< Ezekiel 4 >
1 And thou, son of man, take thee a brick, and lay it before thee, and portray upon it a city, — Jerusalem:
Ngunit ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang laryo para sa iyong sarili at ilagay ito sa iyong harapan. At iukit mo rito ang lungsod ng Jerusalem.
2 and lay siege against it, and build forts against it, and cast a mound against it, and set camps against it, and place battering-rams against it round about.
At lagyan mo ng panglusob laban dito, at magtayo ng mga tanggulan laban dito. Maglagay ng daanan na pangsalakay laban dito at maglagay ng mga kampo sa palibot nito. Maglagay ng mga pambayo sa buong palibot nito.
3 And take thou unto thee an iron plate, and put it [for] a wall of iron between thee and the city; and set thy face against it, and it shall be besieged, and thou shalt lay siege against it: this shall be a sign to the house of Israel.
At ikaw, magdala ka ng kawaling bakal, at gamitin mo ito bilang bakal na pader sa pagitan mo at ng lungsod. Iharap mo ang iyong mukha sa dakong iyon at sa lungsod, sapagkat lulusubin ito. Kaya maglagay ka ng panglusob dito! Magiging isang palatandaan ito ng sambahayan ng Israel.
4 And thou, lie upon thy left side, and lay the iniquity of the house of Israel upon it: the number of the days that thou liest upon it, thou shalt bear their iniquity.
Pagkatapos, humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo sa iyong sarili ang kasalanan ng sambahayan ng Israel; papasanin mo ang kanilang kasalanan sa bilang ng mga araw na ikaw ay nakahiga paharap sa sambahayan ng Israel.
5 And I have appointed thee the years of their iniquity, according to the number of the days, three hundred and ninety days; and thou shalt bear the iniquity of the house of Israel.
Ako mismo ang magtatalaga sa iyo ng isang araw upang kumatawan sa bawat taon ng kanilang kaparusahan: 390 araw! Sa ganitong paraan, papasanin mo ang kasalanan ng sambahayan ng Israel.
6 And when thou hast accomplished them, thou shalt lie again on thy right side, and thou shalt bear the iniquity of the house of Judah forty days: I have appointed thee each day for a year.
Kapag natapos mo na ang mga araw na ito, humiga ka patagilid sa iyong kanan sa pangalawang pagkakataon, sapagkat papasanin mo ang kasalanan ng sambahayan ng Juda sa loob ng apatnapung araw. Magtatalaga ako sa iyo ng isang araw sa bawat taon.
7 And thou shalt set thy face toward the siege of Jerusalem, and thine arm shall be uncovered, and thou shalt prophesy against it.
At Ihaharap mo ang iyong mukha sa Jerusalem na kasalukuyang linulusob na hindi natatakpan ang iyong bisig, at maghahayag ka ng propesiya laban dito.
8 And behold, I lay bands upon thee, and thou shalt not turn thyself from one side to the other, till thou hast ended the days of thy siege.
Sapagkat masdan mo! Maglalagay ako ng panali sa iyo upang hindi ka lumingon sa magkabilang bahagi hanggang sa matapos mo ang mga araw ng iyong pagkalusob.
9 And thou, take unto thee wheat, and barley, and beans, and lentils, and millet, and spelt, and put them in one vessel, and make thee bread thereof, [according to] the number of the days that thou liest upon thy side: three hundred and ninety days shalt thou eat thereof.
Magdala ka ng trigo, sebada, bitsuwelas, lentil, dawa at espelta; ilagay mo sila sa isang sisidlan at gumawa ka ng tinapay para sa iyong sarili ayon sa bilang ng mga araw na nakahiga kang patagilid. Kakainin mo ito nang 390 na araw!
10 And thy meat which thou shalt eat shall be by weight, twenty shekels a day: from time to time shalt thou eat it.
Ito ang pagkaing kakainin mo: Dalawampung siklo ang timbang sa bawat araw. Kakainin mo ito sa bawat oras.
11 And thou shalt drink water by measure, the sixth part of a hin: from time to time shalt thou drink.
At iinom ka ng tubig, na may sukat na anim na bahagi ng hin. Iinumin mo ito maya't-maya.
12 And thou shalt eat it [as] barley-cake, and thou shalt bake it in their sight with dung that cometh out of man.
Kakainin mo ito tulad ng mga tinapay na gawa sa sebada, ngunit lulutuin mo ito gamit ang dumi ng tao sa kanilang paningin!”
13 And Jehovah said, So shall the children of Israel eat their bread unclean among the nations whither I will drive them.
Sapagkat sinasabi ni Yahweh, “Nangangahulugan ito na magiging marumi ang tinapay na kakainin ng mga tao ng Israel, doon sa mga bansa kung saan ko sila itataboy.”
14 Then said I, Ah, Lord Jehovah! behold, my soul hath not been defiled, and from my youth up even until now have I not eaten of that which dieth of itself, or of that which is torn; neither came there abominable flesh into my mouth.
Ngunit sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Kailan man ay hindi ako naging marumi! Hindi ako kailanman kumakain ng anumang namatay o anumang pinatay ng mga hayop, mula sa aking pagkabata hanggang ngayon, at hindi kailanman nakapasok sa aking bibig ang maruming karne!”
15 And he said unto me, See, I have given thee cow's dung for man's dung, and thou shalt prepare thy bread therewith.
Kaya sinabi niya sa akin, “Tingnan mo! Binigyan kita ng dumi ng baka sa halip na dumi ng tao upang maaari mo nang lutuin ang iyong tinapay sa ibabaw ng dumi ng baka.”
16 And he said unto me, Son of man, behold, I break the staff of bread in Jerusalem; and they shall eat bread by weight, and with anxiety; and they shall drink water by measure, and with astonishment:
Sinabi rin niya sa akin, “Anak ng tao, masdan mo! Sinisira ko ang imbakan ng tinapay sa Jerusalem, at kakain sila ng tinapay habang nirarasyon ito sa kabalisaan at iinom ng tubig habang nirarasyon ito na may panginginig.
17 because bread and water shall fail them, and they shall be astonied one with another, and waste away in their iniquity.
Dahil kukulangin sila ng tinapay at tubig, panghihinaan ng loob ang bawat tao sa kaniyang kapatid na lalaki at matutunaw dahil sa kanilang kasalanan.”