< Jude 1 >
1 Jude, a servant of Jesus Christ and the brother of James, to those of God's selection who have been made holy by God the Father and are kept safe for Jesus Christ:
Judas, isang lingkod ni Jesu-Cristo, at kapatid na lalaki ni Santiago, sa kanilang mga tinawag, minamahal sa Diyos Ama at nanatili para kay Jesu-Cristo,
2 May mercy and peace and love be increased in you.
nawa ang awa, kapayapaan at pag-ibig ay sumagana sa inyo.
3 My loved ones, while my thoughts were full of a letter which I was going to send you about our common salvation, it was necessary for me to send you one requesting you with all my heart to go on fighting strongly for the faith which has been given to the saints once and for ever.
Minamahal, habang sinisikap kong sumulat sa inyo tungkol sa ating pangkalahatang kaligtasan, kailangang sulatan ko kayo upang hikayatin kayo na magsumikap para sa pananampalataya na minsan nang ibinigay sa lahat ng mga naniniwala.
4 For certain men have come among you secretly, marked out before in the holy Writings for this evil fate, men without the fear of God, turning his grace into an unclean thing, and false to our only Master and Lord, Jesus Christ.
Dahil may ibang mga tao na palihim na nakisama sa kalagitnaan ninyo—mga taong tinatakan ng paghahatol - mga taong walang Diyos na inililihis ang biyaya ng Panginoon patungo sa kahalayan at itinatanggi ang ating nag-iisang Panginoon at Diyos na si Jesu- Cristo.
5 Now it is my purpose to put you in mind, though you once had knowledge of all these things, of how the Lord, having taken a people safely out of Egypt, later sent destruction on those who had no faith;
Ngayon nais kong ipaalala sa inyo, kahit na lubos na ninyong alam ito, na ang Panginoon ang nagligtas sa isang bayan palabas sa lupain ng Ehipto, ngunit pagkatapos pinuksa niya ang mga hindi naniwala.
6 And the angels who did not keep to their kingdom but went out from the place which was theirs, he has put in eternal chains and in dark night till the great day of the judging. (aïdios )
At ang mga anghel na hindi nanatili sa kani-kanilang makapangyarihang tungkulin- ngunit iniwan ang kanilang nararapat na lugar- ginapos sila ng Diyos sa walang hanggang mga tanikala, sa lubos na kadiliman, para sa dakilang araw ng paghuhukom. (aïdios )
7 Even as Sodom and Gomorrah, and the towns near them, having like these, given themselves up to unclean desires and gone after strange flesh, have been made an example, undergoing the punishment of eternal fire. (aiōnios )
Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy. (aiōnios )
8 In the same way these dreamers make the flesh unclean, having no respect for authorities, and say evil of rulers.
Gayunman sa parehong paraan, ang mga nananaginip na ito ay dinudungisan din ang kanilang mga katawan, at tinatanggihan ang awtoridad, at sinisiraan nila ang dangal ng mga maluwalhating mga anghel.
9 Now when Michael, one of the chief angels, was fighting against the Evil One for the body of Moses, fearing to make use of violent words against him, he only said, May the Lord be your judge.
Subalit maging si Miguel ang arkanghel, nang siya ay nakipagtalo sa diyablo at nakipaglaban sa kaniya tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas magbigay ng mapanirang paghatol laban sa kaniya, sa halip sinabi niya, “Sawayin ka nawa ng Diyos!”
10 But these men say evil about such things as they have no knowledge of; and the things of which they have natural knowledge, like beasts without reason, are the cause of their destruction.
Ngunit nagbibigay ng mga paninirang-puri ang mga taong ito laban sa anumang hindi nila maintindihan. At ano kanilang naiintindihan— kung ano ang pag-uugali ng mga hayop na wala sa katuwiran— ang mga ito ang nagpahamak sa kanila.
11 A curse on them! They have gone in the way of Cain, running uncontrolled into the error of Balaam for reward, and have come to destruction by saying evil against the Lord, like Korah.
Kaawa-awa sila! Dahil sila ay lumakad sa daan ni Cain, at nahulog sa pagkakamali ni Balaam. Sila ay namatay sa paghihimagsik ni Kora.
12 These men are unseen rocks at your love-feasts, when they take part in them with you, keepers of sheep who without fear take the food of the sheep; clouds without water rushing before the wind, wasted trees without fruit, twice dead, pulled up by the roots,
Ang mga ito ang siyang tinik sa inyong mga pista ng pag-ibig, nagpipista na walang kahihiyan, kumakain lamang para sa kanilang mga sarili. Sila ay mga ulap na walang tubig, tinatangay ng hangin, puno sa taglagas na walang bunga- dalawang beses namatay, binunot sa ugat-
13 Violent waves of the sea, streaming with their shame, wandering stars for whom the darkest night is kept in store for ever. (aiōn )
marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala—na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman. (aiōn )
14 The prophet Enoch, who was the seventh after Adam, said of these men, The Lord came with tens of thousands of his saints,
Si Enoc, ang ika-pito sa linya mula kay Adan, nagpahayag tungkol sa kanila, na sinasabing, “Pagmasdan ninyo! Ang Panginoon ay darating kasama ang libo-libong mga banal,
15 To be the judge of all, and to give a decision against all those whose lives are unpleasing to him, because of the evil acts which they have done, and because of all the hard things which sinners without fear of God have said against him.
upang magsagawa ng paghuhukom sa bawat isa, at hatulan ang lahat ng hindi maka-diyos sa kanilang mga ginagawa at pamamaraan, at sa lahat ng mga magaspang na pananalita na binigkas ng mga makasalanan laban sa Diyos.
16 These are the men who make trouble, ever desiring change, going after evil pleasures, using high-sounding words, respecting men's position in the hope of reward.
Ito ay ang mga bumubulong-bulong, mga mareklamo, silang mga sumusunod sa kanilang masasamang pagnanasa, maingay na mga hambog, at sila na nang-uuto para sa sariling kapakinabangan.
17 But you, my loved ones, keep in memory the words which were said before by the Apostles of our Lord Jesus Christ,
Pero kayo, mga minamahal, alalahanin ang mga salitang sinabi sa inyo noon ng mga apostol ng Panginoong Jesu-Cristo.
18 How they said to you, In the last days there will be men who, guided by their evil desires, will make sport of holy things.
Sinabi nila sa inyo, “Sa huling panahon, may mga mangungutya na sinusunod ang kanilang sariling hindi maka-diyos na pagnanasa.”
19 These are the men who make divisions, natural men, not having the Spirit.
Ang mga taong ito ay dahilan ng pagkaba-bahagi, pinamumunuan ng makamundong pagnanasa, at wala sa kanila ang Espiritu.
20 But you, my loved ones, building yourselves up on your most holy faith, and making prayers in the Holy Spirit,
Pero kayo, mga minamahal, habang tinataguyod ninyo ang inyong mga sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, at habang nananalangin kayo sa Banal na Espiritu,
21 Keep yourselves in the love of God, looking for life eternal through the mercy of our Lord Jesus Christ. (aiōnios )
panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos at hintayin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala sa inyo ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
22 And have pity on those who are in doubt;
Magpakita ng habag sa mga nag-aalinlangan.
23 And to some give salvation, pulling them out of the fire; and on some have mercy with fear, hating even the clothing which is made unclean by the flesh.
Iligtas ang iba sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy. Sa iba magpakita ng habag na may takot, kamumuhian kahit na ang damit na nabahiran ng laman.
24 Now to him who is able to keep you from falling, and to give you a place in his glory, free from all evil, with great joy,
Ngayon sa kanya na may kakayanang ilayo kayo sa pagkakatisod, at dahilan upang tayo ay makatayo sa harapan ng kanyang maluwalhating presensya, walang dungis at may labis na kagalakan,
25 To the only God our Saviour, through Jesus Christ our Lord, let us give glory and honour and authority and power, before all time and now and for ever. So be it. (aiōn )
sa tanging Diyos ating tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon, ang kaluwalhatian, kadakilaan, kataas-taasan, kapangyarihan-bago sa lahat ng panahon, at ngayon, at magpakailanman. Amen. (aiōn )