< Isaiah 25 >

1 O Lord, you are my God; I will give praise to you, I will give honour to your name; for you have done great acts of power; your purposes in the past have been made true and certain in effect.
Yahweh, ikaw ang aking Diyos; dadakilain kita, pupurihin ko ang pangalan mo; dahil gumawa ka ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na matagal mo nang binalak, sa ganap na katapatan.
2 For you have made a town a waste place: a strong town a mass of broken walls; the tower of the men of pride has come to an end; it will never be put up again.
Dahil ginawa mong isang tambakan ang lungsod, isang pinatibay na lungsod, isang guho at ang isang tanggulan ng mga dayuhan na maging walang lungsod.
3 For this cause will the strong people give glory to you, the town of the cruel ones will be in fear of you.
Kaya ang malalakas na tao ay luluwalhatiin ka; matatakot ang lungsod ng mga walang-awang bansa.
4 For you have been a strong place for the poor and the crushed in their trouble, a safe place from the storm, a shade from the heat, when the wrath of the cruel ones is like a winter storm.
Dahil ikaw ay proteksyon sa mahirap, isang tagabantay para sa mga nangangailangan na nasa pagkabalisa, isang silungan mula sa bagyo, isang lilim mula sa init, kapag ang ihip ng isang walang awa ay tulad ng isang bagyo na laban sa pader.
5 As heat by the shade of a cloud, the noise of the men of pride has been made quiet by you; as heat by the shade of a cloud, the song of the cruel ones has been stopped.
Gaya ng init sa tagtuyo, patatahimikin mo ang ingay ng mga dayuhan; gaya ng init sa lilim ng ulap, ang awit ng walang-awa ay ibababa.
6 And in this mountain will the Lord of armies make for all peoples a feast of good things, a feast of wines long stored, of good things sweet to the taste, of wines long kept and tested.
Sa bundok na ito maghahanda si Yahweh ng mga hukbo para sa lahat ng mga tao ng isang pista ng matatabang bagay, ng mga piling alak, ng malalambot na karne, isang pista ng mga pinakamainam na alak.
7 And in this mountain he will put an end to the shade covering the face of all peoples, and the veil which is stretched over all nations.
Sisirain niya sa bundok na ito ang tumatakip sa lahat ng mamayan, ang bahay na hinabi sa lahat ng mga bansa.
8 He has put an end to death for ever; and the Lord God will take away all weeping; and he will put an end to the shame of his people in all the earth: for the Lord has said it.
Lulunukin niya ang kamatayan habang buhay, at ang Panginoong Yahweh ay pupunasan ang mga luha mula sa lahat ng mga mukha; ang mga kahihiyan ng kaniyang bayan ay aalisin niya sa mundo, dahil sinabi na ito ni Yahweh.
9 And in that day it will be said, See, this is our God; we have been waiting for him, and he will be our saviour: this is the Lord in whom is our hope; we will be glad and have delight in his salvation.
Sasabihin ito sa araw na iyon. Masdan, ito ang ating Diyos, hinintay natin siya at ililigtas niya tayo. Ito si Yahweh; Naghintay tayo para sa kaniya, magagalak tayo at magdidiwang sa kaniyang kaligtasan.”
10 For in this mountain will the hand of the Lord come to rest, and Moab will be crushed down in his place, even as the dry stems of the grain are crushed under foot in the waste place.
Dahil dito sa bundok na ito mamamalagi ang kamay ni Yahweh; at tatapakan ang Moab sa kaniyang lugar, kahit na ang dayami na yinapakan sa isang pataba na puno ng dumi.
11 And if he puts out his hands, like a man stretching out his hands in swimming, the Lord will make low his pride, however expert his designs.
Iuunat nila ang kanilang mga kamay sa gitna nito; gaya ng manlalangoy na inuunat ang kaniyang kamay para lumangoy; pero ibababa ni Yahweh ang kanilang kayabangan kahit na nagpupumiglas ang kanilang mga kamay.
12 And the strong tower of your walls has been broken by him, made low, and crushed even to the dust.
Ang iyong mataas na kuta ng pader ay ibaba niya sa lupa, sa alikabok.

< Isaiah 25 >