< Ezekiel 4 >
1 And you, son of man, take a back and put it before you and on it make a picture of a town, even Jerusalem.
Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga'y ng Jerusalem.
2 And make an attack on it, shutting it in, building strong places against it, and making high an earthwork against it; and put up tents against it, placing engines all round it for smashing down its walls.
At kubkubin mo, at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot.
3 And take a flat iron plate, and put it for a wall of iron between you and the town: and let your face be turned to it, and it will be shut in and you will make an attack on it. This will be a sign to the children of Israel.
At magdala ka ng kawaling bakal, at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan: at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon, at makukubkob, at iyong kukubkubin. Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel.
4 Then, stretching yourself out on your left side, take the sin of the children of Israel on yourself: for as long as you are stretched out, so long will the sin of the children of Israel be on you.
Bukod dito'y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon, magdadanas ka ng kanilang kasamaan.
5 For I have had the years of their sin measured for you by a number of days, even three hundred and ninety days: and you will take on yourself the sin of the children of Israel.
Sapagka't aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo'y isang bilang ng mga araw, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw: gayon mo dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel.
6 And when these days are ended, turning on your right side, you are to take on yourself the sin of the children of Judah: forty days, a day for a year, I have had it fixed for you.
At muli, pagka iyong natapos ang mga ito, ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan, at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda; apat na pung araw, bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo.
7 And let your face be turned to where Jerusalem is shut in, with your arm uncovered, and be a prophet against it.
At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas; at ikaw ay manghuhula laban doon.
8 And see, I will put bands on you; and you will be stretched out without turning from one side to the other till the days of your attack are ended.
At, narito, ipinaglalagay kita ng lubid, at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila, hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob.
9 And take for yourself wheat and barley and different sorts of grain, and put them in one vessel and make bread for yourself from them; all the days when you are stretched on your side it will be your food.
Magdala ka rin ng trigo, at ng cebada, at ng habas, at ng lentejas, at ng mijo, at ng espelta, at ilagay mo sa isang sisidlan, at gawin mong tinapay; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw, iyong kakanin yaon.
10 And you are to take your food by weight, twenty shekels a day: you are to take it at regular times.
At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang, dalawang pung siklo isang araw: araw-araw ay iyong kakanin.
11 And you are to take water by measure, the sixth part of a hin: you are to take it at regular times.
At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal, na ikaanim na bahagi ng isang hin: araw-araw ikaw ay iinom.
12 And let your food be barley cakes, cooking it before their eyes with the waste which comes out of a man.
At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada, at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin.
13 And the Lord said, Even so the children of Israel will have unclean bread for their food among the nations where I am driving them.
At sinabi ng Panginoon, Ganito kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay, sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila.
14 Then I said, Ah, Lord! see, my soul has never been unclean, and I have never taken as my food anything which has come to a natural death or has been broken by beasts, from the time when I was young even till now; no disgusting flesh has ever come into my mouth.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.
15 Then he said to me, See, I have given you cow's waste in place of man's waste, and you will make your bread ready on it.
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo'y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao, at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon.
16 And he said to me, Son of man, see, I will take away from Jerusalem her necessary bread: they will take their bread by weight and with care, measuring out their drinking-water with fear and wonder:
Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, narito, aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem: at sila'y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang, at may pagkatakot; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal, at manglulupaypay:
17 So that they may be in need of bread and water and be wondering at one another, wasting away in their sin.
Upang sila'y mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan.