< Ezekiel 27 >
1 The word of the Lord came to me again, saying,
Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:
2 And you, son of man, make a song of grief for Tyre;
At ikaw, anak ng tao, panaghuyan mo ang Tiro;
3 And say to Tyre, O you who are seated at the doorway of the sea, trading for the peoples with the great sea-lands, these are the words of the Lord: You, O Tyre, have said, I am a ship completely beautiful.
At sabihin mo sa Tiro, Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat, na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw, Oh Tiro, nagsabi, Ako'y sakdal sa kagandahan.
4 Your builders have made your outlines in the heart of the seas, they have made you completely beautiful.
Ang iyong mga hangganan ay nangasa kalaliman ng mga dagat, ang nagsipagtayo sa iyo ay nangagpasakdal ng iyong kagandahan.
5 They have made all your boards of fir-trees from Senir: they have taken cedars from Lebanon to make the supports for your sails.
Ang ginawa nilang makakapal mong tabla ay mga puno ng abeto na mula sa Senir: sila'y nagsikuha ng cedro mula sa Libano, upang gawing palo ng sasakyan mo.
6 Of oak-trees from Bashan they have made your driving blades; they have made your floors of ivory and boxwood from the sea-lands of Kittim.
Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim.
7 The best linen with needlework from Egypt was your sail, stretched out to be a flag for you; blue and purple from the sea-lands of Elishah gave you shade.
Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang watawat; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong.
8 The people of Zidon and Arvad were your boatmen; the wise men of Zemer were in you; they were guiding your ships;
Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan: ang iyong mga pantas, Oh Tiro, ay nangasa iyo, sila ang iyong mga tagaugit.
9 The responsible men of Gebal and its wise men were in you, making your boards watertight: all the ships of the sea with their seamen were in you trading in your goods.
Ang mga matanda sa Gebal at ang mga pantas niyao'y pawang tagapagpasak mo: ang lahat na sasakyan sa dagat sangpu ng mga tao ng mga yaon ay nangasa iyo upang pangasiwaan ang iyong kalakal.
10 Cush and Lud and Put were in your army, your men of war, hanging up their body-covers and head-dresses of war in you: they gave you your glory.
Ang Persia, ang Lud, at ang Phut ay nangasa iyong hukbo, na iyong mga lalaking mangdidigma: kanilang ibinitin ang kalasag at ang turbante sa iyo; nagpapaganda sa iyo.
11 The men of Arvad in your army were on your walls, and were watchmen in your towers, hanging up their arms on your walls round about; they made you completely beautiful.
Ang mga lalake sa Arvad na kasama ng iyong hukbo ay nangasa ibabaw ng iyong mga kuta sa palibot, at ang mga matatapang ay nasa iyong mga moog; kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan.
12 Tarshish did business with you because of the great amount of your wealth; they gave silver, iron, tin, and lead for your goods.
Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan; na ang pilak, bakal, lata, at tingga, ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal.
13 Javan, Tubal, and Meshech were your traders; they gave living men and brass vessels for your goods.
Ang Javan, ang Tubal, at ang Mesec, mga mangangalakal mo: kanilang kinakalakal ang mga tao at ang mga sisidlang tanso na ipinapalit nila sa iyong mga kalakal.
14 The people of Togarmah gave horses and war-horses and transport beasts for your goods.
Ang sangbahayan ni Togarma ay nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga kabayo at ng mga kabayong pangdigma at ng mga mula.
15 The men of Rodan were your traders: a great number of sea-lands did business with you: they gave you horns of ivory and ebony as an offering.
Ang mga tao sa Dedan ay iyong mangangalakal: maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay: kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano.
16 Edom did business with you because of the great number of things which you made; they gave emeralds, purple, and needlework, and the best linen and coral and rubies for your goods.
Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda, kulay ube, at yaring may burda, at manipis na kayong lino, at gasang at mga rubi.
17 Judah and the land of Israel were your traders; they gave grain of Minnith and sweet cakes and honey and oil and perfume for your goods.
Naging mga mangangalakal mo ang Juda, at ang lupain ng Israel: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo ng Minith, at ng pannag, at ng pulot, at ng langis, at ng balsamo.
18 Damascus did business with you because of the great amount of your wealth, with wine of Helbon and white wool.
Mangangalakal mo ang Damasko dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay, dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan, sangpu ng alak sa Helbon, at maputing lana.
19 ... for your goods: they gave polished iron and spices for your goods.
Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana: ang makinang na bakal, ang kasia, at ang kalamo, ay ilan sa iyong mga kalakal.
20 Dedan did trade with you in cloths for the backs of horses.
Naging iyong mangangalakal ang Dedan sa mga mahalagang kayo na ukol sa pangangabayo.
21 Arabia and all the rulers of Kedar did business with you; in lambs and sheep and goats, in these they did business with you.
Ang Arabia, at lahat na prinsipe sa Cedar, mga naging mangangalakal ng iyong kamay; sa mga cordero, at mga lalaking tupa, at mga kambing, sa mga ito'y naging mga mangangalakal mo sila.
22 The traders of Sheba and Raamah did trade with you; they gave the best of all sorts of spices and all sorts of stones of great price and gold for your goods.
Ang mga mangangalakal sa Seba at sa Raama, mga naging mangangalakal mo; kanilang ipinapalit sa iyong mga kalakal ang mga pinakamainam na especia, at lahat na mahalagang bato, at ang ginto.
23 Haran and Canneh and Eden, the traders of Asshur and all the Medes:
Ang Haran at ang Canneh at ang Eden, na mga mangangalakal sa Seba, ang Assur at ang Chilmad ay naging mga mangangalakal mo.
24 These were your traders in beautiful robes, in rolls of blue and needlework, and in chests of coloured cloth, corded with cords and made of cedar-wood, in them they did trade with you.
Ang mga ito ang iyong mga mangangalakal sa mga piling kalakal sa mga balutan ng mga yaring asul at may burda, at sa mga baul na may mainam na hiyas, natatalian ng mga sintas, at yaring cedro, na ilan sa iyong mga kalakal.
25 Tarshish ships did business for you in your goods: and you were made full, and great was your glory in the heart of the seas.
Ang mga sasakyan sa Tarsis ay iyong mga pulutong sa iyong kalakal: at ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati sa kalagitnaan ng mga dagat.
26 Your boatmen have taken you into great waters: you have been broken by the east wind in the heart of the seas.
Dinala ka ng iyong mga manggagaod sa malawak na dagat: binagbag ka ng hanging silanganan sa kalagitnaan ng dagat.
27 Your wealth and your goods, the things in which you do trade, your seamen and those guiding your ships, those who make your boards watertight, and those who do business with your goods, and all your men of war who are in you, with all who have come together in you, will go down into the heart of the seas in the day of your downfall.
Ang iyong kayamanan, at ang iyong mga kalakal, ang iyong tinda, at ang iyong mga manggagaod, at ang iyong mga tagaugit, ang iyong mga tagapagpasak, at ang nagsisipamahala ng iyong mga kalakal, at ang lahat mong lalaking mangdidigma na nangasa iyo, sangpu ng iyong lahat na pulutong na nangasa gitna mo, mangalulubog sa kalagitnaan ng dagat sa kaarawan ng iyong pagkasira.
28 At the sound of the cry of your ships' guides, the boards of the ship will be shaking.
Sa lakas ng hiyaw ng iyong mga tagaugit, ang mga nayon ay mangayayanig.
29 And all the boatmen, the seamen and those who are expert at guiding a ship through the sea, will come down from their ships and take their places on the land;
At lahat na nagsisihawak ng gaod, ang mga tao sa sasakyan, at lahat ng tagaugit sa dagat, ay magsisibaba sa kanilang mga sasakyan; sila'y magsisitayo sa ibabaw ng lupain,
30 And their voices will be sounding over you, and crying bitterly they will put dust on their heads, rolling themselves in the dust:
At iparirinig ang kanilang tinig sa iyo, at hihiyaw ng kalagimlagim, at mangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, sila'y magsisigumon sa mga abo:
31 And they will have the hair of their heads cut off because of you, and will put haircloth on their bodies, weeping for you with bitter grief in their souls, even with bitter sorrow.
At mangagpapakakalbo dahil sa iyo, at mangagbibigkis ng kayong magaspang, at kanilang iiyakan ka ng kapanglawpanglaw sa kalooban, na may mapanglaw na pananangis.
32 And in their weeping they will make a song of grief for you, sorrowing over you and saying, Who is like Tyre, who has come to an end in the deep sea?
At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila, at tatangisan ka, na sasabihin, Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat?
33 When your goods went out over the seas, you made numbers of peoples full; the wealth of the kings of the earth was increased with your great wealth and all your goods.
Pagka ang iyong mga kalakal ay inilalabas sa mga dagat, iyong binubusog ang maraming bayan; iyong pinayaman ang mga hari sa lupa ng karamihan ng iyong mga kayamanan at ng iyong mga kalakal.
34 Now that you are broken by the seas in the deep waters, your goods and all your people will go down with you.
Sa panahon na ikaw ay bagbag sa tabi ng mga dagat sa kalaliman ng tubig, ang iyong kalakal at ang iyong buong pulutong ay lumubog sa gitna mo.
35 All the people of the sea-lands are overcome with wonder at you, and their kings are full of fear, their faces are troubled.
Lahat ng mananahan sa mga pulo ay nangatitigilan dahil sa iyo, at ang kanilang mga hari ay nangatakot ng di kawasa, sila'y nangamanglaw sa kanilang mukha.
36 Those who do business among the peoples make sounds of surprise at you; you have become a thing of fear, you have come to an end for ever.
Pinagsutsutan ka ng mga mangangalakal sa gitna ng mga bayan; ikaw ay naging kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay pa.