< Jeremiah 17 >
1 “The sin of Judah has been written with a pen of iron and a point of diamond. It has been engraved upon the breadth of their heart and upon the horns of their shrines.
Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga sungay ng inyong mga dambana;
2 And their sons make a remembrance of their shrines, and their sacred groves, and their leafy trees on high mountains,
Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang kanilang mga Asera sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.
3 by sacrificing in the field. And so, I will give over your strength and all your treasures to be despoiled, along with your exalted places of sin, within all your borders.
Oh aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.
4 And you will be left behind without your inheritance, which I gave to you. And I will cause you to serve your enemies in a land that you do not know. For you have kindled a fire in my fury; it shall burn, even unto eternity.”
At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.
5 Thus says the Lord: “Cursed is a man who trusts in man, and who establishes what is flesh as his right arm, and whose heart withdraws from the Lord.
Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.
6 For he will be like a saltcedar tree in the desert. And he will not perceive it, when what is good has arrived. Instead, he will live in dryness, in a desert, in a land of salt, which is uninhabitable.
Sapagka't siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, lupaing maalat at hindi tinatahanan.
7 Blessed is the man who trusts in the Lord, for the Lord will be his confidence.
Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.
8 And he will be like a tree planted beside waters, which sends out its roots to moist soil. And it will not fear when the heat arrives. And its leaves will be green. And in the time of drought, it will not be anxious, nor will it cease at any time to bear fruit.
Sapagka't siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.
9 The heart is depraved above all things, and it is unsearchable, who can know it?
Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?
10 I am the Lord, who examines the heart and tests the temperament, who gives to each one according to his way and according to the fruit of his own decisions.
Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.
11 A partridge has hatched eggs that she did not lay; a man has gathered riches, but without judgment. In the midst of his days, he will leave it all behind, and he will be foolish concerning his very end.”
Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; sa kaniyang mga kaarawan ay iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas ay nagiging mangmang siya.
12 “A high and glorious throne is the place of our sanctification from the beginning.
Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario.
13 O Lord, Hope of Israel: all who forsake you will be confounded. Those who withdraw from you will be written into the earth. For they have abandoned the Lord, the Source of living waters.
Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig.
14 Heal me, O Lord, and I will be healed. Save me, and I will be saved. For you are my praise.
Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.
15 Behold, they themselves are saying to me: ‘Where is the word of the Lord? Let it come.’
Narito, kanilang sinasabi sa akin, Saan nandoon ang salita ng Panginoon? paratingin ngayon.
16 But I am not troubled; I am following you as my shepherd. And I have not desired the day of man, as you know. That which has gone forth from my lips has been right in your sight.
Sa ganang akin, ay hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.
17 May you not be a dread to me. You are my hope in the day of affliction.
Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan.
18 May those who persecute me be confounded, but may I not be confounded. May they be fearful, and may I not be fearful. Lead over them the day of affliction, and crush them with a double destruction.”
Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng ibayong pagkapahamak.
19 Thus says the Lord to me: “Go, and stand at the gate of the sons of the people, through which the kings of Judah enter and depart, and at all the gates of Jerusalem.
Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem;
20 And you shall say to them: Listen to the word of the Lord, O kings of Judah, and all of Judah, and all the inhabitants of Jerusalem, who enter through these gates.”
At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito:
21 Thus says the Lord: “Guard your souls, and do not choose to carry heavy things on the day of the Sabbath, nor should you carry these things through the gates of Jerusalem.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem;
22 And do not be willing to cast burdens out of your houses on the day of the Sabbath, nor should you do any work. Sanctify the day of the Sabbath, just as I instructed your fathers.
Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang.
23 But they did not listen, nor did they incline their ear. Instead, they hardened their neck, lest they listen to me and receive discipline.
Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo.
24 And this shall be: If you listen to me, says the Lord, so that you do not carry in burdens through the gates of this city on the day of the Sabbath, and if you sanctify the day of the Sabbath, so that you do not do work in it,
At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain;
25 then there will enter through the gates of this city: kings and princes, sitting on the throne of David, and riding on chariots and horses, they and their princes, the men of Judah and the inhabitants of Jerusalem. And this city will be inhabited forever.
Kung magkagayo'y magsisipasok sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.
26 And they will arrive from the cities of Judah and from all around Jerusalem, and from the land of Benjamin, and from the plains, and from the mountainous regions, and from the south, carrying holocausts, and victims, and sacrifices, and frankincense. And they will carry an oblation into the house of the Lord.
At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.
27 But if you will not listen to me, to sanctify the day of the Sabbath, and not to carry burdens, and not to bring these things through the gates of Jerusalem on the day of the Sabbath, then I will kindle a fire at its gates, and it will devour the houses of Jerusalem, and it will not be extinguished.”
Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.