< Esther 9 >

1 Therefore, on the thirteenth day of the twelfth month, which as we have said before is called Adar, when all the Jews were prepared to be executed and their enemies were greedy for their blood, the situation turned around, and the Jews began to have the upper hand and to vindicate themselves of their adversaries.
Ngayon sa ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar, sa ikalabintatlong araw, nang ang batas ng hari at ang kautusan ay malapit nang ipatupad, sa araw na ang mga kaaway ng mga Judio ay umaasang makakuha ng kapangyarihan sa ibabaw nila, ito ay nabaliktad. Ang mga Judio ang nakakuha ng kapangyarihan sa ibabaw ng mga galit sa kanila.
2 And they gathered together throughout each city, and town, and place, so as to extend their hands against their enemies and their persecutors. And no one dared to resist them, because their great power had pierced all the peoples.
Nagpulong ang mga Judio sa kanilang mga siyudad sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasuerus, upang pagbuhatan ng kamay ang mga sumubok na magdala ng kapahamakan sa kanila. Wala ni isa ang makapanindigan laban sa kanila, dahil ang takot sa kanila ay bumagsak sa lahat ng mga lahi.
3 For even the judges of the provinces, and the rulers, and the procurators, and everyone of dignity, who presided over every place and work, extolled the Jews for fear of Mordecai.
Lahat ng mga opisyal ng mga lalawigan, ang mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador, at ang mga tagapangasiwa ng hari, tumulong sa mga Judio dahil sa takot kay Mordecai na bumagsak sa kanila.
4 For they knew him to be the leader of the palace and to have much power. Likewise, the fame of his name increased daily and flew everywhere through word of mouth.
Dahil si Mordecai ay dakila sa bahay ng hari, at ang kanyang kasikatan ay kumalat sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan, dahil ang taong si Mordecai ay nagiging dakila.
5 And so the Jews struck their enemies like a great plague and killed them, repaying according to what they had prepared to do to them,
Sinalakay ng mga Judio ang kanilang mga kaaway gamit ang espada, pinagpapatay at pinagwawasak sila, at ginawa ang anumang naisin nila sa mga galit sa kanila.
6 so much so that even in Susa they executed five hundred men, besides the ten sons of Haman the Agagite, the enemy of the Jews, and their names are these:
Sa mismong kuta ng Susa, pinatay at winasak ng mga Judio ang limandaang kalalakihan.
7 Parshandatha, and Dalphon, and Aspatha
Pinatay nila sina Parshandatha, Dalphon, Aspatha,
8 and Poratha, and Adalia, and Aridatha,
Poratha, Adalia, Aridatha,
9 and Parmashta, and Arisai, and Aridai, and Vaizatha.
Parmashta, Arisai, Aridai, Vaizatha,
10 When they had slain them, they were unwilling to touch the spoils of their belongings.
at ang sampung anak na lalaki ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha, ang kaaway ng mga Judio. Ngunit hindi sila kumuha ng kahit anong nakaw.
11 And immediately the number of those who had been killed in Susa was reported to the king.
Sa araw na iyon ang bilang ng namatay sa Susa, ang pinatibay na siyudad, ay ibinalita sa hari.
12 He said to the queen, “In the city of Susa, the Jews have executed five hundred men, and also the ten sons of Haman. How many executions do you think that they have carried out in all the provinces? What more do you ask, and what do you wish, so that I may order it to be done?”
Sinabi ng hari kay Reyna Esther, “Pinatay ng mga Judio ang limandaang lalaki sa siyudad ng Susa, kasama ang sampung anak na lalaki ni Haman. Pagkatapos ano pa ang ginawa nila sa mga natitirang lalawigan ng hari? Ngayon ano ang iyong kahilingan? Ito ay ipagkakaloob sa iyo. Ano ang pakiusap mo? Ito ay ipagkakaloob sa iyo.”
13 And she answered, “If it pleases the king, may power be granted to the Jews, so as to do tomorrow in Susa just as they have done today, and that the ten sons of Haman may be hung up the gallows.”
Sinabi ni Esther, “Kung makalulugod ito sa Hari, hayaang ang mga Judio na nasa Susa ay pahintulutang dalhin ang kautusan ng araw na ito bukas din, at hayaang bitayin ang katawan ng mga anak na lalaki ni Haman sa mga bitayan.”
14 And the king instructed that it should be so done. And immediately the edict was hung up in Susa, and the ten sons of Haman were hung up.
Kaya iniutos ng hari na ito ay gawin. Isang kautusan ang pinalabas sa Susa at binitay nila ang sampung anak na lalaki ni Haman.
15 On the fourteenth day of the month Adar, the Jews gathered themselves together, and they executed in Susa three hundred men, but they did not seize their belongings from them.
Ang mga Judio na nasa Susa ay dumating na magkakasama sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, at pumatay ng karagdagang tatlondaang lalaki sa Susa, ngunit walang gumalaw sa mga nakaw.
16 Moreover, throughout all the provinces which were subject to the king’s dominion, the Jews made a stand for their lives, and they executed their enemies and their persecutors, so much so that the number of those who were killed amounted to seventy-five thousand, and yet no one touched any of their belongings.
Ang natirang mga Judio na nasa mga lalawigan ng hari ay nagsama-sama upang ipagtanggol ang kanilang mga buhay, at nagkaroon sila ng kaginhawaan mula sa kanilang mga kaaway at pumatay ng pitumpu't-limang libo sa mga namumuhi sa kanila, ngunit hindi nila ginalaw ang mga mahahalagang bagay ng mga pinatay nila.
17 Now the thirteenth day of the month Adar was the first day with all of the executions, and on the fourteenth day they ceased the killing. This day they established to be sacred, so that in all times hereafter they would be free for feasting, joyfulness, and celebration.
Sa ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at gumawa ng isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
18 But, as for those who were carrying out the killings in the city of Susa, they turned to killing on the thirteenth and fourteenth day of the same month. But on the fifteenth day they ceased to attack. And for that reason they established that day as sacred, with feasting and with gladness.
Ngunit ang mga Judio na nasa Susa ay magkakasamang nagtipon sa ikalabintatlo at ikalabing-apat na araw. Sa ikalabinlimang araw nagpahinga sila at ginawa nila itong isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
19 But in truth, those Jews who were staying in unwalled towns and villages, appointed the fourteenth day of the month Adar for celebration and gladness, so as to rejoice on that day and send one another portions of their feasts and their meals.
Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Judio ng mga nayon, na gumagawa ng kanilang mga tahanan sa mga bayang bukirin, ay ipinagdiriwang ang ikalabing-apat na araw sa buwan ng Adar bilang isang araw ng pagsasaya at kapistahan, at bilang isang araw kung saan nagpapadala sila ng mga regalong pagakain sa isa't-isa.
20 And so Mordecai wrote down all these things and sent them, composed in letters, to the Jews who were staying in all the king’s provinces, as much to those in nearby places as to those far away,
Itinala ni Mordecai ang mga bagay na ito at nagpadala ng mga liham sa lahat ng mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasueros, kapwa malapit at malayo,
21 so that they would accept the fourteenth and fifteenth day of the month Adar for holy days, and always, at the return of the year, would celebrate them with sacred esteem.
pinipilit silang tandaan ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng Adar bawat taon.
22 For on those days, the Jews vindicated themselves of their enemies, and their mourning and sorrow were turned into mirth and joy, so that these would be days of feasting and gladness, in which they would send one another portions of their feasts, and would grant gifts to the poor.
Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
23 And the Jews accepted as a solemn ritual all the things which they had begun to do at that time, which Mordecai had commanded with letters to be done.
Kaya nagpatuloy ang mga Judio sa pagdiriwang ng kanilang nasimulan, paggawa sa kung ano ang isinulat ni Mordecai sa kanila.
24 For Haman, the son of Hammedatha of Agag lineage, the enemy and adversary of the Jews, had devised evil against them, to kill them and to destroy them. And he had cast Pur, which in our language means the lot.
