< Numbers 32 >
1 Now the children of Reuben and the children of Gad had a great number of cattle: and when they saw that the land of Jazer and the land of Gilead was a good place for cattle;
Ang mga anak nga ni Ruben, at ang mga anak ni Gad ay mayroong napakaraming hayop: at nang kanilang makita ang lupain ng Jazer, at ang lupain ng Galaad, na, narito, ang dako ay minagaling nilang dako sa hayop,
2 The children of Gad and the children of Reuben came and said to Moses and to Eleazar the priest and to the chiefs of the meeting,
Ay lumapit at nagsalita ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa mga prinsipe ng kapisanan na sinasabi,
3 Ataroth, and Dibon, and Jazer, and Nimrah, and Heshbon, and Elealeh, and Sebam, and Nebo, and Beon,
Ang Ataroth, at ang Dibon, at ang Jazer, at ang Nimra, at ang Hesbon, at ang Eleale, at ang Saban, at ang Nebo, at ang Beon,
4 The land which the Lord gave into the hands of the children of Israel, is a land for cattle, and your servants have cattle.
Na lupaing sinaktan ng Panginoon sa harap ng kapisanan ng Israel, ay lupaing mabuti sa hayop, at ang iyong mga lingkod ay may mga hayop.
5 And they said, With your approval, let this land be given to your servants as their heritage: do not take us over Jordan.
At sinabi nila, Kung kami ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ibigay mong pinakaari ang lupaing ito sa iyong mga lingkod; at huwag mo kaming paraanin sa Jordan.
6 And Moses said to the children of Gad and the children of Reuben, Are your brothers to go to the war, while you take your rest here?
At sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, Paroroon ba ang inyong mga kapatid sa pakikipagbaka, at kayo'y mauupo rito?
7 Why would you take from the children of Israel the desire to go over into the land which the Lord has given them?
At bakit pinapanghihina ninyo ang loob ng mga anak ni Israel, na huwag magpatuloy sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila?
8 So did your fathers, when I sent them from Kadesh-barnea to see the land.
Ganyan ang ginawa ng inyong mga magulang nang sila'y aking suguin, mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain.
9 For when they went up to the valley of Eshcol, and saw the land, they took from the children of Israel the desire to go into the land which the Lord had given them.
Sapagka't nang sila'y makasampa sa libis ng Eskol at matiktikan ang lupain, ay kanilang pinapanghina ang loob ng mga anak ni Israel upang huwag pumasok sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila.
10 And at that time the Lord was moved to wrath, and made an oath, saying,
At ang galit ng Panginoon ay nagningas nang araw na yaon, at siya'y sumumpa na sinasabi,
11 Truly, not one of the men of twenty years old and over who came out of Egypt will see the land which I gave by oath to Abraham, Isaac, and Jacob; because they have not been true to me with all their heart;
Tunay na walang taong lumabas sa Egipto, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay makakakita ng lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; sapagka't sila'y hindi lubos na sumunod sa akin:
12 But only Caleb, the son of Jephunneh the Kenizzite, and Joshua, the son of Nun: because they have been true to the Lord.
Liban si Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo, at si Josue na anak ni Nun: sapagka't sila'y sumunod na lubos sa Panginoon.
13 Then the Lord was angry with Israel, and he made them wanderers in the waste land for forty years? till all that generation who had done evil in the eyes of the Lord was dead.
At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel, at kaniyang pinagala sila sa ilang, na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ay nalipol.
14 And now you have come to take the place of your fathers, another generation of sinners, increasing the wrath of the Lord against Israel.
At, narito, kayo'y nagsipagtindig na kahalili ng inyong mga magulang, supling ng mga taong makasalanan, upang dagdagan pa ninyo ang mabangis na galit ng Panginoon sa Israel.
15 For if you are turned away from him, he will send them wandering again in the waste land; and you will be the cause of the destruction of all this people.
Sapagka't kung kayo'y lumihis ng pagsunod sa kaniya ay kaniyang iiwang muli sila sa ilang; at inyong lilipulin ang buong bayang ito.
16 Then they came to him, and said, We will make safe places for our cattle here, and towns for our little ones;
At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nagsabi, Gagawa kami rito ng mga kulungan sa aming mga hayop, at ng mga bayan sa aming mga bata:
17 But we ourselves will be ready armed to go before the children of Israel till we have taken them to their place: but our little ones will be safe in the walled towns against the people of the land.
Nguni't kami ay magsisipagalmas upang magpauna sa mga anak ni Israel hanggang sa aming maipasok sa kanilang dakong karoroonan: at ang aming mga bata ay magsisitahan sa mga bayang nakukutaan dahil sa mga nagsisitahan sa lupain.
18 We will not come back to our houses till every one of the children of Israel has come into his heritage.
Kami ay hindi magsisibalik sa aming mga bahay, hanggang sa ang mga anak ni Israel ay magari bawa't isa ng kaniyang sariling pag-aari.
19 For we will not have our heritage with them on the other side of Jordan and forward; because our heritage has come to us on this side of Jordan to the east.
Sapagka't hindi kami makikimana sa kanila sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa dako pa roon; sapagka't tinaglay na namin ang aming mana rito sa dakong silanganan ng Jordan.
20 Then Moses said to them, If you will do this, arming yourselves to go before the Lord to the war,
At sinabi ni Moises sa kanila, Kung gagawin ninyo ang bagay na ito; kung kayo'y magsisipagalmas upang pumaroon sa harap ng Panginoon sa pakikipagbaka,
21 Every armed man of you going across Jordan before the Lord till he has overcome and sent in flight all who are against him,
At bawa't may almas sa inyo ay daraan sa Jordan sa harap ng Panginoon, hanggang sa kaniyang mapalayas ang kaniyang mga kaaway sa harap niya.
