< Mark 16 >
1 And the sabbath being [now] past, Mary of Magdala, and Mary the [mother] of James, and Salome, bought aromatic spices that they might come and embalm him.
Nang matapos ang Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago, at si Salome ay bumili ng pabango upang makapunta sila at mapahiran ang katawan ni Jesus para sa paglilibing.
2 And very early on the first [day] of the week they come to the sepulchre, the sun having risen.
Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, nang sumikat ang araw pumunta sila sa libingan.
3 And they said to one another, Who shall roll us away the stone out of the door of the sepulchre?
Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato ng pasukan ng libingan para sa atin?”
4 And when they looked, they see that the stone has been rolled [away], for it was very great.
Nang tumingin sila sa itaas, nakita nila na mayroon ng nagpagulong ng bato na napakalaki.
5 And entering into the sepulchre, they saw a young man sitting on the right, clothed in a white robe, and they were amazed and alarmed;
Pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang nakasuot ng puting balabal, nakaupo sa gawing kanan at namangha sila.
6 but he says to them, Be not alarmed. Ye seek Jesus, the Nazarene, the crucified one. He is risen, he is not here; behold the place where they had put him.
Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Bumangon na siya! Wala siya rito. Tingnan ninyo kung saan siya inilagay.
7 But go, tell his disciples and Peter, he goes before you into Galilee; there shall ye see him, as he said to you.
Ngunit humayo kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro na mauuna siyang pupunta sa inyo sa Galilea. Doon makikita ninyo siya, gaya ng sinabi niya sa inyo.”
8 And they went out, and fled from the sepulchre. And trembling and excessive amazement possessed them, and they said nothing to any one, for they were afraid.
Lumabas sila at tumakbo mula sa libingan; natakot sila at namangha. Wala silang sinabi sa sinuman dahil matindi ang kanilang takot.
9 (note: The most reliable and earliest manuscripts do not include Mark 16:9-20.) Now when he had risen very early, the first [day] of the week, he appeared first to Mary of Magdala, out of whom he had cast seven demons.
(note: The most reliable and earliest manuscripts do not include Mark 16:9-20.) Maaga sa unang araw ng linggong iyon, matapos siyang bumangon, una siyang nagpakita kay Maria Magdalena, na mula sa kaniya napalayas niya ang pitong demonyo.
10 She went and brought word to those that had been with him, [who were] grieving and weeping.
Umalis si Maria Magdalena at sinabi sa mga kasama niya, habang nagluluksa sila at umiiyak.
11 And when these heard that he was alive and had been seen of her, they disbelieved [it].
Narinig nilang buhay si Jesus at nakita niya ito ngunit hindi sila naniwala.
12 And after these things he was manifested in another form to two of them as they walked, going into the country;
Matapos ng mga pangyayaring ito, nagpakita siya sa kakaibang anyo sa dalawa pang tao, habang naglalakad sila palabas ng bayan.
13 and they went and brought word to the rest; neither did they believe them.
Pumunta sila at nagbalita sa iba pang mga alagad ngunit hindi sila naniwala sa kanila.
14 Afterwards as they lay at table he was manifested to the eleven, and reproached [them with] their unbelief and hardness of heart, because they had not believed those who had seen him risen.
Sa ibang pagkakataon, nagpakita si Jesus sa labing-isa habang nakasandal sila sa hapag, at sinaway sila dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso, dahil hindi sila naniniwala sa mga nakakita sa kaniya matapos siyang bumangon mula sa mga patay.
15 And he said to them, Go into all the world, and preach the glad tidings to all the creation.
Sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha.
16 He that believes and is baptised shall be saved, and he that disbelieves shall be condemned.
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas at ang hindi naniniwala ay hahatulan.
17 And these signs shall follow those that have believed: in my name they shall cast out demons; they shall speak with new tongues;
Ang mga palatandaang ito ay tataglayin ng mga sumasampalataya. Sa aking pangalan sila ay magpapalayas ng mga demonyo. Magsasalita sila sa mga bagong wika.
18 they shall take up serpents; and if they should drink any deadly thing it shall not injure them; they shall lay hands upon the infirm, and they shall be well.
Pupulot sila ng mga ahas, at kung iinom sila ng anumang nakamamatay ay hindi sila masasaktan nito. Magpapatong sila ng kamay sa mga may sakit at gagaling sila.”
19 The Lord therefore, after he had spoken to them, was taken up into heaven, and sat at the right hand of God.
Matapos magsalita sa kanila ang Panginoon, iniakyat siya patungo sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos.
20 And they, going forth, preached everywhere, the Lord working with [them], and confirming the word by the signs following upon [it].
Humayo ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako, habang ang Panginoon ay kumikilos kasama nila at pinatunayan ang salita sa pamamagitan ng mga sumunod pang mga kahanga-hangang palatandaan.