< Psalms 6 >

1 For the End, a Psalm of David among the Hymns for the eighth. O Lord, rebuke me not in thy wrath, neither chasten me in thine anger.
Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit o ituwid sa iyong poot.
2 Pity me, O Lord; for I am weak: heal me, O Lord; for my bones are vexed.
Maawa ka sa akin, Yahweh, dahil mahina ako; pagalingin mo ako, Yahweh, dahil nanginginig ang aking mga buto.
3 My soul also is grievously vexed: but thou, O Lord, how long?
Labis ding nababagabag ang aking kaluluwa. Pero ikaw, Yahweh—hanggang kailan ito magpapatuloy?
4 Return, O Lord, deliver my soul: save me for thy mercy's sake.
Bumalik ka, Yahweh! Sagipin mo ako. Iligtas mo ako dahil sa iyong katapatan sa tipan!
5 For in death no man remembers thee: and who will give thee thanks in Hades? (Sheol h7585)
Dahil walang ala-ala tungkol sa iyo sa kamatayan. Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol? (Sheol h7585)
6 I am wearied with my groaning; I shall wash my bed every night; I shall water my couch with tears.
Pagod na ako sa aking paghihinagpis. Buong gabi kong binabasa ng luha ang aking higaan; hinuhugasan ko ng luha ang aking upuan.
7 Mine eye is troubled because of my wrath; I am worn out because of all my enemies.
Lumalabo ang aking mga mata dahil sa kalungkutan; nanghihina ang mga ito dahil sa aking mga kaaway.
8 Depart from me, all ye that work iniquity; for the Lord has heard the voice of my weeping.
Lumayo kayo sa akin, kayo na gumagawa ng kasalanan; dahil narinig ni Yahweh ang ingay ng aking pagtangis.
9 The Lord has hearkened to my petition; the Lord has accepted my prayer.
Narinig ni Yahweh ang aking pagmamakaawa; tinanggap ni Yahweh ang aking panalangin.
10 Let all mine enemies be put to shame and sore troubled: let them be turned back and grievously put to shame speedily.
Lahat ng mga kaaway ko ay mapapahiya at labis na mababalisa. Aatras (sila) at agad silang hahamakin.

< Psalms 6 >