< Isaiah 34 >

1 Come near, you nations, and give ear; take note, you peoples: let the earth and everything in it give ear; the world and all those living in it.
Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito.
2 For the Lord is angry with all the nations, and his wrath is burning against all their armies: he has put them to the curse, he has given them to destruction.
Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan.
3 Their dead bodies will be thick on the face of the earth, and their smell will come up, and the mountains will be flowing with their blood, and all the hills will come to nothing.
Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.
4 And the heavens will be rolled together like the roll of a book: and all their army will be gone, like a dead leaf from the vine, or a dry fruit from the fig-tree.
At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
5 For my sword in heaven is full of wrath: see, it is coming down on Edom, in punishment on the people of my curse.
Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.
6 The sword of the Lord is full of blood, it is fat with the best of the meat, with the blood of lambs and goats, with the best parts of the sheep: for the Lord has a feast in Bozrah, and much cattle will be put to death in the land of Edom.
Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
7 And the strong oxen will go down to death together with the smaller cattle.
At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
8 For it is the day of the Lord's punishment, when he gives payment for the wrongs done to Zion.
Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 And its streams will be turned into boiling oil, and its dust into burning stone, and all the land will be on fire.
At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
10 It will not be put out day or night; its smoke will go up for ever: it will be waste from generation to generation; no one will go through it for ever.
Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.
11 But the birds of the waste land will have their place there; it will be a heritage for the bittern and the raven: and it will be measured out with line and weight as a waste land.
Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao.
12 The jackals will be there, and her great ones will be gone; they will say, There is no longer a kingdom there, and all her chiefs will have come to an end.
Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala.
13 And thorns will come up in her fair houses, and waste plants in her strong towers: and foxes will make their holes there, and it will be a meeting-place for ostriches.
At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, looban ng mga avestruz.
14 And the beasts of the waste places will come together with the jackals, and the evil spirits will be crying to one another, even the night-spirit will come and make her resting-place there.
At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan.
15 The arrowsnake will make her hole and put her eggs there, and get her young together under her shade: there the hawks will come together by twos.
Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.
16 See what is recorded in the book of the Lord: all these will be there, not one without the other: the mouth of the Lord has given the order, and his spirit has made them come together.
Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
17 And he has given them their heritage, and by his hand it has been measured out to them: it will be theirs for ever, their resting-place from generation to generation.
At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon.

< Isaiah 34 >