< Genesis 33 >

1 Then Jacob, lifting up his eyes, saw Esau coming with his four hundred men. So he made a division of the children between Leah and Rachel and the two women-servants.
Tumingala si Jacob at masdan, paparating si Esau, at kasama niya ang apatnaraang lalaki. Hinati ni Jacob ang mga bata kina Lea, Raquel at sa dalawang babaeng alipin.
2 He put the servants and their children in front, Leah and her children after them, and Rachel and Joseph at the back.
Pagkatapos inilagay niya ang mga babaeng alipin at ang kanilang mga anak sa harapan, kasunod si Lea at ang kanyang mga anak, at kasunod si Raquel at si Jose ang pinakahuli sa lahat.
3 And he himself, going before them, went down on his face to the earth seven times till he came near his brother.
Siya mismo ang nauna sa kanila. Yumukod siya ng pitong beses, hanggang makalapit siya sa kanyang kapatid.
4 Then Esau came running up to him, and folding him in his arms, gave him a kiss: and the two of them were overcome with weeping.
Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap siya, niyapos ang kanyang leeg, at hinalikan siya. Pagkatapos sila'y nag-iyakan.
5 Then Esau, lifting up his eyes, saw the women and the children, and said, Who are these with you? And he said, The children whom God in his mercy has given to your servant.
Nang tumingala si Esau, nakita niya ang mga babae at mga bata. Sinabi niya, “Sino itong mga taong kasama mo?” Sinabi ni Jacob, “Ang mga anak na malugod na ipinagkaloob ng Diyos sa iyong lingkod.”
6 Then the servants and their children came near, and went down on their faces.
Pagkatapos ang mga babaeng alipin ay lumapit kasama ang kanilang mga anak, at sila'y yumukod.
7 And Leah came near with her children, and then Joseph and Rachel, and they did the same.
Sunod na lumapit si Lea at ang kanyang mga anak at yumukod. Sa huli, si Jose at si Raquel ay lumapit at yumukod.
8 And he said, What were all those herds which I saw on the way? And Jacob said, They were an offering so that I might have grace in my lord's eyes.
Sinabi ni Esau, “Anong ibig mong sabihin sa lahat ng mga pangkat na nasalubong ko?” Sinabi ni Jacob, “Upang makasumpong ako ng pabor sa paningin ng aking panginoon.”
9 But Esau said, I have enough; keep what is yours, my brother, for yourself.
Sinabi ni Esau, “Mayroon na akong sapat, kapatid ko. Itago mo na kung ano ang mayroon ka para sa iyong sarili.”
10 And Jacob said, Not so; but if I have grace in your eyes, take them as a sign of my love, for I have seen your face as one may see the face of God, and you have been pleased with me.
Sinabi ni Jacob, “Hindi, pakiusap, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, sa gayon tanggapin mo ang aking regalo mula sa aking kamay, dahil tunay, nakita ko ang iyong mukha at kahalintulad nito ang pagkakita sa mukha ng Diyos, at tinanggap mo ako.
11 Take my offering then, with my blessing; for God has been very good to me and I have enough: so at his strong request, he took it.
Pakiusap tanggapin mo ang aking mga regalong dinala ko sa iyo, dahil malugod akong pinakitunguhan ng Diyos, at dahil mayroon na akong sapat.” Kaya pinilit siya ni Jacob, at tinanggap naman ito ni Esau.
12 And he said, Let us go on our journey together, and I will go in front.
Pagkatapos sinabi ni Esau, “Lumakad na tayo. Mauuna ako sa inyo.”
13 But Jacob said, My lord may see that the children are only small, and there are young ones in my flocks and herds: one day's over-driving will be the destruction of all the flock.
Sinabi ni Jacob sa kanya, “Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay musmos pa lang, at ang mga tupa at mga baka ay nagpapasuso ng kanilang mga anak. Kung sila'y pipiliting maglakad ng mabilis kahit isang araw lang, ang lahat ng mga hayop ay mamamatay.”
14 Do you, my lord, go on before your servant; I will come on slowly, at the rate at which the cattle and the children are able to go, till I come to my lord at Seir.
Pakiusap ko mauna na ang aking panginoon sa kanyang lingkod. Maglalakbay ako ng mabagal, ayon sa hakbang ng aking mga alagang hayop na nasa harapan ko, at ayon sa hakbang ng mga bata, hanggang makarating ako sa aking panginoon sa Seir.”
15 And Esau said, Then keep some of my men with you. And he said, What need is there for that, if my lord is pleased with me?
Sinabi ni Esau, “Hayaan mong ipaiwan ko sa iyo ang ilan sa mga kasama kong tauhan.” Subalit sinabi ni Jacob, “Bakit mo gagawin iyan? Ang aking panginoon ay naging mabait nang sa akin.”
16 So Esau, turning back that day, went on his way to Seir.
Kaya sa araw na iyon nagsimula si Esau na bumalik sa Seir.
17 And Jacob went on to Succoth, where he made a house for himself and put up tents for his cattle: for this reason the place was named Succoth.
Naglakbay si Jacob papuntang Sucot, iginawa ang kanyang sarili ng bahay, at gumawa ng mga silungan para sa kanyang mga alagang hayop. Kaya tinawag ang pangalan ng lugar na Sucot.
18 So Jacob came safely from Paddan-aram to the town of Shechem in the land of Canaan, and put up his tents near the town.
Nang dumating si Jacob mula sa Paddan Aram, ligtas siyang nakarating sa lungsod ng Sechem, na nasa lupain ng Canaan. Nagkampo siya malapit sa lungsod.
19 And for a hundred bits of money he got from the children of Hamor, the builder of Shechem, the field in which he had put up his tents.
Pagkatapos binili niya ang kapirasong lupa kung saan niya itinayo ang kanyang tolda mula sa mga anak na lalaki ni Hamor, na ama ni Sechem, sa halagang isandaang piraso ng pilak.
20 And there he put up an altar, naming it El, the God of Israel.
Nagtayo siya roon ng altar at tinawag itong El Elohe Israel.

< Genesis 33 >