< Deuteronomy 9 >
1 Hear, Israel! Thou art to pass over the Jordan this day, to enter in to possess nations greater and mightier than thou, cities great and walled up to heaven,
Dinggin mo, Oh Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,
2 a people great and tall, the sons of the Anakim, whom thou knowest, and of whom thou hast heard [say], Who can stand before the sons of Anak!
Isang bayang malaki at mataas ng mga anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac?
3 Know then this day, that Jehovah thy God is he that goeth over before thee, a consuming fire; he will destroy them, and he will cast them down before thee, and thou shalt dispossess them and cause them to perish quickly, as Jehovah hath said unto thee.
Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.
4 Thou shalt not say in thy heart, when Jehovah thy God thrusteth them out from before thee, saying, For my righteousness Jehovah hath brought me in to possess this land; but for the wickedness of these nations doth Jehovah dispossess them from before thee.
Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo.
5 Not for thy righteousness, or for the uprightness of thy heart, dost thou enter in to possess their land, but for the wickedness of these nations doth Jehovah thy God dispossess them from before thee, and that he may perform the word which Jehovah swore unto thy fathers, to Abraham, to Isaac, and to Jacob.
Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
6 Know therefore that Jehovah thy God doth not give thee this good land to possess it for thy righteousness; for thou art a stiff-necked people.
Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang matigas ang ulo.
7 Remember, forget not, how thou provokedst Jehovah thy God to wrath in the wilderness. From the day that thou didst depart out of the land of Egypt, until ye came to this place, ye have been rebellious against Jehovah.
Alalahanin mo, huwag mong kalimutan, kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang: mula nang araw na kayo'y umalis sa lupain ng Egipto, hanggang sa kayo'y dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon.
8 And at Horeb ye provoked Jehovah to wrath, and Jehovah was angry with you, to destroy you,
Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana'y lilipulin.
9 when I went up the mountain to receive the tables of stone, the tables of the covenant which Jehovah made with you, and I abode in the mountain forty days and forty nights, — I ate no bread and drank no water, —
Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig.
10 — and Jehovah delivered to me the two tables of stone written with the finger of God; and on them [was written] according to all the words which Jehovah spoke with you on the mountain from the midst of the fire on the day of the assembly.
At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios; at sa mga yao'y nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang araw ng kapulungan.
11 And it came to pass at the end of forty days and forty nights, that Jehovah gave me the two tables of stone, the tables of the covenant.
At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan.
12 And Jehovah said unto me, Arise, go down quickly from hence; for thy people which thou hast brought forth out of Egypt have corrupted themselves; they have quickly turned aside from the way which I commanded them: they have made for themselves a molten image.
At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, manaog kang madali rito; sapagka't ang iyong bayan na iyong inilabas sa Egipto ay nangagpakasama; sila'y madaling lumihis sa daang aking iniutos sa kanila; sila'y nagsigawa para sa kanila ng isang larawang binubo.
13 And Jehovah spoke unto me, saying, I have seen this people, and behold, it is a stiff-necked people.
Bukod dito'y sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang matigas ang ulo:
14 Let me alone, that I may destroy them, and blot out their name from under heaven; and I will make of thee a nation mightier and greater than they.
Bayaan mo ako na aking lipulin sila, at aking pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit; at gagawin kita na isang bansang lalong makapangyarihan at lalong malaki kay sa kanila.
15 And I turned and came down from the mountain, and the mountain burned with fire; and the two tables of the covenant were in my two hands.
Sa gayo'y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.
16 And I saw, and behold, ye had sinned against Jehovah your God: ye had made for yourselves a molten calf; ye had quickly turned aside from the way which Jehovah had commanded you.
At tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon.
17 And I seized the two tables, and cast them out of my two hands, and broke them before your eyes.
At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.
18 And I fell down before Jehovah, as at the first, forty days and forty nights, — I ate no bread and drank no water, — because of all your sin which ye had sinned, in doing what is evil in the eyes of Jehovah, to provoke him to anger.
At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;
19 For I was afraid of the anger and fury wherewith Jehovah was wroth against you to destroy you. And Jehovah listened unto me also at that time.
Sapagka't natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Nguni't dininig din naman ako noon ng Panginoon.
20 And with Aaron Jehovah was very angry to destroy him; and I prayed for Aaron also at the same time.
At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.
21 And I took your sin, the calf which ye had made, and burned it with fire, and crushed it, and ground it very small, until it became fine dust; and I cast the dust thereof into the brook that flowed down from the mountain.
At aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.
22 And at Taberah, and at Massah, and at Kibroth-hattaavah, ye provoked Jehovah to wrath.
At sa Tabera, at sa Massa, at sa Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit.
23 And when Jehovah sent you from Kadesh-barnea, saying, Go up and take possession of the land which I have given you, ye rebelled against the word of Jehovah your God, and ye believed him not, nor hearkened to his voice.
At nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo nga'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig.
24 Ye have been rebellious against Jehovah from the day that I knew you.
Kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.
25 So I fell down before Jehovah the forty days and forty nights, as I fell down; for Jehovah had said he would destroy you.
Sa gayo'y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako'y nagpatirapa, sapagka't sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.
26 I prayed therefore to Jehovah, and said, Lord Jehovah, destroy not thy people and thine inheritance, which thou hast redeemed through thy greatness, which thou hast brought forth out of Egypt with a powerful hand.
At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.
27 Remember thy servants Abraham, Isaac, and Jacob; look not at the stubbornness of this people, nor at their wickedness, nor at their sin;
Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila:
28 lest the land whence thou broughtest us out say, Because Jehovah was not able to bring them into the land which he had promised them, and because he hated them, he hath brought them out to kill them in the wilderness.
Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: Sapagka't hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang.
29 They are indeed thy people and thine inheritance, which thou broughtest out with thy great power and with thy stretched-out arm.
Gayon man sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig.