< Nehemiah 9 >
1 Now on the twenty-fourth day of this month the children of Israel assembled with fasting, and in sackcloths, and with ashes on their head.
Ngayon sa ika-dalawampu't-apat na araw ng parehong na buwan, ang bayan ng Israel ay nagpulong at sila ay nag-ayuno, at nagsuot sila ng telang sako, at naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo.
2 And the children of Israel separated themselves from every stranger, and stood and confessed their sins, and the iniquities of their fathers.
Inihiwalay ng mga kaapu-apuhan ng Israel ang kanilang sarili mula sa lahat ng mga dayuhan. Tumayo sila at nagtapat ng kanilang sariling mga kasalanan at masasamang mga gawain ng kanilang mga ninuno.
3 And they stood in their place, and read in the book of the law of the Lord their god: and they confessed [their sins] to the Lord, and worshipped the Lord their God.
Tumayo sila sa kanilang mga lugar, at sa ika-apat na araw nagbasa sila mula sa Aklat ng Batas ni Yahweh na kanilang Diyos. Sa isa pang ika-apat na araw sila ay nagtatapat at yumuyuko sa harap ni Yahweh na kanilang Diyos.
4 [And] there stood upon the stairs, of the Levites, Jesus, and the sons of Cadmiel, Sechenia the son of Sarabia, sons of Choneni; and they cried with a loud voice to the Lord their God.
Ang mga Levita, sila Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani, at Kenani, ay tumayo sa mga hagdan at sila ay tumawag ng may malakas na tinig kay Yahweh na kanilang Diyos.
5 And the Levites, Jesus and Cadmiel, said, Rise up, bless the Lord our God forever and ever: and let them bless thy glorious name, and exalt it with all blessing and praise.
Tapos ang mga Levita, Jeshua, at Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, ay sinabing, “Tumayo kayo at magbigay ng papuri kay Yahweh na inyong Diyos magpakailanman.” “Nawa pagpalain nila ang iyong maluwalhating pangalan, at madakila ito nang higit sa anumang pagpapala at pagpupuri.
6 And Esdras said, Thou art the only true Lord; thou madest the heaven, and the heaven of heavens, and all their array, the earth, and all things that are in it, the seas, and all things in them; and thou quickenest all things, and the hosts of heaven worship thee.
Ikaw si Yahweh. Ikaw lamang. Ginawa mo ang langit, ang pinakamataas na kalangitan, kasama ng lahat ng kanilang mga anghel na nakahanda para sa digmaan, at ang lupa at lahat nang naroon, at ang mga dagat at lahat ng nasa kanila. Nagbigay ka ng buhay sa kanilang lahat, at ang hukbo ng mga anghel ng langit ay sumasamba sa iyo.
7 Thou art the Lord God, thou didst choose Abram, and broughtest him out of the land of the Chaldeans, and gavest him the name of Abraam:
Ikaw si Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram, at ang naglabas sa kaniya sa Ur ng Caldea, at ang nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.
8 and thou foundest his heart faithful before thee, and didst make a covenant with him to give to him and to his seed the land of the Chananites, and the Chettites, and Amorites, and Pherezites, and Jebusites, and Gergesites; and thou hast confirmed thy words, for thou [art] righteous.
Natagpuan mong tapat ang kaniyang puso sa iyong harapan, at gumawa ka ng tipan sa kaniya na ibibigay mo sa kaniyang mga kaapu-apuhan ang lupain ng Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo at ng Gergeseo. Pinanatili mo ang iyong pangako dahil ikaw ay matuwid.
9 And thou sawest the affliction of our fathers in Egypt, and thou heardest their cry at the Red Sea.
Nakita mo ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Ehipto at narinig mo ang kanilang mga hinagpis sa dagat ng mga Tambo.
10 And thou shewedst signs and wonders in Egypt, on Pharao and all his servants, and on all the people of his land: for thou knowest that they behaved insolently against them: and thou madest thyself a name, as at this day.
Nagbigay ka ng mga tanda at kababalaghan laban sa Paraon, at sa lahat ng kaniyang mga alipin, at sa lahat ng mga tao sa kaniyang lupain, dahil alam mo na ang mga taga-Ehipto ay kumilos nang may pagmamataas laban sa kanila. Pero gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili na nananatili hanggang sa araw na ito.
11 And thou didst cleave the sea before them, and they passed through the midst of the sea on dry land; and thou didst cast into the deep them that were about to pursue them, as a stone in the mighty water.
At hinati mo ang dagat sa kanilang harapan, kaya dumaan sila sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at tinapon ang mga humabol sa kanila papunta sa mga kailaliman, gaya ng isang bato sa malalim na katubigan.
12 And thou guidedst them by day by a pillar of cloud, and by night by a pillar of fire, to enlighten for them the way wherein they should walk.
Ginabayan mo sila sa pamamagitan ng isang haliging ulap sa araw, at sa pamamagitan ng haliging apoy sa gabi, para ilawan ang kanilang daan nang sa gayon makalakad sila sa liwanag nito.
