< Chronicles II 1 >
1 And Solomon the son of David was established over his kingdom, and the Lord his God was with him, and increased him exceedingly.
Si Solomon na anak ni David ay naging matatag sa kaniyang pamumuno, at si Yahweh na kaniyang Diyos ay kasama niya at ginawa siyang makapangyarihan.
2 And Solomon spoke to all Israel, to the captains of thousands, and to the captains of hundreds, and to the judges, and to all the rulers over Israel, even the heads of the families;
At nagsalita si Solomon sa buong Israel at sa mga pinunong kawal ng libu-libo at sa daan-daan at sa mga hukom at sa bawat prinsipe sa buong Israel, sa mga pinuno ng mga ama ng tahanan.
3 and Solomon and all the congregation went to the high place that was in Gabaon, where was God's tabernacle of witness, which Moses the servant of the Lord made in the wilderness.
Kaya si Solomon at ang buong kapulungang kasama niya ay pumunta sa dambana na nasa Gibeon; dahil naroon ang toldang tipanan ng Diyos na ginawa ni Moises na lingkod ni Yahweh sa ilang.
4 But David had brought up the ark of God out of the city of Cariathiarim; for David had prepared a place for it, for he had pitched a tabernacle for it in Jerusalem.
Ngunit dinala ni David ang kaban ng Diyos mula sa Chiriath Jearim sa lugar na kaniyang inihanda para rito sapagkat nagtayo siya ng tolda para dito sa Jerusalem.
5 And the brazen altar which Beseleel the son of Urias, the son of Or, had made, was there before the tabernacle of the Lord: and Solomon and the congregation enquired at it.
Sa karagdagan, ang altar na tanso na ginawa ni Besalel na anak ni Uri na anak ni Hur ay nasa harapan ng tabernakulo ni Yahweh; pumanta roon sina Solomon at ang kapulungan.
6 And Solomon brought [victims] there to the brazen altar that was before the Lord in the tabernacle, and offered upon it a thousand whole burnt offerings.
Pumunta si Solomon doon sa altar na tanso sa harapan ni Yahweh, na naroon sa toldang tipanan at naghandog dito ng isang libong sinunog na mga alay.
7 In that night God appeared to Solomon, and said to him, Ask what I shall give you.
Nagpakita ang Diyos kay Solomon ng gabing iyon at sinabi sa kaniya, “Humiling ka! Ano ang dapat kong ibigay sa iyo?”
8 And Solomon said to God, You have dealt very mercifully with my father David, and have made me king in his stead.
Sinabi ni Solomon sa Diyos, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan kay David na aking ama at ginawa mo akong hari na kahalili niya.
9 And now, O Lord God, let, I pray you, your name be established upon David my father; for you have made me king over a people numerous as the dust of the earth.
Ngayon, Yahweh na Diyos, isakatuparan mo ang iyong pangako kay David na aking ama, dahil ginawa mo akong hari sa mga tao na ang bilang ay kasing dami ng mga alikabok sa lupa.
10 Now give me wisdom and understanding, that I may go out and come in before this people: for who shall judge this your great people?
Ngayon bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamunuan ko ang mga taong ito, sapagkat sino ba ang huhukom sa iyong mga tao na napakarami ang bilang?”
11 And God said to Solomon, Because this was in your heart, and you have not asked great wealth, nor glory, nor the life of your enemies, and you have not asked long life; but have asked for yourself wisdom and understanding, that you might judge my people, over whom I have made you king:
Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil ito ang nasa iyong puso at dahil hindi ka humiling ng mga yaman, kayamanan o karangalan at hindi mo hiningi ang buhay ng mga may galit sa iyo, o mahabang buhay para sa iyong sarili—ngunit dahil humiling ka ng karunungan at kaalaman para sa iyong sarili, upang mapamunuan mo ang aking mga tao kung saan kita ginawang hari—
12 I give you this wisdom and understanding; and I will give you wealth, and riches, and glory, so that there shall not have been [any] like you amongst the kings before you, neither shall there be such after you.
Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang karunungan at kaalaman; bibigyan din kita ng yaman, kayamanan, karangalan, higit pa sa nakamtan ng sinumang mga hari na nauna sa iyo at higit pa sa makakamtan ng sinuman na susunod sa iyo.”
13 And Solomon came from the high place that was in Gabaon to Jerusalem, [from] before the tabernacle of witness, and reigned over Israel.
At bumalik si Solomon sa Jerusalem mula sa dambana na nasa Gibeon, mula sa harapan ng toldang tipanan; naghari siya sa buong Israel.
14 And Solomon collected chariots and horsemen: and he had fourteen hundred chariots, and twelve thousand horsemen: and he set them in the cities of chariots, and the people [were] with the king in Jerusalem.
Nagtipon si Solomon ng mga karwahe at mangangabayo: at nagkaroon siya ng 1, 400 na mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo na inilagay niya sa lungsod na pinag-iimbakan ng mga karwahe, at sa kaniya rin, na hari ng Jerusalem.
15 And the king made silver and gold in Jerusalem [to be] as stones, and cedars in Judea as sycamores in the plain for multitude.
Ginawa ng hari ang pilak at ginto na pangkaraniwan sa Jerusalem na parang mga bato at ginawa niyang pangkaraniwan ang sedar na kahoy tulad ng mga puno ng sikamorong nasa mababang mga lupain.
16 And Solomon imported horses from Egypt, and the charge of the king's merchants for going [was as follows], and they traded,
Sa pag-aangkat ng mga kabayo mula sa Ehipto at Cilicia para kay Solomon, binili ng kaniyang mga mangangalakal ang mga ito mula sa Cilicia sa mataas na halaga.
17 and went and brought out of Egypt a chariot for six hundred [pieces] of silver, and a horse for a hundred and fifty [pieces] of silver: and so they brought for all the kings of the Chettites, and for the kings of Syria by their means.
Nag-angkat sila ng karwahe mula sa Ehipto sa halagang anim na raang siklong pilak at kabayo sa halagang 150 siklo. Iniluluwas din nila ang mga ito sa mga hari ng Heteo at sa mga Arameo.