< 1 John 5 >
1 Whosoever believeth that Jesus is the Christ, is born of God. And every one that loveth him who begot, loveth him also who is born of him.
Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.
2 In this we know that we love the children of God: when we love God, and keep his commandments.
Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
3 For this is the charity of God, that we keep his commandments: and his commandments are not heavy.
Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
4 For whatsoever is born of God, overcometh the world: and this is the victory which overcometh the world, our faith.
Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.
5 Who is he that overcometh the world, but he that believeth that Jesus is the Son of God?
At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?
6 This is he that came by water and blood, Jesus Christ: not by water only, but by water and blood. And it is the Spirit which testifieth, that Christ is the truth.
Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
7 And there are three who give testimony in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost. And these three are one.
At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
8 And there are three that give testimony on earth: the spirit, and the water, and the blood: and these three are one.
Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
9 If we receive the testimony of men, the testimony of God is greater. For this is the testimony of God, which is greater, because he hath testified of his Son.
Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
10 He that believeth in the Son of God, hath the testimony of God in himself. He that believeth not the Son, maketh him a liar: because he believeth not in the testimony which God hath testified of his Son.
Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.
11 And this is the testimony, that God hath given to us eternal life. And this life is in his Son. (aiōnios )
At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. (aiōnios )
12 He that hath the Son, hath life. He that hath not the Son, hath not life.
Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.
13 These things I write to you, that you may know that you have eternal life, you who believe in the name of the Son of God. (aiōnios )
Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. (aiōnios )
14 And this is the confidence which we have towards him: That, whatsoever we shall ask according to his will, he heareth us.
At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
15 And we know that he heareth us whatsoever we ask: we know that we have the petitions which we request of him.
At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.
16 He that knoweth his brother to sin a sin which is not to death, let him ask, and life shall be given to him, who sinneth not to death. There is a sin unto death: for that I say not that any man ask.
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.
17 All iniquity is sin. And there is a sin unto death.
Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.
18 We know that whosoever is born of God, sinneth not: but the generation of God preserveth him, and the wicked one toucheth him not.
Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.
19 We know that we are of God, and the whole world is seated in wickedness.
Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.
20 And we know that the Son of God is come: and he hath given us understanding that we may know the true God, and may be in his true Son. This is the true God and life eternal. (aiōnios )
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (aiōnios )
21 Little children, keep yourselves from idols. Amen.
Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.