< Judges 19 >
1 Now in those days, when there was no king in Israel, a certain Levite was living in the inmost parts of the hill-country of Ephraim, and he got for himself a servant-wife from Beth-lehem-judah.
Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda.
2 And his servant-wife was angry with him, and went away from him to her father's house at Beth-lehem-judah, and was there for four months.
Pero ang isa pa niyang asawa ay taksil sa kaniya; iniwanan siya at bumalik sa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem ng Juda. Nanatili siya roon sa loob ng apat na buwan.
3 Then her husband got up and went after her, with the purpose of talking kindly to her, and taking her back with him; he had with him his young man and two asses: and she took him into her father's house, and her father, when he saw him, came forward to him with joy.
Pagkatapos tumayo ang kaniyang asawa at pumunta sa kaniya para hikayatin siyang bumalik. Kasama niya ang kaniyang tagapaglingkod, at isang pares ng mga asno. Dinala niya siya sa bahay ng kaniyang ama.
4 And his father-in-law, the girl's father, kept him there for three days; and they had food and drink and took their rest there.
Nang nakita siya ng ama ng babae, nagalak siya. Ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae, ay hinikayat siyang manatili sa loob ng tatlong araw. Kumain sila at uminom, at nagpalipas sila ng gabi roon.
5 Now on the fourth day they got up early in the morning and he made ready to go away; but the girl's father said to his son-in-law, Take a little food to keep up your strength, and then go on your way.
Sa ika-apat na araw maaga silang bumangon at naghanda siya para umalis, pero sinabihan ng ama ng babae ang kaniyang manugang, “Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaunting tinapay, pagkatapos maaari kanang umalis.”
6 So seating themselves they had food and drink, the two of them together; and the girl's father said to the man, If it is your pleasure, take your rest here tonight, and let your heart be glad.
Kaya ang dalawa sa kanila ay umupo para kumain at uminom na magkasama. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae, “Pakiusap pumayag na magpalipas ng gabi at magpakasaya.”
7 And the man got up to go away, but his father-in-law would not let him go, so he took his rest there again for the night.
Nang gumising ng maaga ang Levita para umalis, hinimok siya ng ama ng dalagang babae na manatili, kaya binago niya ang kaniyang binalak at muling nagpalipas ng gabi roon.
8 Then early on the morning of the fifth day he got up to go away; but the girl's father said, Keep up your strength; so the two of them had a meal, and the man and his woman and his servant did not go till after the middle of the day.
Sa ika-limang araw gumising siya ng maaga para umalis, pero sinabi ng ama ng babae, “Palakasin mo ang iyong sarili, maghintay hanggang hapon.” Kaya kumain silang dalawa.
9 And when they got up to go away, his father-in-law, the girl's father, said to him, Now evening is coming on, so do not go tonight; see, the day is almost gone; take your rest here and let your heart be glad, and tomorrow early, go on your way back to your house.
Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, “Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi.”
10 But the man would not be kept there that night, and he got up and went away and came opposite to Jebus (which is Jerusalem); and he had with him the two asses, ready for travelling, and his woman.
Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa.
11 When they got near Jebus the day was far gone; and the servant said to his master, Now let us go from our road into this town of the Jebusites and take our night's rest there.
Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, “Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon.”
12 But his master said to him, We will not go out of our way into a strange town, whose people are not of the children of Israel; but we will go on to Gibeah.
Sinabi ng kaniyang amo sa kaniya, “Hindi tayo lilihis patungo sa isang lugnsod ng mga dayuhan na hindi kabilang sa bayan ng Israel. Pupunta tayo sa Gabaa.”
13 And he said to his servant, Come, let us go on to one of these places, stopping for the night in Gibeah or Ramah.
Sinabi ng Levita sa kaniyang binata, “Halina, pumunta tayo sa isa sa mga ibang lugar na iyon, at magpalipas ng gabi sa Gabaa o Rama.”
