< 2 Thessalonians 1 >

1 Paul, and Sylvanus, and Timothy, to the church of the Thessalonians in God our Father, and the Lord Jesus Christ.
Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;
2 Grace unto you, and peace from God our Father, and from the Lord Jesus Christ.
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 We are bound to give thanks always to God for you, brethren, as it is fitting, because your faith groweth exceedingly, and the charity of every one of you towards each other, aboundeth:
Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
4 So that we ourselves also glory in you in the churches of God, for your patience and faith, and in all your persecutions and tribulations, which you endure,
Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
5 For an example of the just judgment of God, that you may be counted worthy of the kingdom of God, for which also you suffer.
Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:
6 Seeing it is a just thing with God to repay tribulation to them that trouble you:
Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,
7 And to you who are troubled, rest with us when the Lord Jesus shall be revealed from heaven, with the angels of his power:
At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 In a flame of fire, giving vengeance to them who know not God, and who obey not the gospel of our Lord Jesus Christ.
Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
9 Who shall suffer eternal punishment in destruction, from the face of the Lord, and from the glory of his power: (aiōnios g166)
Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (aiōnios g166)
10 When he shall come to be glorified in his saints, and to be made wonderful in all them who have believed; because our testimony was believed upon you in that day.
Pagka paririto siya upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
11 Wherefore also we pray always for you; that our God would make you worthy of his vocation, and fulfill all the good pleasure of his goodness and the work of faith in power;
Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya;
12 That the name of our Lord Jesus may be glorified in you, and you in him, according to the grace of our God, and of the Lord Jesus Christ.
Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.

< 2 Thessalonians 1 >