided them and dwelt in the land of Tob: and there were gathered to him needy men, and robbers, and they followed him as their prince.
Kaya si Jefta ay umalis mula sa kaniyang mga kapatid at namuhay sa lupain ng Tob. Sumama kay Jefta ang mga lalaking lumalabag sa batas at dumating sila at sumama sa kaniya.
4 In those days the children of Ammon made war against Israel.
Lumipas ang mga araw, nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel.
5 And as they pressed hard upon them, the ancients of Galaad went to fetch Jephte out of the land of Tob to help them:
Nang nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel, pumunta ang mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta para dalhin siya pabalik mula sa lupain ng Tob.
6 And they said to him: Come thou and be our prince, and fight against the children of Ammon.
Sinabi nila kay Jefta, “Sumama ka at maging aming pinuno para lumaban sa mga tao ng Ammon.”
7 And he answered them: Are not you the men that hated me, and cast me out of my father’s house, and now you are come to me constrained by necessity?
Sinabi ni Jefta sa mga pinuno ng Galaad, “Kinasuklaman ninyo ako at pinilit akong umalis sa bahay ng aking ama. Bakit ngayon nandito kayo akin kapag nasa kaguluhan kayo?”
8 And the princes of Galaad said to Jephte: For this cause we are now come to thee, that thou mayst go with us, and fight against the children of Ammon, and be head over all the inhabitants of Galaad.
Sinabi ng mga nakatatanda sa Galaad kay Jefta, “Iyan ang dahilan kung bakit bumalik kam sa iyo ngayon; sumama ka sa amin at labanan natin ang mga tao sa Ammon, at magiging pinuno ka ng lahat na siyang nanirahan ng Galaad.”
9 Jephte also said to them: If you be come to me sincerely, that I should fight for you against the children of Ammon, and the Lord shall deliver them into my band, shall I be your prince?
Sinabi ni Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, “Kung dadalhin niyo ako muli ating lugar para makipaglaban sa mga tao sa Ammon, at kung bibigyan tayo ng katagumpayan ni Yahweh laban sa kanila, ako ang magiging pinuno ninyo.”
10 They answered him: The Lord who heareth these things, he himself is mediator and witness that we will do as we have promised.
Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!”
11 Jephte therefore went with the princes of Galaad, and all the people made him their prince. And Jephte spoke all his words before the Lord in Maspha.
Kaya pumunta si Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, at ginawa siya ng mga tao na kanilang pinuno at kumander. Nang nasa harapan siya ni Yahweh sa Mizpa, inulit ni Jefta ang lahat ng kaniyang mga ipinangako.
12 And he sent messengers to the king of the children of Ammon, to say in his name, What hast thou to do with me, that thou art come against me, to waste my land?
Pagktapos nagpadala ng mga mensahero si Jefta sa hari ng mga taga-Ammon, na nagsasabing, “Ano itong alitan sa pagitan natin? Bakit kayo ppunta at sapilitang kukunin ang aming lupain?”
13 And he answered them: I Because Israel took away my land when he came up out of Egypt, from the confines of the Arnon unto the Jaboc and the Jordan: now therefore restore the same peaceably to me.
Sumagot ang hari ng mga taga-Ammon sa mga mensahero ni Jefta, “Dahil, nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kinuha nila ang aking lupain mula sa Arnon sa Jabbok, hanggang sa Jordan. Ngayon ibalik ninyo ang mga lupaing iyon ng mapayapa.”
14 And Jephte again sent word by them, and commanded them to say to the king of Ammon:
Muling ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga tao ng Amon,
15 Thus saith Jephte: Israel did not take away the land of Moab, nor the land of the children of Ammon:
at sinabi niya, “Ito ang pinapasabi ni Jefta: Hindi kinuha ng mga Israelita ang lupain ng Moab at ang lupain ng mga taga-Ammon,
16 But when they came up out of Egypt, he walked through the desert to the Red Sea and came into Cades.
pero, nang lumabas sila mula sa Ehipto, at nagpunta ang mga Israelita sa ilang patungong Dagat Pula at sa Kadesh,
17 And he sent messengers to the king of Edom, saying: Suffer me to pass through thy land. But he would not condescend to his request. He sent also to the king of Moab, who likewise refused to give him passage. He abode therefore in Cades,
Nagpadala ang mga Israelita ng mga mensahero sa hari ng Edom, na nagsasabing, 'Pakiusap pahintulatan kaming tumawid sa inyong lupain,' pero hindi nakinig ang hari ng Edom. Nagpadala rin sila ng mga mensahero sa hari ng Moab, pero tumanggi siya. Kaya nanatili ang mga Israelita sa Kades.
18 And went round the land of Edom at the side, and the land of Moab: and came over against the east coast of the land of Moab, and camped on the other side of the Arnon: and he would not enter the bounds of Moab.
Pagkatapos pumunta sila sa ilang at lumayo mula sa lupain ng Edom at sa lupain ng Moab, at nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain ng Moab at nagkampo sila sa kabilang bahagi ng Arnon. Pero hindi sila pumunta sa teritoryo ng Moab, dahil ang arnon ay hangganan ng Moab.
19 So Israel sent messengers to Sehon king of the Amorrhites, who dwelt in Hesebon, and they said to him: Suffer me to pass through thy land to the river.
Nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita sa Sihon, sa hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon; sinabi sa kaniya ng Israel, 'Pakiusap, pahintulutan kaming kaming tumawid sa inyong lupain papunta sa aming lugar.'
20 But he also despising the words of Israel, suffered him not to pass through his borders: but gathering an infinite multitude, went out against him to Jasa, and made strong opposition.
Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel para tumawid sa kanyang teritoryo. Kaya tinipon ni Sihon ang lahat ng kanyang hukbo at pumunta sila sa Jahaz, at doon nakipag-away sila laban sa Israel.
21 And the Lord delivered him with all his army into the hands of Israel, and he slew him, and possessed all the land of the Amorrhite the inhabitant of that country,
At si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay ng katagumapayan sa mga Israelita laban kay Sihon at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya kinuha ng Israel ang buong lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa bansang iyon.
22 And all the coasts thereof from the Arnon to the Jaboc, and from the wilderness to the Jordan.
Kinuha nila ang lahat ng bagay na nakapaloob sa teritoryo ng mga Amoreo, mula sa Arnon patungong Jabbok, at mula sa ilang hanggang sa Jordan.
23 So the Lord the God of Israel destroyed the Amorrhite, his people of Israel fighting against him, and wilt thou now possess this land?
Kaya pagkatapos si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay pinaalis ang mga Amoreo sa harapan sa kaniyang bayan ng Israel, at ngayon dapat ba ninyong angkinin ang kanilang lupain?
24 Are not those things which thy god Chamos possesseth, due to thee by right? But what the Lord our God hath obtained by conquest, shall be our possession:
Hindi ninyo kukunin ang lupain ng Cemos, na ibinigay, na inyong diyos? Kaya kung anumang lupain na ibinigay sa atin ni Yahweh, ating kukunin.
25 Unless perhaps thou art better than Balac the son of Sephor king of Moab: or canst shew that he strove against Israel and fought against him,
Ngayon mas magaling ba kayo kaysa kay Balac na anak na lalaki ni Zippor, na hari ng Moab? Naglakas-loob ba siyang magkaroon ng pagtatalo sa Israel? Nagdeklara ba siya ng digmaan laban sa kanila?
26 Whereas he hath dwelt in Hesebon, and the villages thereof, and in Aroer, and its villages, and in all the cities near the Jordan, for three hundred years. Why have you for so long a time attempted nothing about this claim?
Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon?
27 Therefore I do not trespass against thee, but thou wrongest me by declaring an unjust war against me. The Lord be judge and decide this day between Israel and the children of Ammon.
Wala akong ginawang mali sa inyo, pero gumagawa ka ng mali sa akin sa pamamagitan ng pagsalakay sa akin. Si Yahweh, ang hukom, ang magpapasya sa araw na ito sa pagitan ngbayan ng Israel at sa bayan ng Ammon.”
28 And the king of the children of Ammon would not hearken to the words of Jephte, which he sent him by the messengers.
Pero ang hari ng mga tao ng Ammon ay tinalikuran ang babala na ipinadala sa kaniya ni Jefta.
29 Therefore the spirit of the Lord came upon Jephte, and going round Galaad, and Manasses, and Maspha of Galaad, and passing over from thence to the children of Ammon,
Pagkatapos dumating kay Jefta ang Espiritu ni Yahweh, at dumaan siya sa Galaad at Manases, at dumaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad kaniyang nadaanan ang mga tao ng Ammon.
30 He made a vow to the Lord, saying: If thou wilt deliver the children of Ammon into my hands,
Gumawa si Jefta ng isang panata kay Yahweh at sinabing, “Kung bibigyan mo ako ng tagumpay laban sa mga tao ng Ammon,
31 Whosoever shall first come forth out of the doors of my house, and shall meet me when I return in peace from the children of Ammon, the same will I offer a holocaust to the Lord.
at kung anuman ang lumabas sa mga pintuan ng aking bahay para salubungin ako kapag bumalik ako ng mapayapa mula sa bayan ng Ammon na pag-aari ni Yahweh, at ihahandog ko ito bilang isang sinunog na handog.”
32 And Jephte passed over to the children of Ammon, to fight against them: and the Lord delivered them into his hands.
Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.
33 And he smote them from Aroer till you come to Mennith, twenty cities, and as far as Abel, which is set with vineyards, with a very great slaughter: and the children of Ammon were humbled by the children of Israel.
Sinalakay niya sila at nagdulot na maraming mapatay mula sa Aroer ganoon din sa Minit—dalawampung mga lungsod—at sa Abelqueramim. Kaya ang bayan ng Ammon ay inilagay sa ilalim ng pamumuno ng bayan ng Israel.
34 And when Jephte returned into Maspha to his house, his only daughter met him with timbrels and with dances: for he had no other children.
Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae.
35 And when he saw her, he rent his garments, and said: Alas! my daughter, thou hast deceived me, and thou thyself art deceived: for I have opened my mouth to the Lord, and I can do no other thing.
Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
36 And she answered him: My father, if thou hast opened thy mouth to the Lord, do unto me whatsoever thou hast promised, since the victory hath been granted to thee, and revenge of thy enemies.
Sinabi niya sa kaniya, “Aking ama, gumawa ka ng isang panata kay Yahweh, gawin mo sa akin ang lahat ng iyong ipinangako, dahil si Yahweh ang nagsagawa ng paghihiganti laban sa iyong mga kaaway, ang mga Amoreo.”
37 And she said to her father: Grant me only this which I desire: Let me go, that I may go about the mountains for two months, and may bewail my virginity with my companions.
Sinabi niya sa kaniyang ama, “Hayaan ang pangakong ito na maitago para sa akin. Iwan akobng mag-isa sa loob ng dalawang buwan, para ako ay makaalis at bumababa sa mga burol at magdalamhati sa aking pagkabirhen, ako at ang aking mga kasamahan.”
38 And he answered her: Go. And he sent her away for two months. And when she was gone with her comrades and companions, she mourned her virginity in the mountains.
Sinabi niya, “Umalis ka na.” Pinaalis niya ang kaniyang anak na babae ng dalawang buwan. Siya ay Iniwan niya, siya at ang kaniyang mga kasamahan, at nagdalamhati sila sa kaniyang pagkabirhen sa burol.
39 And the two months being expired, she returned to her father, and he did to her as he had vowed, and she knew no man. From thence came a fashion in Israel, and a custom has been kept:
Pagkatapos ng dalawang buwan bumalik siya sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa panata na kaniyang ginawa. Ngayon hindi siya kailanman sumiping sa isang lalaki, at naging kaugalian ito ng Israel
40 That from year to year the daughters of Israel assemble together, and lament the daughter of Jephte the Galaadite for four days.
na ang mga babaeng anak ng Israel sa bawat taon, sa loob ng apat na araw, ay ipapaulit ang kwento tungkol sa babaeng anak ni Jefta na Galaadita.

< Judges 11 >