22 And the land is under the rule of the Lord: then after that you may come back, having done no wrong to the Lord and to Israel; and this land will be yours for your heritage before the Lord.
At ang lupain ay mapasuko sa harap ng Panginoon: ay makababalik nga kayo pagkatapos, at hindi kayo magiging salarin sa Panginoon, at sa Israel; at ang lupaing ito ay magiging inyong pag-aari sa harap ng Panginoon.
23 But if you do not do this, then you are sinners against the Lord; and you may be certain that your sin will have its reward.
Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan.
24 So get to work building your towns for your little ones, and safe places for your sheep; and do as you have said.
Igawa ninyo ng mga siyudad ang inyong mga bata, at ng mga kulungan ang inyong mga tupa; at isagawa ninyo ang nabuka sa inyong bibig.
25 And the children of Gad and the children of Reuben said to Moses, Your servants will do as my lord says.
At sinalita ng mga anak ni Gad at ng mga anak ni Ruben kay Moises, na sinasabi, Isasagawa ng iyong mga lingkod ang gaya ng iniutos ng aking panginoon.
26 Our little ones, our wives, and our flocks, and all our cattle, will be there in the towns of Gilead;
Ang aming mga bata, ang aming mga asawa, ang aming kawan at ang aming buong bakahan ay matitira riyan sa mga bayan ng Galaad:
27 But your servants will go over, every man armed for war, before the Lord to the fight, as my lord says.
Nguni't ang iyong mga lingkod ay magsisitawid, bawa't lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon upang makipagbaka, gaya ng sinabi ng aking panginoon.
28 So Moses gave orders about them to Eleazar the priest and to Joshua, the son of Nun, and to the heads of families of the tribes of the children of Israel.
Sa gayo'y ipinagbilin sila ni Moises kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel.
29 And Moses said to them, If the children of Gad and the children of Reuben go with you over Jordan, every man armed for the fight before the Lord, and all the land is given into your hands, then let them have the land of Gilead for a heritage:
At sinabi sa kanila ni Moises, Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan, ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon, at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo: ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad.
30 But if they do not go over with you armed, they will have to take their heritage with you in the land of Canaan.
Nguni't kung sila'y hindi tatawid na kasama ninyo na may almas, ay magkakaroon sila ng pag-aari na kasama ninyo sa lupain ng Canaan.
31 Then the children of Gad and the children of Reuben said, As the Lord has said to your servants, so will we do.
At ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay nagsisagot, na nangagsasabi, Kung paano ang sinabi ng Panginoon sa iyong mga lingkod ay gayon ang gagawin namin,
32 We will go over armed before the Lord into the land of Canaan, and you will give us our heritage on this side of Jordan.
Kami ay tatawid na may almas sa harap ng Panginoon sa lupain ng Canaan, at ang magiging pag-aari naming mana ay sa dakong ito ng Jordan.
33 So Moses gave to them, even to the children of Gad and the children of Reuben and to the half-tribe of Manasseh, the son of Joseph, the kingdom of Sihon, king of the Amorites and Og, king of Bashan, all the land with its towns and the country round them.
At ibinigay ni Moises sa kanila, sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose, ang kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ang kaharian ni Og na hari sa Basan, ang lupain ayon sa mga bayan niyaon, sa loob ng mga hangganan niyaon, sa makatuwid baga'y ang mga bayan sa palibot ng lupain.
34 And the children of Gad were the builders of Dibon and Ataroth and Aroer;
At itinayo ng mga anak ni Gad ang Dibon, at ang Ataroth, at ang Aroer,
35 And Atroth-shophan and Jazer and Jogbehah;
At ang Ataroth-sophan, at ang Jazer, at ang Jogbaa,
36 And Beth-nimrah and Beth-haran: walled towns and shut-in places for sheep.
At ang Beth-nimra at ang Bet-haran: na mga bayang nakukutaan, at kulungan din naman ng mga tupa.
37 And the children of Reuben were the builders of Heshbon and Elealeh and Kiriathaim;
At itinayo naman ng mga anak ni Ruben ang Hesbon, at ang Eleale, at ang Ciriathaim,
38 And Nebo and Baal-meon, (their names being changed, ) and Sibmah: and they gave other names to the towns they made.
At ang Nebo, at ang Baal-meon, (na ang pangalan ng mga yaon ay binago, ) at ang Sibma: at nilagyan ng ibang mga pangalan ang mga bayan na kanilang itinayo.
39 And the children of Machir, the son of Manasseh, went to Gilead and took it, driving out the Amorites who were living there.
At ang mga anak ni Machir na anak ni Manases ay nagsiparoon sa Galaad, at kanilang sinakop, at pinalayas ang mga Amorrheo na nandoon.
40 And Moses gave Gilead to Machir, the son of Manasseh; and he made it his living-place.
At ibinigay ni Moises ang Galaad kay Machir na anak ni Manases; at kaniyang tinahanan.
41 And Jair, the son of Manasseh, went and took the towns of Gilead, naming them Havvoth-Jair.
At si Jair na anak ni Manases ay naparoon at sinakop ang mga bayan niyaon at tinawag na Havoth-jair.
42 And Nobah went and took Kenath and its small towns, naming it Nobah, after himself.
At si Noba ay naparoon at sinakop ang Kenath, at ang mga nayon niyaon, at tinawag na Noba, ayon sa kaniyang sariling pangalan.