< Chronicles II 36 >

1 And the people of the land took Joachaz the son of Josias, and anointed him, and made him king over Jerusalem in the room of his father.
Pagkatapos ay pinili ng mga tao ng lupain si Jehoahaz na anak ni Josias at ginawa siyang hari bilang kapalit ng kaniyang ama sa Jerusalem.
2 Joachaz [was] twenty-three years old when he began to reign, and he reigned three months in Jerusalem: and his mother's name was Amital, daughter of Jeremias of Lobna. And he did that which was evil in the sight of the Lord, according to all that his fathers had done. And Pharao Nechao bound him in Deblatha in the land of Aemath, that he might not reign in Jerusalem.
Si Jehoahaz ay dalawampu't tatlong taong gulang nang magsimula siyang maghari, at naghari siya ng tatlong buwan sa Jerusalem.
3 And the king brought him over to Egypt; and imposed a tribute on the land, a hundred talents of silver and a talent of gold.
Tinanggal siya ng hari ng Ehipto sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng isang daang talentong pilak at isang daang talentong ginto.
4 And Pharao Nechao made Eliakim the son of Josias king over Juda in the room of his father Josias, and changed his name [to] Joakim. And Pharao Nechao took his brother Joachaz and brought him into Egypt, and he died there: but [he] had given the silver and gold to Pharao. At that time the land began to be taxed to give the money at the command of Pharao; and every one as he could borrowed the silver and the gold of the people of the land, to give to Pharao Nechao.
Ginawa ng hari ng Ehipto si Eliakim, na kaniyang kapatid bilang hari ng Juda at Jerusalem at binago ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pagkatapos, dinala niya ang kapatid ni Eliakim na si Jehoahaz at dinala siya sa Ehipto.
5 Joachim was twenty-five years old when he began to reign, and he reigned eleven years in Jerusalem: and he did that which was evil in the sight of the Lord.
Dalawampu't limang taong gulang si Jehoiakim nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano ang masamang sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos.
6 And Nabuchodonosor king of Babylon came up against him, and bound him with brazen fetters, and carried him away to Babylon.
At nilusob siya ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at iginapos siya ng kadena upang dalhin sa Babilonia.
7 And he carried away a part of the vessels of the house of the Lord to Babylon, and put them in his temple in Babylon.
Dinala rin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga bagay sa tahanan ni Yahweh sa Babilonia at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo sa Babilonia.
8 And the rest of the acts of Joakim, and all that he did, behold, [are] not these things written in the book of the chronicles of the kings of Juda? And Joakim slept with his fathers, and was buried with his fathers in Ganozae: and Jechonias his son reigned in his stead.
Para naman sa mga ibang usapin tungkol kay Jehoiakim, ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa niya at ang mga nalaman laban sa kaniya ay nasusulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang pumalit sa kaniya bilang hari.
9 Jechonias [was] eight years old when he began to reign, and he reigned three months and ten days in Jerusalem, and did that which was evil in the sight of the Lord.
Walong taong gulang si Jehoiakin nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano masama sa paningin ni Yahweh.
10 And at the turn of the year, king Nabuchodonosor sent, and brought him to Babylon, with the precious vessels of the house of the Lord, and made Sedekias his father's brother king over Juda and Jerusalem.
Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
11 Sedekias [was] twenty-one years old when he began to reign, and be reigned eleven years in Jerusalem.
Dalawampu't-isang taong gulang si Zedekias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem.
12 And he did that which was evil in the sight of the Lord his God: he was not ashamed before the prophet Jeremias, nor because of the word of the Lord;
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos. Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ng propetang si Jeremias, na nagsasalita mula sa bibig ni Yahweh.
13 in that he rebelled against king Nabuchodonosor, which he adjured him by God [not to do]: but he stiffened his neck, and hardened his heart, so as not to return to the Lord God of Israel.
Naghimagsik din si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar, na siyang nagpasumpa sa kaniya ng katapatan sa pamamagitan ng Diyos. Ngunit pinatigas ni Zedekias ang kaniyang ulo at pinatigas ang kaniyang puso sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
14 And all the great men of Juda, and the priests, and the people of the land transgressed abundantly in the abominations of the heathen, and polluted the house of the Lord which [was] in Jerusalem.
Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
15 And the Lord God of their fathers sent by the hand of his prophets; rising early and sending his messengers, for he spared his people, and his sanctuary.
Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
16 Nevertheless they sneered at his messengers, and set at nought his words, and mocked his prophets, until the wrath of the Lord rose up against his people, till there was no remedy.
Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
17 And he brought against them the king of the Chaldeans, and slew their young men with the sword in the house of his sanctuary, and did not spare Sedekias, and had no mercy upon their virgins, and they led away their old men: he delivered all things into their hands.
Kaya dinala ng Diyos sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng mga tabak sa santuwaryo at walang habag sa mga kabataang lalaki o mga birhen, mga matatandang lalaki o ang mga puti na ang buhok. Ibinigay silang lahat ng Diyos sa kaniyang kamay.
18 And all the vessels of the house of God, the great and the small, and the treasures of the house of the Lord, and all the treasures of the king and the great men; he brought all to Babylon.
Lahat ng kagamitan ng tahanan ng Diyos, malaki at maliit, ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan ng hari at kaniyang mga opisyal—ang lahat ng mga ito ay dinala niya sa Babilonia.
19 And he burnt the house of the Lord, and broke down the wall of Jerusalem, and burnt its palaces with fire, and [utterly destroyed] every beautiful vessel.
Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
20 And he carried away the remnant to Babylon; and they were servants to him and to his sons until [the establishment of] the kingdom of the Medes.
Dinala ng hari sa Babilonia ang mga nakaligtas sa tabak. Sila ay naging lingkod niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa nangyari ang pamumuno ng kaharian ng Persia.
21 That the word of the Lord by the mouth of Jeremias might be fulfilled, until the land should enjoy its sabbaths in resting [and] sabbath keeping all the days of its desolation, till the accomplishment of seventy years.
Nangyari ito upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa masiyahan ang lupain sa kaniyang Araw ng Pamamahinga. Sapagkat habang ang lupain ay pinabayaan ipinagdiwang nito ang Araw ng Pamamahinga sa loob ng pitumpung taon.
22 In the first year of Cyrus king of the Persians, after the fulfillment of the word of the Lord by the mouth of Jeremias, the Lord stirred up the spirit of Cyrus king of the Persians, and told him to make proclamation in writing throughout all his kingdom, saying,
Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
23 Thus says Cyrus king of the Persians to all the kingdoms of the earth, The Lord God of heaven has given me [power], and he has commanded me to build a house to him in Jerusalem, in Judea. Who [is there] of you of all his people? His God shall be with him, and let him go up.
“Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain.”

< Chronicles II 36 >