14 So they went on their way; and the sun went down when they were near Gibeah in the land of Benjamin.
Kaya nagpatuloy sila, at lumubog ang araw habang papalapit sila sa Gabaa, sa nasasakupan ng Benjamin.
15 And they went off the road there with the purpose of stopping for the night in Gibeah: and he went in, seating himself in the street of the town, for no one took them into his house for the night.
Lumihis sila roon para magpalipas ng gabi sa Gabaa. At pumasok siya at umupo sa plasa ng lungsod, sapagka't walang isa mang nagpatuloy sa kanila sa kaniyang bahay para sa gabi.
16 Now when it was evening they saw an old man coming back from his work in the fields; he was from the hill-country of Ephraim and was living in Gibeah: but the men of the place were Benjamites.
Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita.
17 And when he saw the traveller in the street of the town, the old man said, Where are you going? and where do you come from?
Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, “Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?”
18 And he said to him, We are on our way from Beth-lehem-judah to the inmost parts of the hill-country of Ephraim: I came from there and went to Beth-lehem-judah: now I am on my way back to my house, but no man will take me into his house.
Sinabi ng Levita sa kaniya, “Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay.
19 But we have dry grass and food for our asses, as well as bread and wine for me, and for the woman, and for the young man with us: we have no need of anything.
Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan.”
20 And the old man said, Peace be with you; let all your needs be my care; only do not take your rest in the street.
Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.”
21 So he took them into his house and gave the asses food; and after washing their feet they took food and drink.
Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom.
22 While they were taking their pleasure at the meal, the good-for-nothing men of the town came round the house, giving blows on the door; and they said to the old man, the master of the house, Send out that man who came to your house, so that we may take our pleasure with him.
Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, “Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya.”
23 So the man, the master of the house, went out to them, and said, No, my brothers, do not this evil thing; this man has come into my house, and you are not to do him this wrong.
Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito!
24 See, here is my daughter, a virgin, and his servant-wife: I will send them out for you to take them and do with them whatever you will. But do no such thing of shame to this man.
Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!”
25 But the men would not give ear to him: so the man took his woman and sent her out to them; and they took her by force, using her for their pleasure all night till the morning; and when dawn came they let her go.
Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw.
26 Then at the dawn of day the woman came, and, falling down at the door of the man's house where her master was, was stretched there till it was light.
Sa madaling araw dumating ang babae at bumagsak sa pinto ng bahay ng lalaki kung saan naroon ang kaniyang amo, at nahiga siya roon hanggang sa magliwanag.
27 In the morning her master got up, and opening the door of the house went out to go on his way; and he saw his servant-wife stretched on the earth at the door of the house with her hands on the step.
Bumangon ang kaniyang amo sa umaga at binuksan ang mga pinto ng bahay at umalis papunta sa kainyang paroroonan. Nakikita niya ang kaniyang isa pang asawa na nakahiga roon sa pintuan, na ang mga kamay ay nasa bungad.
28 And he said to her, Get up and let us be going; but there was no answer; so he took her up and put her on the ass, and went on his way and came to his house.
Sinabi ng Levita sa kaniya, “Bumangon ka. Umalis na tayo.” Pero walang sagot. Isinakay niya siya sa asno at umalis ang lalaki para umuwi.
29 And when he had come to his house, he got his knife, and took the woman, cutting her up bone by bone into twelve parts, which he sent through all Israel.
Nang makarating ang Levita sa kaniyang bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo, at hinawakan niya ang kaniyang isa pang asawa, at pinagputul-putol siya, biyas sa biyas, sa labing dalawang piraso, at pinadala ang mga piraso sa lahat ng dako ng Israel.
30 And he gave orders to the men whom he sent, saying, This is what you are to say to all the men of Israel, Has ever an act like this been done from the day when the children of Israel came out of Egypt to this day? Give thought to it, turning it over in your minds, and give your opinion of it.
Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!”