< Joshua 14 >

1 And these are the heritages which the children of Israel took in the land of Canaan, which Eleazar, the priest, and Joshua, the son of Nun, and the heads of the tribes of the children of Israel, gave out to them;
Ito ang mga lugar ng lupain na tinanggap ng bayan ng Israel bilang kanilang mana sa lupain ng Canaan, na nakalaan para sa kanila ni Eleazar na pari, ni Josue na anak na lalaki ni Nun, at ng mga pinuno ng mga lipi ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.
2 Their heritage by the Lord's decision, as he gave orders by Moses, for the nine tribes and the half-tribe.
Ang kanilang pamana ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan para sa siyam at kalahating mga lipi, gaya lamang ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises,
3 For Moses had given their heritage to the two tribes and the half-tribe on the other side of Jordan, but to the Levites he gave no heritage among them.
Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
4 Because the children of Joseph were two tribes, Manasseh and Ephraim; and they gave the Levites no part in the land, only towns for their living-places, with the grass-lands for their cattle and for their property.
Ang lipi ni Jose ay talagang dalawang lipi, Manases at Ephraim. At walang bahagi ng pamana ang ibinigay sa mga Levita doon sa lupain, pero may mga lungsod lamang para matirahan, kasama ang kanilang mga lupang-pastulan para sa kanilang alagang baka at para sa kanilang sariling materyal na pangangailangan.
5 As the Lord had given orders to Moses, so the people of Israel did, and they made division of the land.
Ginawa ng bayan ng Israel ang iniutos ni Yahweh kay Moises, kaya naitalaga nila ang lupain.
6 Then the children of Judah went to Joshua in Gilgal; and Caleb, the son of Jephunneh the Kenizzite, said to him, You have knowledge of what the Lord said to Moses, the man of God, about me and about you in Kadesh-barnea.
Pagkatapos nagpunta ang lipi ni Juda kay Josue sa Gilgal. Sinabi ni Caleb na anak ni Jepunne na Canezeo, sinabi sa kaniya, “Alam mo kung ano ang sinabi ni Yahweh kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa iyo at sa akin sa Kades Barnea.
7 I was forty years old when Moses, the servant of the Lord, sent me from Kadesh-barnea to make a search through the land; and the account which I gave him was in keeping with his desire.
Apatnapung taong gulang ako nang isinugo ako ni Moises na lingkod ni Yahweh mula sa Kades Barnea para magmanman sa lupain. Muli akong nagdala nang isang ulat sa kaniya na parang ito ay nasa puso ko para gawin.
8 My brothers, however, who went up with me, made the heart of the people like water: but I was true to the Lord with all my heart.
Pero ang aking mga kapatid ay sumama sa akin na nagawang matakot ang puso ng bayan. Pero lubos akong sumunod kay Yahweh na aking Diyos.
9 And on that day Moses took an oath, saying, Truly the land where your feet have been placed will become a heritage for you and your children for ever, because you have been true to the Lord your God with all your heart.
Sumumpa si Moises sa araw na iyon na sinasabing, 'Tiyak na ang lupang nilakaran mo ay magiging isang pamana para sa iyo at para sa iyong mga anak magpakailanman, dahil lubos kang sumunod kay Yahweh na aking Diyos.'
10 And now, as you see, the Lord has kept me safe these forty-five years, from the time when the Lord said this to Moses, while Israel was wandering in the waste land: and now I am eighty-five years old.
Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako.
11 And still, I am as strong today as I was when Moses sent me out: as my strength was then, so is it now, for war and for all the business of life.
Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises. Ang lakas ko ngayon ay katulad ng lakas ko noon, para sa digmaan at para sa pag-alis at sa pagdating.
12 So now, give me this hill-country named by the Lord at that time; for you had an account of it then, how the Anakim were there, and great walled towns: it may be that the Lord will be with me, and I will be able to take their land, as the Lord said.
Kaya ngayon ibigay mo sa akin ang maburol na bansang ito, na ipinangako sa akin ni Yahweh ng araw na iyon. Dahil narinig mo sa araw na iyon ang Anakim ay mayroong malalaking pinagtibay na mga lungsod. Maaaring si Yahweh ay magiging kasama ko at paalisin ko sila, gaya nang sinabi ni Yahweh.”
13 And Joshua gave him his blessing; and he gave Hebron to Caleb, the son of Jephunneh, for his heritage.
Pagkatapos pinagpala siya ni Josue at ibinigay ang Hebron bilang isang pamana kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne.
14 So Hebron became the heritage of Caleb, the son of Jephunneh the Kenizzite, to this day, because with all his heart he was true to the Lord, the God of Israel.
Kaya naging pamana ang Hebron kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne na Cenezeo hanggang sa araw na ito, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
15 In earlier times the name of Hebron had been Kiriath-arba, named after Arba, the greatest of the Anakim. And the land had rest from war.
Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan.

< Joshua 14 >