At sa panahong iyon si Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, ang kaaway ng lahat ng mga Judio, ay nagpakana laban sa mga Judio para lipulin sila at nagtapon siya ng Pur (iyon ay, nagpalabunutan), upang durugin at wasakin sila.
25 And after this, Esther had entered before the king, begging him that his efforts might be made ineffective by the king’s letters, and that the evil he intended against the Jews might return upon his own head. Finally, both he and his sons were fastened to a cross.
Ngunit nang dumating iyon sa harapan ng Hari, nagbigay siya ng mga kautusan sa pamamagitan ng mga liham na ang masamang balak ni Haman na kanyang binuo laban sa mga Judio ay dapat ibalik sa kanyang sariling ulo at siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay dapat bitayin sa bitayan.
26 And so, from that time, these days are called Purim, that is, of the lots, because Pur, that is, the lot, was cast into the urn. And all things that had been carried out are contained in the volume of this epistle, that is, of this book.
Kaya tinawag nila ang mga araw na ito na Purim, sunod sa pangalan ng Pur. Dahil sa lahat ng bagay na naitala sa liham na ito at lahat ng bagay na kanilang nakita at nangyari sa kanila,
27 And whatever they suffered, and whatever was altered afterwards, the Jews received for themselves and their offspring and for all who were willing to be joined to their religion, so that none would be permitted to transgress the solemnity of these two days, to which the writing testifies, and which certain times require, as the years continually succeed one another.
tinanggap ng mga Judio ang isang bagong kaugalian at tungkulin. Itong kaugalian ay para sa kanilang mga sarili, kanilang mga kaapu-apuhan, at bawat isang sasama sa kanila. Ipagdiriwang nila ang dalawang araw na ito bawat taon. Ipagdiriwang nila sa tiyak na paraan at sa parehong panahon bawat taon.
28 These are the days which no one ever will erase into oblivion, and which every province in the whole world, throughout each generation, shall celebrate. Neither is there any city wherein the days of Purim, that is, of lots, may not be observed by the Jews, and by their posterity, which has been obligated to these ceremonies.
Itong mga araw ay ipagdiriwang at tatandaan ng bawat salinlahi, bawat pamilya, bawat lalawigan at bawat siyudad. Itong mga Judio at kanilang mga kaapu-apuhan ay hindi hihinto sa matapat na pagdiriwang ng mga araw na ito ng Purim, upang hindi nila makalimutan.
29 And Esther the queen, the daughter of Abihail, and Mordecai the Jew, also wrote a second letter, so that with all zealousness this day would be confirmed as customary for future generations.
Si Reyna Esther na anak ni Abihail at Mordecai na Judio, sumulat na may ganap na kapangyahiran at pinatunayan ang pangalawang liham na ito patungkol sa Purim.
30 And they sent to all the Jews, who had been stirred up in the one hundred twenty-seven provinces of king Artaxerxes, that they should have peace and receive truth,
Ipinadala ang mga liham sa lahat ng mga Judio sa 127 na mga lalawigan ng kaharian ni Ahasuerus, ninanais ang kaligtasan at katotohanan ng mga Judio.
31 and observe the days of lots, and celebrate them with joy at their proper time, just as Mordecai and Esther had established. And they accepted these to be observed by themselves and by their offspring: fasting, and crying out, and the days of lots,
Ang mga liham na ito ay nagpatunay sa mga araw ng Purim sa kanilang mga itinakdang panahon, ayon sa ibinilin sa mga Judio ni Mordecai na Judio at Reyna Esther. Tinanggap ng mga Judio ang tungkuling ito para sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kapu-apuhan, katulad din ng pagtanggap nila sa mga panahon ng pag-aayuno at pagdaing.
32 and all things which are contained in the history of this book, which is called Esther.
Ang utos ni Esther ay pinagtibay ang mga alituntuning ito hinggil sa Purim, at nakasulat ito sa aklat.

< Esther 9 >