13 Also thou camest down upon mount Sina, and thou spakest to them out of heaven, and gavest them right judgments, and laws of truth, ordinances, and good commandments.
Sa bundok ng Sinai bumaba ka at kinausap sila mula sa langit at binigyan mo sila ng makatuwirang mga kautusan at totoong mga batas, mabuting mga alituntunin at mga kautusan.
14 And thou didst make known to them thy holy sabbath; thou didst enjoin upon them commandments, and ordinances, and a law, by the hand of thy servant Moses.
Pinaalam mo ang iyong Banal na Pamamahinga sa kanila, at binigyan mo sila ng mga kautusan at alituntunin at batas sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
15 And thou gavest them bread from heaven for their food, and thou broughtest them forth water from a rock for their thirst; and thou badest them go in to inherit the land over which thou stretchedst out thy hand to give [it] them.
Binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang gutom, at tubig mula sa isang bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumunta para angkinin ang lupain na pinangako mo na ibibigay sa kanila.
16 But they and our fathers behaved proudly, and hardened their neck, and did not hearken to thy commandments,
Pero sila at ang aming mga ninuno ay kumilos ng may kalapastanganan, at matigas ang ulo nila, at hindi nakinig sa iyong mga kautusan.
17 and refused to listen, and remembered not thy wonders which thou wroughtest with them; and they hardened their neck, and appointed a leader to return to their slavery in Egypt: but thou, O God, [art] merciful and compassionate, long-suffering, and abundant in mercy, and thou didst not forsake them.
Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
18 And still farther they even made to themselves a molten calf, and said, These [are] the gods that brought us up out of Egypt: and they wrought great provocations.
Hindi mo sila iniwan kahit na sila ay gumawa ng guya mula sa tinunaw na bakal at sinabing, 'Ito ang inyong Diyos na nag-alis sa inyo sa Ehipto,' habang sila ay gumagawa ng labis na mga kalapastanganan.
19 Yet thou in thy great compassions didst not forsake them in the wilderness: thou didst not turn away from them the pillar of the cloud by day, to guide them in the way, nor the pillar of fire by night, to enlighten for them the way wherein they should walk.
Ikaw, at ang iyong kahabagan, ay hindi nagpabaya sa kanila sa ilang. Ang haliging ulap na gagabay sa kanila sa kanilang daan ay hindi sila iniwan sa araw, maging ang haliging apoy sa gabi para bigyan ng liwanag ang kanilang daan kung saan sila maglalakad.
20 And thou gavest thy good Spirit to instruct them, and thou didst not withhold thy manna from their mouth, and gavest them water in their thirst.
Binigay mo ang mabuti mong Espiritu para turuan sila, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang mga bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang pagkauhaw.
21 And thou didst sustain them forty years in the wilderness; thou didst not allow anything to fail them: their garments did not wax old, and their feet were not bruised.
Sa apatnapung taon ibinigay mo ang kanilang pangangailangan sa ilang, at hindi sila nagkulang. Ang kanilang mga kasuotan ay hindi nasira at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
22 Moreover, thou gavest them kingdoms, and didst divide nations to them: and they inherited the land of Seon king of Esebon, and the land of Og king of Basan.
Binigyan mo sila ng mga kaharian at mamamayan, at nagtakda ka sa kanila ng lupain sa bawat malalayong sulok. Kaya kinuha nila bilang pag-aari ang lupain ni Haring Sihon ng Hesbon, at ang lupain ng Og na hari ng Bashan.
23 And thou didst multiply their children as the stars of heaven, and broughtest them into the land of which thou spokest to their fathers;
Ginawa mo ang kanilang mga anak na kasing dami ng bituin sa langit, at dinala mo sila sa lupain. Sinabi mo sa kanilang mga ninuno na pumunta at angkinin iyon.
24 And they inherited it: and thou didst destroy from before them the dwellers in the land of the Chananites, and thou gavest into their hands them and their kings, and the nations of the land, to do unto them as it pleased them.
Kaya ang mga tao ay pumunta doon at inangkin ang lupain, at sinakop mo bago pa man sila manirahan sa lupain, ang mga Cananeo. Binigay mo sila sa kanilang mga kamay, kasama ng kanilang mga hari at mga mamamayan ng lupain, para magawa ng Israel ang anumang naisin nila sa kanila.
25 And they took lofty cities, and inherited houses full of all good things, wells dug, vineyards, and oliveyards, and every fruit tree in abundance: so they ate, and were filled, and grew fat, and rioted in thy great goodness.
Nasakop nila ang mga matatatag na lungsod at masaganang lupain, at nasakop nila ang mga bahay na puno ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon ay nahukay na, ang mga ubasan at halamanan ng olibo, at punong prutas ay nananagana. Kaya sila ay kumain, nabusog, nasiyahan, at labis na natuwa sa kanilang mga sarili dahil sa iyong dakilang kabutihan.
26 But they turned, and revolted from thee, and cast thy law behind their backs; and they slew thy prophets, who testified against them to turn them back to thee, and they wrought great provocations.
Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.
27 Then thou gavest them into the hand of them that afflicted them, and they did afflict them: and they cried to thee in the time of their affliction, and thou didst hear them from thy heaven, and in thy great compassions gavest them deliverers, and didst save them from the hand of them that afflicted them.
Kaya binigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na nagdulot ng kanilang paghihirap. At sa oras ng kanilang paghihirap, sila ay umiyak sa iyo at dininig mo sila mula sa langit at maraming beses mo silang iniligtas sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil sa inyong dakilang awa.
28 But when they rested, they did evil again before thee: so thou leftest them in the hands of their enemies, and they ruled over them: and they cried again to thee, and thou heardest [them] from heaven, and didst deliver them in thy great compassions.
Pero pagkatapos nilang makapagpahinga, gumawa ulit sila ng kasamaan sa harapan mo, at ipinaubaya mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, kaya pinamahalaan sila ng kanilang mga kaaway. Pero nang bumalik sila at umiyak sa iyo, dininig mo sila mula sa langit, at maraming beses, dahil sa iyong habag, na iniligtas mo sila.
29 And thou didst testify against them, to bring them back to thy law: but they hearkened not, but sinned against thy commandments and thy judgments, which if a man do, he shall live in them; and they turned their back, and hardened their neck, and heard not.
Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
30 Yet thou didst bear long with them many years, and didst testify to them by thy Spirit by the hand of thy prophets: but they hearkened not; so thou gavest them into the hand of the nations of the land.
Sa maraming taon, sila ay pinagtiisan mo at binalaan ayon sa iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta. Gayumpaman hindi pa rin sila nakinig. Kaya ibinigay mo sila sa mga kalapit-bansa.
31 But thou in thy many mercies didst not appoint them to destruction, and didst not forsake them; for thou art strong, and merciful, and pitiful.
Pero sa iyong dakilang habag hindi mo sila lubusang nilipol, o pinabayaan, dahil ikaw ay mahabagin at maawain na Diyos.
32 And now, O our God, the powerful, the great, the mighty, and the terrible, keeping thy covenant and thy mercy, let not all the trouble seem little in thy sight which has come upon us, and our kings, and our princes, and our priests, and our prophets, and our fathers, and upon all thy people, from the days of the kings of Assur even to this day.
Kaya ngayon, aming Diyos, ang dakila, ang makapangyarihan, at ang kamangha-manghang Diyos, na siyang tumutupad sa kaniyang tipan at tapat na pagmamahal, huwag mong maliitin ang lahat ng paghihirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, sa aming mga pari, sa aming mga propeta, at sa aming mga ninuno, at sa lahat na iyong mga tao mula sa araw ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.
33 But thou [art] righteous in all the things that come upon us; for thou hast wrought faithfully, but we have greatly sinned.
Ikaw ay makatuwiran sa lahat ng bagay na dumating sa amin, dahil matapat mo kaming pinakitunguhan, at kami ay kumilos nang may kasamaan.
34 And our kings, and our princes, and our priests, and our fathers, have not performed thy law, and have not given heed to thy commandments, and [have not kept] thy testimonies which thou didst testify to them.
Ang aming mga hari, mga prinsepe, mga pari, at mga ninuno ay hindi pinanatili ang iyong batas, ni binigyang pansin ang iyong mga kautusan o ang mga utos mo sa tipan na babala sa kanila.
35 And they did not serve thee in thy kingdom, and in thy great goodness which thou gavest to them, and in the large and fat land which thou didst furnish before them, and they turned not from their evil devices.
Kahit na sa kanilang sariling kaharian, habang sila ay nagsasaya sa iyong dakilang kabutihan sa kanila, sa malaki at masaganang lupain na hinanda mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo o lumayo mula sa kanilang masasamang gawi.
36 Behold, we are servants this day, and [as for] the land which thou gavest to our fathers to eat the fruit of it and the good things of it, behold, we are servants upon it:
Ngayon sa lupain na binigay mo sa aming mga ninuno para masiyahan sa mga prutas at mabubuting kaloob, kami ay mga alipin, tingnan mo, kami ay mga alipin!
37 and its produce [is] abundant for the kings whom thou didst appoint over us because of our sins; and they have dominion over our bodies, and over our cattle, as it pleases them, and we are in great affliction.
Ang masaganang ani mula sa aming mga lupain ay napupunta sa mga hari na iyong itinakda para sa amin dahil sa aming mga kasalanan. Sila ang namamahala sa aming mga katawan at sa aming mga alagang hayop ayon sa kanilang kagustuhan. Kami ay nasa labis na pagdurusa.
38 And in regard to all these circumstances we make a covenant, and write [it], and our princes, our Levites, [and] our priests, set their seal to [it].
Dahil sa lahat ng ito, kami ay gumawa ng isang matatag na tipan sa kasulatan. Sa selyadong dokumento ay ang mga pangalan ng aming mga prinsipe, mga Levita at mga pari.”