< Nehemiah 5 >

1 And there occurred a great outcry of the people and their wives against their brothers, the Jews.
Nang magkagayo'y umalingawngaw ang malakas na daing ng bayan at ng kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio,
2 And there were those who were saying: “Our sons and our daughters are very many. Let us receive grain as a price for them, and then we may eat and live.”
Sapagka't may nagsisipagsabi, Kami, ang aming mga anak na lalake at babae ay marami: tulutan kaming magsikuha ng trigo, upang aming makain at mabuhay kami.
3 And there were those who were saying: “Let us offer up our fields and vineyards, and our houses, and then we may receive grain during the famine.”
May nagsisipagsabi naman: Aming isinasangla ang aming mga bukid at ang aming mga ubasan, at ang aming mga bahay: tulutan kaming magsikuha ng trigo, dahil sa kasalatan.
4 And others were saying: “Let us borrow money for the tribute of the king, and let us surrender our fields and vineyards.”
May nagsisipagsabi naman: Aming ipinangutang ng salapi ang buwis sa hari na hinihingi sa aming mga bukid at aming mga ubasan.
5 “And now, as is the flesh of our brothers, so is our flesh; and as are their sons, so also are our sons. Behold, we have subjugated our sons and our daughters into servitude, and some of our daughters are slaves, nor do we have the ability to redeem them, for others possess our fields and our vineyards.”
Gayon ma'y ang aming laman ngayon ay gaya ng laman ng aming mga kapatid, ang aming mga anak ay gaya ng kanilang mga anak: at, narito, aming dinadala sa pagkaalipin ang aming mga anak na lalake at babae upang maging mga alipin, at ang iba sa aming mga anak na babae ay nangadala sa pagkaalipin: wala man lamang kaming kapangyarihang makatulong; sapagka't ibang mga tao ang nagtatangkilik ng aming bukid at ng aming mga ubasan.
6 And when I had heard their outcry in these words, I was exceedingly angry.
At ako'y nagalit na mainam, nang aking marinig ang kanilang daing at ang mga salitang ito.
7 And my heart considered within me. And I rebuked the nobles and the magistrates, and I said to them, “Have you each been exacting usury from your brothers?” And I gathered together a great assembly against them.
Nang magkagayo'y sumangguni ako sa aking sarili, at nakipagtalo ako sa mga mahal na tao at sa mga pinuno, at nagsabi sa kanila, Kayo'y nangagpapatubo, bawa't isa sa kaniyang kapatid. At ako'y nagdaos ng malaking kapulungan laban sa kanila.
8 And I said to them: “As you know, in accord with what was possible for us, we have redeemed our brothers, the Jews, who had been sold to the Gentiles. And yet you now sell your brothers, and we must redeem them?” And they were silent, nor did they find anything to answer.
At sinabi ko sa kanila, Kami ayon sa aming kaya ay aming tinubos ang aming mga kapatid na mga Judio, na mga naipagbili sa mga bansa; at inyo ba ring ipagbibili ang inyong mga kapatid, at sila'y maipagbibili sa amin? Nang magkagayo'y nagsitahimik sila, at hindi nakasumpong kailan man ng salita.
9 And I said to them: “The thing that you are doing is not good. Why are you not walking in the fear of our God, so that there may be no reproach against us from our enemies, the Gentiles?
Sinabi ko rin, Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti: hindi ba kayo marapat magsilakad sa takot sa ating Dios, dahil sa pagdusta ng mga bansa, na ating mga kaaway?
10 Both I and my brothers, with my servants, have lent money and grain to many. Let us agree not to ask for its return. Let us forgive the other money that is owed to us.
At ako'y gayon din, ang aking mga kapatid at ang aking mga lingkod ay nangutang sa kanila ng salapi at trigo. Isinasamo ko sa inyo na ating iwan ang patubong ito.
11 On this day, restore their fields, and their vineyards, and their olive groves, and their houses to them. Then, too, the hundredth part of the money, and of the grain, wine, and oil, which you usually exact from them, give it to them.”
Isinasamo ko sa inyo, na isauli ninyo sa kanila, sa araw ding ito, ang kanilang mga bukid, at ang kanilang mga ubasan, ang kanilang mga olibohan, at ang kanilang mga bahay, gayon din ang ikasangdaang bahagi ng salapi, at ng trigo, ng alak, at ng langis, na inyong hinihingi sa kanila.
12 And they said: “We will restore it, and we will require nothing from them. And we will do just as you say.” And I called the priests, and I had them swear an oath, so that they would act in accord with what I had said.
Nang magkagayo'y sinabi nila, Aming isasauli, at wala kaming hihilingin sa kanila; gayon namin gagawin, gaya ng iyong sinasabi. Nang magkagayo'y tinawag ko ang mga saserdote at pinanumpa ko sila, na sila'y magsisigawa ng ayon sa pangakong ito.
13 Moreover, I shook out my lap, and I said: “So may God shake out every man, who does not fulfill this word. From his house and from his labors, so may he be shaken out and become empty.” And the entire multitude said, “Amen.” And they praised God. Therefore, the people acted in accord with what was said.
Ipinagpag ko naman ang aking laylayan, at ako'y nagsabi, Ganito ipagpag ng Dios ang bawa't tao mula sa kaniyang bahay, at mula sa kaniyang gawain, na hindi tumupad ng pangakong ito; sa makatuwid baga'y ganito ipagpag siya, at mahungkag. At ang buong kapisanan ay nagsabi, Siya nawa, at pumuri sa Panginoon. At ginawa ng bayan ayon sa pangakong ito.
14 Now from that day, on which the king had ordered me to be governor in the land of Judah, from the twentieth year even to the thirty-second year of king Artaxerxes, for twelve years, I and my brothers did not eat the yearly allowance that was owed to the governors.
Bukod dito'y mula sa panahon na ako'y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda, mula sa ikadalawang pung taon hanggang sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari, sa makatuwid baga'y labing dalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi nagsikain ng tinapay ng tagapamahala.
15 But the former governors, the ones who had been before me, were a burden to the people, and they took from them bread and wine, and forty shekels of money each day. And their officials also oppressed the people. But I did not do so, out of fear of God.
Nguni't ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan, at kumuha sa kanila ng tinapay at alak, bukod sa apat na pung siklong pilak; oo, pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan: nguni't ang gayon ay hindi ko ginawa, dahil sa takot sa Dios.
16 In fact, I preferred to build in the work of the wall, and I bought no land, and all my servants were gathered to do the work.
Oo, ako nama'y nagpatuloy sa gawain ng kutang ito, ni hindi man lamang kami nagsibili ng anomang lupain: at ang lahat ng aking mga lingkod ay nagpipisan doon sa gawain.
17 Likewise, the Jews and the magistrates, one hundred and fifty men, were at my table, with those who came to us from among the Gentiles that are around us.
Bukod dito'y nagkaroon sa dulang ko ng mga Judio at mga pinuno na isang daan at limang pung tao, bukod sa nagsiparoon sa amin na mula sa mga bansa na nasa palibot namin.
18 Now there was prepared for me, on each day, one ox and six choice rams, along with poultry. And once every ten days, I distributed diverse wines and many other things. Yet I did not require my yearly allowance as governor. For the people were greatly impoverished.
Ang inihahanda nga sa bawa't araw ay isang baka at anim na piling tupa; mga ibon naman ay nahanda sa akin, at minsan sa sangpung araw ay sarisaring alak na masagana: gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi ako humingi ng tinapay sa tagapamahala, sapagka't ang pagkaalipin ay mabigat sa bayang ito.
19 Remember me, O my God, for good, in accord with all that I have done for this people.
Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, sa ikabubuti, lahat na aking ginawa dahil sa bayang ito.

< Nehemiah 5 >