< Exodus 12 >

1 And the Lord spoke to Moses and Aaron in the land of Egypt, saying,
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2 This month [shall be] to you the beginning of months: it is the first to you among the months of the year.
Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.
3 Speak to all the congregation of the children of Israel, saying, On the tenth of this month let them take each man a lamb according to the houses of their families, every man a lamb for his household.
Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan:
4 And if they be few in a household, so that there are not enough for the lamb, he shall take with himself his neighbour that lives near to him, —as to the number of souls, every one according to that which suffices him shall make a reckoning for the lamb.
At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero, ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao; ayon sa bawa't tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang, sa kordero.
5 It shall be to you a lamb unblemished, a male of a year old: ye shall take it of the lambs and the kids.
Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:
6 And it shall be kept by you till the fourteenth of this month, and all the multitude of the congregation of the children of Israel shall kill it toward evening.
At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.
7 And they shall take of the blood, and shall put it on the two door-posts, and on the lintel, in the houses in which soever they shall eat them.
At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.
8 And they shall eat the flesh in this night roast with fire, and they shall eat unleavened [bread] with bitter herbs.
At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay.
9 Ye shall not eat of it raw nor sodden in water, but only roast with fire, the head with the feet and the appurtenances.
Huwag ninyong kaning hilaw, o luto man sa tubig, kundi inihaw sa apoy; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob.
10 Nothing shall be left of it till the morning, and a bone of it ye shall not break; but that which is left of it till the morning ye shall burn with fire.
At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy.
11 And thus shall ye eat it: your loins girded, and your sandals on your feet, and your staves in your hands, and ye shall eat it in haste. It is a passover to the Lord.
At ganito ninyo kakanin; may bigkis ang inyong baywang, ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa, at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay; at inyong kakaning dalidali; siyang paskua ng Panginoon.
12 and I will go throughout the land of Egypt in that night, and will smite every first-born in the land of Egypt both man and beast, and on all the gods of Egypt will I execute vengeance: I [am] the Lord.
Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon.
13 And the blood shall be for a sign to you on the houses in which ye are, and I will see the blood, and will protect you, and there shall not be on you the plague of destruction, when I smite in the land of Egypt.
At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.
14 And this day shall be to you a memorial, and ye shall keep it a feast to the Lord through all your generations; ye shall keep it a feast for a perpetual ordinance.
At ang araw na ito'y magiging sa inyo'y isang alaala, at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang tuntunin magpakailan man.
15 Seven days ye shall eat unleavened bread, and from the first day ye shall utterly remove leaven from your houses: whoever shall eat leaven, that soul shall be utterly destroyed from Israel, from the first day until the seventh day.
Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura; sapagka't sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel, ang taong yaon.
16 And the first day shall be called holy, and the seventh day shall be a holy convocation to you: ye shall do no servile work on them, only as many things as will [necessarily] be done by every soul, this only shall be done by you.
At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo.
17 And ye shall keep this commandment, for on this day will I bring out your force out of the land of Egypt; and ye shall make this day a perpetual ordinance for you throughout your generations.
At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura; sapagka't sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto: kaya't inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi, na bilang tuntunin magpakailan man.
18 Beginning the fourteenth day of the first month, ye shall eat unleavened bread from evening, till the twenty-first day of the month, till evening.
Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura, hanggang sa ikadalawang pu't isang araw ng buwan, sa paglubog ng araw.
19 Seven days leaven shall not be found in your houses; whosoever shall eat anything leavened, that soul shall be cut off from the congregation of Israel, both among the occupiers of the land and the original inhabitants.
Pitong araw, na walang masusumpungang lebadura sa inyong mga bahay: sapagka't sinomang kumain niyaong may lebadura, ay ihihiwalay sa kapisanan ng Israel, ang taong yaon, maging taga ibang lupa, o maging ipinanganak sa lupain.
20 Ye shall eat nothing leavened, but in every habitation of your ye shall eat unleavened bread.
Huwag kayong kakain ng anomang bagay na may lebadura; sa lahat ng inyong mga tahanan ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.
21 And Moses called all the elders of the children of Israel, and said to them, Go away and take to yourselves a lamb according to your kindreds, and slay the passover.
Nang magkagayo'y ipinatawag ni Moises ang lahat ng matanda sa Israel, at sinabi sa kanila, Kayo'y lumabas at kumuha kayo ng mga kordero ayon sa inyo-inyong sangbahayan, at magpatay kayo ng kordero ng paskua.
22 And ye shall take a bunch of hyssop, and having dipped it into some of the blood that is by the door, ye shall touch the lintel, and [shall put it] upon both door-posts, even of the blood which is by the door; but ye shall not go out every one from the door of his house till the morning.
At kayo'y kukuha ng isang bigkis na hisopo, at inyong babasain sa dugo, na nasa palanggana, at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana, ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto: at sinoman sa inyo ay huwag lalabas sa pinto ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan.
23 And the Lord shall pass by to smite the Egyptians, and shall see the blood upon the lintel, and upon both the door-posts; and the Lord shall pass by the door, and shall not suffer the destroyer to enter into your houses to smite [you].
Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo.
24 And keep ye this thing as an ordinance for thyself and for thy children for ever.
At inyong ipangingilin ang bagay na ito, na pinakatuntunin sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man.
