< Job 2 >
1 And it came to pass, when on a certain day the sons of God came, and stood before the Lord, and Satan came among them, and stood in his sight,
Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon.
2 That the Lord said to Satan: Whence comest thou? And he answered and said: I have gone round about the earth, and walked through it.
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
3 And the Lord said to Satan: Hast thou considered my servant Job, that there is none like him in the earth, a man simple, and upright, and fearing God, and avoiding evil, and still keeping his innocence? But thou hast moved me against him, that I should afflict him without cause.
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya'y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako'y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan.
4 And Satan answered, and said: Skin for skin, and all that a man hath he will give for his life:
At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay.
5 But put forth thy hand, and touch his bone and his flesh, and then thou shalt gee that he will bless thee to thy face.
Nguni't pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan.
6 And the Lord said to Satan: Behold be is in thy hand, but yet save his life.
At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.
7 So Satan went forth from the presence Of the Lord, and struck Job with a very grievous ulcer, from the sole of the foot even to the top of his head:
Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo.
8 And he took a potsherd and scraped the corrupt matter, sitting on a dunghill.
At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; at siya'y naupo sa mga abo.
9 And his wife said to him: Dost thou still continue in thy simplicity? bless God and die.
Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.
10 And he said to her: Thou hast; spoken like one of the foolish women: if we have received good things at the hand of God, why should we not receive evil? In all these things Job did not sin with his lips.
Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi.
11 Now when Job’s three friends heard all the evil that had befallen him, they came every one from his own place, Alphas the Themanite, and Baldad the Suhite, and Sophar the Naamathite. For they had made an appointment to come together and visit him, and comfort him.
Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila'y naparoon bawa't isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila'y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya.
12 And when they had lifted up their eyes afar off, they knew him not, and crying out they wept, and rending their garments they sprinkled dust upon their heads towards heaven.
At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit.
13 And they sat with him on the ground seven days and seven nights, and no man spoke to him a word: for they saw that his grief was very great.
Sa gayo'y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka't kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki.