< 1 Samuel 26 >
1 And the Ziphites came to Saul at Gibeah, and said, Is not David waiting secretly near us in the hill of Hachilah, before the waste land?
At naparoon ang mga Zipheo kay Saul sa Gabaa, na nagsasabi, Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hachila, sa tapat ng ilang?
2 Then Saul went down to the waste land of Ziph, taking with him three thousand of the best men of Israel, to make search for David in the waste land of Ziph.
Nang magkagayo'y bumangon si Saul at lumusong sa ilang ng Ziph, na may tatlong libong piling lalake sa Israel na kasama niya upang hanapin si David sa ilang ng Ziph.
3 And Saul put up his tents on the hill of Hachilah, which is in front of the waste land on the road. But David was in the waste land, and he saw that Saul was coming after him.
At humantong si Saul sa burol ng Hachila na nasa tapat ng ilang sa tabi ng daan. Nguni't si David ay tumahan sa ilang, at kaniyang nakita na sinusundan siya ni Saul sa ilang.
4 And so David sent out watchers, and got word from them that Saul was certainly coming.
Nagsugo nga si David ng mga tiktik, at nalaman na tunay na dumarating si Saul.
5 And David got up and came to the place where Saul's tents were: and David had a view of the place where Saul was sleeping with Abner, the son of Ner, the captain of his army: and Saul was sleeping inside the ring of carts, and the tents of the people were all round him.
At si David ay bumangon at naparoon sa dakong kinahahantungan ni Saul: at nakita ni David ang dakong kinaroroonan ni Saul at ni Abner na anak ni Ner, na kapitan ng kaniyang hukbo: at si Saul ay nakahiga sa dako ng mga karo, at ang bayan ay humantong sa palibot niya.
6 Then David said to Ahimelech the Hittite, and to Abishai, the son of Zeruiah, brother of Joab, Who will go down with me to the tents of Saul? And Abishai said, I will go down with you.
Nang magkagayo'y sumagot si David, at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo, at kay Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, na nagsasabi, Sinong lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento? At sinabi ni Abisai, Ako'y lulusong na kasama mo.
7 So David and Abishai came down to the army by night: and Saul was sleeping inside the ring of carts with his spear planted in the earth by his head: and Abner and the people were sleeping round him.
Sa gayo'y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan: at, narito, si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa sa kaniyang ulunan: at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya.
8 Then Abishai said to David, God has given up your hater into your hands today; now let me give him one blow through to the earth with his spear, and there will be no need to give him a second.
Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai kay David, Ibinigay ng Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak, at hindi ko pagmamakalawahin.
9 And David said to Abishai Do not put him to death; for who, without sin, may put out his hand against the man on whom the Lord has put the holy oil?
At sinabi ni David kay Abisai, Huwag mong patayin siya: sapagka't sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala?
10 And David said, By the living Lord, the Lord will send destruction on him; the natural day of his death will come, or he will go into the fight and come to his end.
At sinabi ni David, Buhay ang Panginoon, ang Panginoon ay siyang sasakit sa kaniya; o darating ang kaniyang kaarawan upang mamatay; o siya'y lulusong sa pagbabaka, at mamamatay.
11 Never will my hand be stretched out against the man marked with the holy oil; but take the spear which is by his head and the vessel of water, and let us go.
Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon: nguni't ngayo'y iyong kunin, isinasamo ko sa iyo, ang sibat na nasa kaniyang ulunan, at ang banga ng tubig, at tayo'y yumaon.
12 So David took the spear and the vessel of water from Saul's head; and they got away without any man seeing them, or being conscious of their coming, or awaking; for they were all sleeping because a deep sleep from the Lord had come on them.
Sa gayo'y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul; at sila'y umalis, at walang nakakita, o nakaalam man, o nagising man ang sinoman: sapagka't sila'y pawang mga tulog; sapagka't isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon.
13 Then David went over to the other side, and took his place on the top of a mountain some distance away, with a great space between them;
Nang magkagayo'y dumaan si David sa kabilang dako, at tumayo sa taluktok ng bundok na may kalayuan; na may malaking pagitan sa kanila:
14 And crying out to the people and to Abner, the son of Ner, David said, Have you no answer to give, Abner? Then Abner said, Who is that crying out to the king?
At sumigaw si David sa bayan at kay Abner na anak ni Ner, na nagsabi, Hindi ka sumasagot, Abner? Nang magkagayo'y sumagot si Abner at nagsabi, Sino kang sumisigaw sa hari?
15 And David said to Abner, Are you not a man of war? is there any other like you in Israel? why then have you not kept watch over your lord the king? for one of the people came in to put the king your lord to death.
At sinabi ni David kay Abner, Hindi ka ba matapang na lalake? at sinong gaya mo sa Israel? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari? sapagka't pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon.
16 What you have done is not good. By the living Lord, death is the right fate for you, because you have not kept watch over your lord, the man on whom the Lord has put the holy oil. Now see, where is the king's spear, and the vessel of water which was by his head?
Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti. Buhay ang Panginoon, kayo'y marapat na mamatay, sapagka't hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon, ang pinahiran ng langis ng Panginoon. At ngayo'y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kaniyang ulunan.
17 And Saul, conscious that the voice was David's, said, Is that your voice, David, my son? And David said, It is my voice, O my lord king.
At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? At sinabi ni David, Aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari.
18 And he said, Why does my lord go armed against his servant? what have I done? or what evil is there in me?
At kaniyang sinabi, Bakit hinahabol ng aking panginoon ang kaniyang lingkod? sapagka't anong aking ginawa? o anong kasamaan ang nasa aking kamay?
19 Let my lord the king give ear now to the words of his servant. If it is the Lord who is moving you against me, let him take an offering: but if it is the children of men, may they be cursed before the Lord, for driving me out today and keeping me from my place in the heritage of the Lord, saying, Go, be the servant of other gods.
Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kaniyang lingkod. Kung ang Panginoon ay siyang nagudyok sa iyo laban sa akin, ay tumanggap siya ng isang handog: nguni't kung ang mga anak ng tao, sumpain sila sa harap ng Panginoon; sapagka't sila'y nagpalayas sa akin sa araw na ito upang huwag akong magkaroon ng bahagi ng mana sa Panginoon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, maglingkod ka sa ibang mga dios.
20 Then do not let my blood be drained out on the earth away from the face of the Lord: for the king of Israel has come out to take my life, like one going after birds in the mountains.
Ngayon nga'y huwag ibubo ang aking dugo sa lupa sa harap ng Panginoon; sapagka't lumabas ang hari sa Israel upang humanap ng isang kuto, gaya ng isang humahabol ng isang pugo sa mga bundok.
21 Then Saul said, I have done wrong: come back to me, David my son: I will do you no more wrong, because my life was dear to you today truly, I have been foolish and my error is very great.
Nang magkagayo'y sinabi ni Saul, Ako'y nagkasala: bumalik ka, anak kong David: sapagka't hindi na ako gagawa ng masama sa iyo, sapagka't ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito: narito, ako'y nagpakamangmang, at ako'y nagkamali ng di kawasa.
22 Then David said, Here is the king's spear! let one of the young men come over and get it.
At sumagot si David at nagsabi, Tingnan mo ang sibat, Oh hari! paparituhin mo ang isa sa mga bataan at kunin.
23 And the Lord will give to every man the reward of his righteousness and his faith: because the Lord gave you into my hands today, and I would not put out my hand against the man who has been marked with the holy oil.
At gagantihin ng Panginoon ang bawa't tao sa kaniyang katuwiran at sa kaniyang pagtatapat: sapagka't ibinigay ka ng Panginoon sa aking kamay ngayon, at hindi ko iniunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon.
24 And so, as your life was dear to me today, may my life be dear to the Lord, and may he make me free from all my troubles.
At, narito, kung paanong ang iyong buhay ay mahalagang mainam sa aking paningin sa araw na ito, ay maging gayon nawang mahalagang mainam ang aking buhay sa paningin ng Panginoon, at iligtas niya nawa ako sa madlang kapighatian.
25 Then Saul said to David, May a blessing be on you, David, my son; you will do great things and without doubt you will overcome. Then David went on his way, and Saul went back to his place.
Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay David, Pagpalain ka, anak kong David: ikaw ay gagawa na makapangyarihan, at tunay na ikaw ay mananaig. Sa gayo'y nagpatuloy si David ng kaniyang lakad, at si Saul ay bumalik sa kaniyang dako.