25 And if ye should enter into the land, which the Lord shall give you, as he has spoken, keep this service.
At mangyayaring pagdating ninyo sa lupain na ibibigay sa inyo ng Panginoon, gaya ng kaniyang ipinangako, ay inyong tutuparin ang paglilingkod na ito.
26 And it shall come to pass, if your sons say to you, What is this service?
At mangyayaring pagsasabi sa inyo ng inyong mga anak: Anong ibig ninyong sabihin sa paglilingkod na ito?
27 that ye shall say to them, This passover is a sacrifice to the Lord, as he defended the houses of the children of Israel in Egypt, when he smote the Egyptians, but delivered our houses.
Na inyong sasabihin: Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon, na kaniyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Egipto, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.
28 And the people bowed and worshipped. And the children of Israel departed and did as the Lord commanded Moses and Aaron, so did they.
At ang mga anak ni Israel ay yumaon at ginawang gayon; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, ay gayong ginawa nila.
29 And it came to pass at midnight that the Lord smote all the first-born in the land of Egypt, from the first-born of Pharao that sat on the throne, to the first-born of the captive-maid in the dungeon, and the first-born of all cattle.
At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop.
30 And Pharao rose up by night, and his servants, and all the Egyptians; and there was a great cry in all the land of Egypt, for there was not a house in which there was not one dead.
At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egipcio, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay.
31 And Pharao called Moses and Aaron by night, and said to them, Rise and depart from my people, both ye and the children of Israel. Go and serve the Lord your God, even as ye say.
At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, Kayo'y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo'y yumaong maglingkod sa Panginoon, gaya ng inyong sinabi.
32 And take with you your sheep, and your oxen: bless me also, I pray you.
Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo'y yumaon: at pagpalain din naman ninyo ako.
33 And the Egyptians constrained the people, so that they cast them out of the land with haste, for they said, We all shall die.
At pinapagmadali ng mga Egipcio, ang bayan, na madaliang pinaalis sila sa lupain; sapagka't kanilang sinabi, Kaming lahat ay patay na.
34 And the people took their dough before their meal was leavened, bound up [as it was] in their garments, on their shoulders.
At dinala ng bayan ang kanilang masa bago humilab, na nababalot ang kanilang mga masa sa kanikanilang damit sa ibabaw ng kanikanilang balikat.
35 And the children of Israel did as Moses commanded them, and they asked of the Egyptians articles of silver and gold and apparel.
At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit:
36 And the Lord gave his people favour in the sight of the Egyptians, and they lent to them; and they spoiled the Egyptians.
At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egipcio, ano pa't ibinigay sa kanila anomang hingin nila. At kanilang hinubaran ang mga Egipcio.
37 And the children Israel departed from Ramesses to Socchoth, to [the full number of] six hundred thousand footmen, even men, besides the baggage.
At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses hanggang sa Succoth, na may anim na raang libong lalake na naglakad, bukod pa ang mga bata.
38 And a great mixed [company] went up with them, and sheep and oxen and very much cattle.
At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila; at mga kawan, at mga bakahan, na napakaraming hayop.
39 And they baked the dough which they brought out of Egypt, unleavened cakes, for it had not been leavened; for the Egyptians cast them out, and they could not remain, neither did they prepare provision for themselves for the journey.
At kanilang nilutong mga munting tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang kinuha sa Egipto, sapagka't hindi pa humihilab, sapagka't sila'y itinaboy sa Egipto, at hindi sila nakatigil o nakapaghanda man ng anomang pagkain.
40 And the sojourning of the children of Israel, while they sojourned in the land of Egypt and the land of Chanaan, [was] four hundred and thirty years.
Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakipamayan nila sa Egipto, ay apat na raan at tatlong pung taon.
41 And it came to pass after the four hundred and thirty years, all the forces of the Lord came forth out of the land of Egypt by night.
At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon, ng araw ding yaon ay nangyari, na ang lahat ng mga hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto.
42 It is a watch kept to the Lord, so that he should bring them out of the land of Egypt; that very night is a watch kept to the Lord, so that it should be to all the children of Israel to their generations.
Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto: ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi.
43 And the Lord said to Moses and Aaron, This is the law of the passover: no stranger shall eat of it.
At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon:
44 And every slave or servant bought with money—him thou shalt circumcise, and then shall he eat of it.
Datapuwa't ang alipin ng bawa't lalake na nabili ng salapi, pagkatuli sa kaniya'y makakakain nga niyaon.
45 A sojourner or hireling shall not eat of it.
Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon.
46 In one house shall it be eaten, and ye shall not carry of the flesh out from the house; and a bone of it ye shall not break.
Sa isang bahay kakanin; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon.
47 All the congregation of the children of Israel shall keep it.
Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel.
48 And if any proselyte shall come to you to keep the passover to the Lord, thou shalt circumcise every male of him, and then shall he approach to sacrifice it, and he shall be even as the original inhabitant of the land; no uncircumcised person shall eat of it.
At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin: at siya'y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo; datapuwa't sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon.
49 There shall be one law to the native, and to the proselyte coming among you.
Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.
50 And the children of Israel did as the Lord commanded Moses and Aaron for them, so they did.
Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, gayon nila ginawa.
51 And it came to pass in that day that the Lord brought out the children of Israel from the land of Egypt with their forces.
At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo.

< Exodus 12 >