< 2 Samuel 16 >
1 And when David had passed a little beyond the top of the mountain, Ziba, the servant of Mephibosheth, appeared to meet him, with two donkeys, which were burdened with two hundred loaves, and one hundred bunches of dried grapes, and one hundred masses of dried figs, and a skin of wine.
At nang si David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.
2 And the king said to Ziba, “What do you intend to do with these things?” And Ziba responded: “The donkeys are for the household of the king, so that they may sit. And the loaves and dried figs are for your servants to eat. But the wine is for anyone to drink who may be faint in the desert.”
At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng nangapapagod sa ilang.
3 And the king said, “Where is the son of your lord?” And Ziba answered the king: “He remained in Jerusalem, saying, ‘Today, the house of Israel will restore the kingdom of my father to me.’”
At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama.
4 And the king said to Ziba, “All the things which were for Mephibosheth are now yours.” And Ziba said, “I beg you that I may find grace before you, my lord the king.”
Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.
5 Then king David went as far as Bahurim. And behold, a man from the kindred of the house of Saul, named Shimei, the son of Gera, went out from there. And going out, he continued on, and he was cursing,
At nang dumarating ang hari sa Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas.
6 and throwing stones against David and against all the servants of king David. And all the people and all the warriors were traveling to the right and to the left sides of the king.
At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa.
7 And so, as he was cursing the king, Shimei said: “Go away, go away, you man of blood, and you man of Belial!
At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:
8 The Lord has repaid you for all the blood of the house of Saul. For you have usurped the kingdom in place of him. And so, the Lord has given the kingdom into the hand of Absalom, your son. And behold, your evils press close upon you, because you are a man of blood.”
Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik.
9 Then Abishai, the son of Zeruiah, said to the king: “Why should this dead dog curse my lord the king? Let me go and cut off his head.”
Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo.
10 And the king said: “What is it to me and to all of you, O sons of Zeruiah? Permit him, so that he may curse. For the Lord has commanded him to curse David. And who is the one who would dare to say, ‘Why has he done so?’”
At sinabi ng hari, Anong ipakikialam ko sa inyo, kayong mga anak ni Sarvia? Sapagka't siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, Bakit ka gumawa ng ganyan?
11 And the king said to Abishai and to all his servants: “Behold, my son, who went forth from my loins, is seeking my life. How much more does a son of Benjamin do so now? Permit him, so that he may curse, in accord with the command of the Lord.
At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.
12 Perhaps the Lord may look with favor upon my affliction, and the Lord may repay me good, in place of the cursing of this day.”
Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito.
13 And so, David continued walking along the way, and his associates with him. But Shimei was advancing along the ridge of the mountain on the side opposite him, cursing and throwing stones at him, and scattering dirt.
Sa gayo'y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake: at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya, at sumusumpa habang siya'y yumayaon, at hinahagis ng bato siya, at nananaboy ng alabok.
14 And the king and the entire people with him, being weary, went and refreshed themselves there.
At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon.
15 But Absalom and all his people entered into Jerusalem. Moreover, Ahithophel was with him.
At si Absalom at ang buong bayan, na mga lalake ng Israel, ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya.
16 And when Hushai the Archite, David’s friend, had gone to Absalom, he said to him: “May you be well, O king! May you be well, O king!”
At nangyari, nang si Husai na Arachita, na kaibigan ni David, ay dumating kay Absalom, na sinabi ni Husai kay Absalom, Mabuhay ang hari, mabuhay ang hari.
17 And Absalom said to him: “Is this your kindness to your friend? Why did you not go with your friend?”
At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan?
18 And Hushai responded to Absalom: “By no means! For I will be his, whom the Lord has chosen. And I, and all this people, and all of Israel, will remain with him.
At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako.
19 But then too, I declare this: whom should I serve? Is it not the son of the king? Just as I have been subject to your father, so will I be subject to you also.”
At saka, kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako'y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap.
20 Then Absalom said to Ahithophel, “Present a counsel as to what we ought to do.”
Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom kay Achitophel, Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin.
21 And Ahithophel said to Absalom: “Enter to the concubines of your father, whom he left behind in order to care for the house. Thus, when all of Israel will hear that you disgraced your father, their hands may be strengthened with you.”
At sinabi ni Achitophel kay Absalom, Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang mga kamay ng lahat na nasa iyo.
22 Therefore, they spread a tent for Absalom on the rooftop. And he entered to the concubines of his father in the sight of all Israel.
Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.
23 Now the counsel of Ahithophel, which he gave in those days, was treated as if one were consulting God. So was every counsel of Ahithophel, both when he was with David, and when he was with Absalom.
At ang payo ni Achitophel, na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon, ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios: gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom.