< Psalms 115 >
1 Not to us, O Lord, not to us, but to your name give glory.
Huwag sa amin, O Yahweh, huwag sa amin, pero sa iyong pangalan maibigay ang karangalan, dahil sa iyong katapatan sa tipan.
2 Give glory to your mercy and your truth, lest the Gentiles should say, “Where is their God?”
Bakit sasabihin ng mga bansa, “Saan naroon ang kanilang Diyos?”
3 But our God is in heaven. All things whatsoever that he has willed, he has done.
Ang aming Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang kaniyang maibigan.
4 The idols of the nations are silver and gold, the works of the hands of men.
Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.
5 They have mouths, and do not speak; they have eyes, and do not see.
Silang mga diyos-diyosang ay may mga bibig, pero (sila) ay hindi nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi (sila) nakakakita;
6 They have ears, and do not hear; they have noses, and do not smell.
mayroong silang mga tainga, pero hindi (sila) nakakarinig; mayroong silang mga ilong, pero hindi (sila) nakakaamoy;
7 They have hands, and do not feel; they have feet, and do not walk. Neither will they cry out with their throat.
Mayroon silang mga kamay, pero hindi (sila) nakakaramdam; mayroon silang mga paa, pero hindi (sila) nakakalakad; ni hindi nila magawang magsalita sa kanilang mga bibig.
8 Let those who make them become like them, along with all who trust in them.
Silang mga gumawa sa kanila ay tulad nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.
9 The house of Israel has hoped in the Lord. He is their helper and their protector.
O Israel, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
10 The house of Aaron has hoped in the Lord. He is their helper and their protector.
Ang tahanan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
11 Those who fear the Lord have hoped in the Lord. He is their helper and their protector.
Kayong gumagalang kay Yahweh, magtiwala sa kaniya; siya ang iyong saklolo at kalasag.
12 The Lord has been mindful of us, and he has blessed us. He has blessed the house of Israel. He has blessed the house of Aaron.
Pinapansin at pagpapalain tayo ni Yahweh; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ng Israel; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ni Aaron.
13 He has blessed all who fear the Lord, the small with the great.
Kaniyang pagpapalain ang nagpaparangal sa kaniya, kapwa bata at matanda.
14 May the Lord add blessings upon you: upon you, and upon your sons.
Nawa palalaguin ni Yahweh ang inyong bilang ng higit pa, kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan.
15 Blessed are you by the Lord, who made heaven and earth.
Pagpalain kayo ni Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.
16 The heaven of heaven is for the Lord, but the earth he has given to the sons of men.
Ang kalangitan ay kay Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan.
17 The dead will not praise you, Lord, and neither will all those who descend into Hell. ()
Ang patay ay hindi magpupuri kay Yahweh, ni sinumang bumaba sa katahimikan;
18 But we who live will bless the Lord, from this time forward, and even forever.
Pero aming pagpapalain si Yahweh ngayon at magpakailanman. Purihin si Yahweh.