< Joel 1 >

1 The word of the Lord that came to Joel the son of Phatuel.
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Joel na anak ni Petuel.
2 Hear this, ye old men, and give ear, all ye inhabitants of the land: did this ever happen in your days, or in the days of your fathers?
Pakinggan ito, kayong mga nakatatanda, at makinig kayo, lahat kayong naninirahan sa lupain. Nangyari na ba ito noon sa inyong panahon o sa panahon ng inyong mga ninuno?
3 Tell ye of this to your children, and let your children tell their children, and their children to another generation.
Sabihin ninyo sa inyong mga anak ang tungkol dito at sabihin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak at ng kanilang mga anak sa susunod na henerasyon.
4 That which the palmerworm hath left, the locust hath eaten: and that which the locust hath left, the bruchus hath eaten: and that which the bruchus hath left, the mildew hath destroyed.
Ang iniwan ng napakaraming nagliliparang balang ay kinain ng mga malalaking balang, ang iniwan ng mga malalaking balang ay kinain ng mga tipaklong, at ang iniwan ng mga tipaklong ay kinain ng mga uod.
5 Awake, ye that are drunk, and weep, and mourn all ye that take delight in drinking sweet wine: for it is cut off from your mouth.
Gumising kayo, kayong mga lasenggo at tumangis! Humagulhol kayo, lahat kayong mga manginginom ng alak dahil ang matamis na alak ay pinahinto na sa inyo.
6 For a nation is come up upon my land, strong and without number: his teeth are like the teeth of a lion: and his cheek teeth as of a lion’s whelp.
Sapagkat dumating ang isang bansang malakas at hindi mabilang sa aking lupain. Ang kaniyang ngipin ay ngipin ng leon at mayroon siyang ngipin ng babaeng leon.
7 He hath laid my vineyard waste, and hath pilled off the bark of my fig tree: he hath stripped it bare, and cast it away; the branches thereof are made white.
Ginawa niyang katakot-takot na lugar ang aking ubasan at tinalupan ang aking puno ng igos. Binaklas niya ang upak at itinapon ito, ang mga sanga nito ay namuti.
8 Lament like a virgin girded with sackcloth for the husband of her youth.
Magluksa kayo gaya ng isang birheng nakadamit ng telang magaspang dahil sa pagkamatay ng kaniyang batang asawa.
9 Sacrifice and libation is cut off from the house of the Lord: the priests, the Lord’s ministers, have mourned:
Ang butil na handog at inuming handog ay pinahinto sa tahanan ni Yahweh. Nagdadalamhati ang mga paring lingkod ni Yahweh.
10 The country is destroyed, the ground hath mourned: for the corn is wasted, the wine is confounded, the oil hath languished.
Winasak ang mga bukirin at ang lupa ay nagdadalamhati. Sapagkat sinira ang butil, natuyo ang bagong alak at nabulok ang langis.
11 The husbandmen are ashamed, the vinedressers have howled for the wheat, and for the barley, because the harvest of the field is perished.
Mahiya kayo, kayong mga magsasaka at humagulhol kayo, kayong mga nagpapalaki ng puno ng ubas, para sa trigo at sebada. Sapagkat namatay ang ani ng mga bukirin.
12 The vineyard is confounded, and the fig tree hath languished: the pomegranate tree, and the palm tree, and the apple tree, and all the trees of the field are withered: because joy is withdrawn from the children of men.
Nalanta ang mga puno ng ubas at natuyo ang mga puno ng igos, ang mga puno ng granada, gayon din ang mga puno ng palma at mga puno ng mansanas— ang lahat ng puno ng bukirin ay nalanta. Sapagkat nalanta ang kagalakan mula sa mga kaapu-apuhan ng tao.
13 Gird yourselves, and lament, O ye priests, howl, ye ministers of the altars: go in, lie in sackcloth, ye ministers of my God: because sacrifice and libation is cut off from the house of your God.
Magsuot kayo ng telang magaspang at magdalamhati kayo, kayong mga pari! Humagulhol kayo, kayong mga lingkod ng altar. Halikayo, humiga nang buong gabi na nakasuot ng telang magaspang, kayong mga lingkod ng aking Diyos. Sapagkat itinigil ang butil na handog at inuming handog sa tahanan ng inyong Diyos.
14 Sanctify ye a fast, call an assembly; gather together the ancients, all the inhabitants of the land into the house of your God: and cry ye to the Lord:
Magpatawag kayo para sa isang banal na pag-aayuno at magpatawag kayo para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo sa tahanan ni Yahweh, na inyong Diyos, ang mga nakatatanda at lahat ng naninirahan sa lupain at umiyak kay Yahweh.
15 Ah, ah, ah, for the day: because the day of the Lord is at hand, and it shall come like destruction from the mighty.
Oh sa araw na iyon! Sapagkat ang araw ni Yahweh ay malapit na. Kasama nitong darating ang pagkawasak na mula sa Makapangyarihan.
16 Is not your food cut off before your eyes, joy and gladness from the house of our God?
Hindi ba't nawala sa ating mga paningin ang pagkain, kagalakan at kasayahan mula sa tahanan ng ating Diyos?
17 The beasts have rotted in their dung, the barns are destroyed, the storehouses are broken down: because the corn is confounded.
Nabulok ang mga buto sa ilalim ng tumpok ng lupa, pinabayaan ang mga kamalig at giniba ang mga kamalig sapagkat nalanta ang butil.
18 Why did the beast groan, why did the herds of cattle low? because there is no pasture for them: yea, and the flocks of sheep are perished.
Ganoon na lamang ang atungal ng mga hayop! Nagdurusa ang mga kawan ng baka dahil wala silang pastulan. Ganoon din, ang mga kawan ng tupa ay nagdurusa.
19 To thee, O Lord, will I cry: because fire hath devoured the beautiful places of the wilderness, and the flame hath burnt all the trees of the country.
Yahweh, dumadaing ako sa iyo. Sapagkat nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng apoy ang lahat ng puno sa parang.
20 Yea and the beasts of the field have looked up to thee, as a garden bed that thirsteth after rain, for the springs of waters are dried up, and fire hath devoured the beautiful places of the wilderness.
Kahit ang mga hayop sa parang ay nagsisihingal sa iyo, sapagkat natuyo ang tubig sa batis, at nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang.

< Joel 1 >