< 2 Kings 8 >
1 And Eliseus spoke to the woman, whose son he had restored to life, saying: Arise, and go thou and thy household, and sojourn wheresoever thou canst find: for the Lord hath exiled a famine, and it shall come upon the land seven years.
Nagsalita nga si Eliseo sa babae, na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay, na sinasabi, Ikaw ay bumangon at yumaon ka at ang iyong sangbahayan, at mangibang bayan ka kung saan ka makakapangibang bayan: sapagka't nagtalaga ang Panginoon ng kagutom; at magtatagal naman sa lupain na pitong taon.
2 And she arose, and did according to the word of the man of God: and going with her household, she sojourned in the land of the Philistines many days.
At ang babae ay bumangon, at ginawa ang ayon sa sinalita ng lalake ng Dios: at siya'y yumaon na kasama ng kaniyang sangbahayan, at nangibang bayan sa lupain ng mga Filisteo na pitong taon.
3 And when the seven years were ended, the woman returned out of the land of the Philistines, and she went forth to speak to the king for her house, and for her lands.
At nangyari, sa katapusan ng ikapitong taon, na ang babae ay bumalik na mula sa lupain ng mga Filisteo: at siya'y lumabas upang dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain.
4 And the king talked with Giezi, the servant of the man of God, saying: Tell me all the great things that Eliseus hath done.
Ang hari nga'y nakipagusap kay Giezi na lingkod ng lalake ng Dios, na sinasabi, Isinasamo ko sa iyo, na saysayin mo sa akin ang lahat na mga dakilang bagay na ginawa ni Eliseo.
5 And when he was telling the king how he had raised one dead to life, the woman appeared, whose son he had restored to life, crying to the king for her house, and her lands. And Giezi said: My lord O king, this is the woman, and this is her son, whom Eliseus raised to life.
At nangyari, samantalang kaniyang sinasaysay sa hari kung paanong kaniyang isinauli ang buhay niyaon na patay, na narito, ang babae, na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay, ay dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain. At sinabi ni Giezi, Panginoon ko, Oh hari, ito ang babae, at ito ang kaniyang anak na sinaulian ng buhay ni Eliseo.
6 And the king asked the woman: and she told him. And the king appointed her an eunuch, saying: Restore her all that is hers, and all the revenues of the lands, from the day that she left the land, to this present.
At nang tanungin ng hari ang babae, sinaysay niya sa kaniya. Sa gayo'y hinalalan ng hari siya ng isang pinuno, na sinasabi, Isauli mo ang lahat ng kaniya, at ang lahat ng bunga ng bukid mula nang araw na kaniyang iwan ang lupain, hanggang ngayon.
7 Eliseus also came to Damascus, and Benadad king of Syria was sick: and they told him, saying: The man of God is come hither.
At si Eliseo ay naparoon sa Damasco; at si Ben-adad na hari sa Siria ay may sakit: at nasaysay sa kaniya, na sinabi, Ang lalake ng Dios ay naparito.
8 And the king said to Hazael: Take with thee presents, and go to meet the man of God, and consult the Lord by him, saying: Can I recover of this my illness?
At sinabi ng hari kay Hazael, Magdala ka ng isang kaloob sa iyong kamay, at yumaon kang salubungin mo ang lalake ng Dios, at magusisa ka sa Panginoon sa pamamagitan niya, na magsabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito?
9 And Hazael went to meet him, taking with him presents, and all the good things of Damascus, the burdens of forty camels. And when he stood before him, he said: Thy son Benadad the king of Syria hath sent me to thee, saying: Can I recover of this my illness?
Sa gayo'y naparoon na sinalubong siya ni Hazael, at nagdala siya ng kaloob, ng bawa't mabuting bagay sa Damasco, na apat na pung pasang kamelyo at naparoon at tumayo sa harap niya, at nagsabi, Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-adad na hari sa Siria, na sinasabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito?
10 And Eliseus said to him: Go tell him: Thou shalt recover: bat the Lord hath shewn me that he shall surely die.
At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Ikaw ay yumaon, sabihin mo sa kaniya, Walang pagsalang ikaw ay gagaling? gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Panginoon na siya'y walang pagsalang mamamatay.
11 And he stood with him, and was troubled so far as to blush: and the man of God wept.
At kaniyang itinitig ang kaniyang mukha, hanggang sa siya'y napahiya: at ang lalake ng Dios ay umiyak.
12 And Hazael said to him: Why doth my lord weep? And he said: Because I know the evil that thou wilt do to the children of Israel. Their strong cities then wilt burn with fire, and their young men thou wilt kill with the sword, and thou wilt dash their children, and rip up their pregnant women.
At sinabi ni Hazael, Bakit umiyak ang panginoon ko? At siya'y sumagot, Sapagka't talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel: ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy, at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak, at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata, at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis.
13 And Hazael said: But what am I thy servant a dog, that I should do this great thing? And Eliseus said: The Lord hath shewn me that thou shalt be king of Syria.
At sinabi ni Hazael, Nguni't ano ang iyong lingkod na isang aso lamang na kaniyang gagawin ang dakilang bagay na ito? At sumagot si Eliseo, Ipinakilala sa akin ng Panginoon, na ikaw ay magiging hari sa Siria.
14 And when he was departed from Eliseus, he came to his master, who said to him: What saith Eliseus to thee? And he answered: He told me: Thou shalt recover.
Nang magkagayo'y nilisan niya si Eliseo, at naparoon sa kaniyang panginoon; na nagsabi sa kaniya, Ano ang sabi ni Eliseo sa iyo? At siya'y sumagot, Kaniyang sinaysay sa akin na walang pagsalang ikaw ay gagaling.
15 And on the next day he took a blanket, and pouted water on it, and spread it upon his face: and he died, and Hazael reigned in his stead.
At nangyari, nang kinabukasan, na kaniyang kinuha ang munting kumot at binasa sa tubig, at iniladlad sa kaniyang mukha, na anopa't siya'y namatay: at si Hazael ay naghari na kahalili niya.
16 In the fifth year of Joram son of Achab king of Israel, and of Josaphat king of Juda, reigned Joram son of Josaphat king of Juda.
At nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel, noong si Josaphat ay hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda.
17 He was two and thirty years old when he began to reign, and he reigned eight years in Jerusalem.
Tatlongpu't dalawang taon ang gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem.
18 And he walked in the ways of the kings of Israel, as the house of Achab had walked: for the daughter of Achab was his wife: and he did that which was evil in the sight of the Lord.
At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang anak ni Achab ay kaniyang asawa: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.
19 But the Lord would not destroy Juda, for David his servant’s sake, as he had promised him, to give him a light, and to his children always.
Gayon ma'y hindi giniba ng Panginoon ang Juda, dahil kay David na kaniyang lingkod gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man.
20 In his days Edom revolted, from being under Juda, and made themselves a king.
Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na humiwalay sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Juda, at naghalal sila ng hari sa kanila.
21 And Joram came to Seira, and all the chariots with him: and he arose in the night, and defeated the Edomites that had surrounded him, and the captains of the chariots, but the people fled into their tents.
Nang magkagayo'y nagdaan si Joram sa Seir, at ang lahat niyang mga karo na kasama niya: at siya'y bumangon sa gabi, at sinaktan ang mga Edomeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga punong kawal ng mga karo; at ang bayan ay tumakas sa kanilang mga tolda.
22 So Edom revolted from being under Juda, unto this day. Then Lobna also revolted at the same time.
Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom sa kamay ng Juda, hanggang sa araw na ito. Nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahon ding yaon.
23 But the rest of the acts of Joram, and all that he did, are they not written in the book of the words of the days of the kings of Juda?
At ang iba sa mga gawa ni Joram, at ang lahat niyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
24 And Joram slept with his fathers, and was buried with them in the city of David, and Ochozias his son reigned in Iris stead.
At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
25 In the twelfth year of Joram son of Achab king of Israel, reigned Ochozias son of Joram king of Juda.
Nang ikalabing dalawang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda.
26 Ochozias was two and twenty years old when he began to reign, and he reigned one year in Jerusalem: the name of his mother was Athalia the daughter of Amri king of Israel.
May dalawangpu't dalawang taon si Ochozias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri na hari sa Israel.
27 And he walked in the ways of the house of Achab: and he did evil before the Lord, as did the house of Achab: for he was the son in law of the house of Achab.
At siya'y lumakad ng lakad ng sangbahayan ni Achab; at gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't siya'y manugang sa sangbahayan ni Achab.
28 He went also with Joram son of Achab, to fight against Hazael king of Syria in Ramoth Galaad, and the Syrians wounded Joram:
At siya'y yumaong kasama ni Joram na anak ni Achab upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram.
29 And he went back to be healed, in Jezrahel: because the Syrians had wounded him in Ramoth when he fought against Hazael king of Syria. And Ochozias the son of Joram king of Juda, went down to visit Joram the son of Achab in Jezrahel, because he was sick there.
At ang haring Joram ay bumalik upang magpagaling sa Jezreel, ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria sa Ramoth nang siya'y lumaban kay Hazael na hari sa Siria. At si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y nasugatan.