< Psalms 123 >

1 A Song of degrees. Unto thee do I lift up mine eyes, O thou that dwellest in the heavens.
Sa iyo ko itataas ang aking mga mata, ikaw na nakaupo sa kalangitan.
2 Behold, as the eyes of servants [look] unto the hand of their masters, as the eyes of a maiden unto the hand of her mistress, so our eyes [are directed] to Jehovah our God, until he be gracious unto us.
Tingnan mo, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang amo, kung paanong tumitingin ang mga mata ng isang alilang babae sa kamay ng kaniyang among babae, gayundin ang pagtingin ng aming mga mata kay Yahweh na aming Diyos hanggang siya ay magkaroon ng awa sa amin.
3 Be gracious unto us, O Jehovah, be gracious unto us; for we are exceedingly filled with contempt.
Maawa ka sa amin, O Yahweh, maawa ka sa amin, dahil kami ay puno ng kahihiyan.
4 Our soul is exceedingly filled with the scorning of those that are at ease, with the contempt of the proud.
Kami ay higit na punong-puno ng pangungutya ng mga walang-galang at paghamak ng mapagmalaki.

< Psalms 123 >