< Isaiah 63 >
1 Who is this that cometh from Edom, with deep-red garments from Bozrah, this that is glorious in his apparel, travelling in the greatness of his strength? — I that speak in righteousness, mighty to save.
Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
2 — Wherefore is redness in thine apparel, and thy garments like him that treadeth in the winevat?
Bakit ka mapula sa iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
3 I have trodden the winepress alone, and of the peoples not a man was with me; and I have trodden them in mine anger, and trampled them in my fury; and their blood is sprinkled upon my garments, and I have stained all mine apparel.
Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
4 For the day of vengeance was in my heart, and the year of my redeemed had come.
Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating.
5 And I looked, and there was none to help; and I wondered that there was none to uphold: and mine own arm brought salvation unto me; and my fury, it upheld me.
At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.
6 And I have trodden down the peoples in mine anger, and made them drunk in my fury; and their blood have I brought down to the earth.
At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.
7 I will record the loving-kindnesses of Jehovah, the praises of Jehovah, according to all that Jehovah hath bestowed upon us, and the great goodness toward the house of Israel which he hath bestowed upon them according to his mercies, and according to the multitude of his loving-kindnesses.
Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
8 And he said, They are indeed my people, children that will not lie; and he became their Saviour.
Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila.
9 In all their affliction he was afflicted, and the Angel of his presence saved them: in his love and in his pity he redeemed them; and he bore them and carried them all the days of old.
Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya sila; at kaniyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw.
10 But they rebelled and grieved his holy Spirit: and he turned to be their enemy; himself, he fought against them.
Nguni't sila'y nanganghimagsik, at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.
11 But he remembered the days of old, Moses [and] his people: Where is he that brought them up out of the sea with the shepherds of his flock? Where is he that put his holy Spirit within him,
Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila?
12 his glorious arm leading them by the right hand of Moses, dividing the waters before them, to make himself an everlasting name,
Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan?
13 — who led them through the depths, like a horse in the wilderness, [and] they stumbled not?
Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman, na parang isang kabayo sa ilang, upang sila'y huwag mangatisod?
14 As cattle go down into the valley, the Spirit of Jehovah gave them rest; so didst thou lead thy people, to make thyself a glorious name.
Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.
15 Look down from the heavens, and behold from the habitation of thy holiness and of thy glory! Where is thy zeal and thy strength, the sounding of thy bowels and of thy tender mercies? Are they restrained toward me?
Tumungo ka mula sa langit, at tumingin ka, mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian: saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa? ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin.
16 For thou art our Father, though Abraham be ignorant of us, and Israel acknowledge us not: thou, Jehovah, art our Father; our Redeemer, from everlasting, is thy name.
Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
17 Why, O Jehovah, hast thou made us to err from thy ways, hast hardened our heart from thy fear? Return for thy servants' sake, the tribes of thine inheritance.
Oh Panginoon; bakit mo kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.
18 Thy holy people have possessed [it] but a little while: our adversaries have trodden down thy sanctuary.
Inaring sangdali lamang ng iyong banal na bayan: niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario.
19 We have become [like those] over whom thou never barest rule, those not called by thy name.
Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan.