< 1 Samuel 14 >
1 Now one day Jonathan, the son of Saul, said to the young man who was with him, looking after his arms, Come, let us go over to the Philistine force over there. But he said nothing to his father.
Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, pumunta tayo sa kuta ng mga Filisteo sa kabilang panig.” Subalit hindi niya sinabihan ang kanyang ama.
2 And Saul was still waiting in the farthest part of Geba, under the fruit-tree in Migron: there were about six hundred men with him;
Nanatili si Saul sa dakong labas ng bayan ng Gibea sa ilalim ng punong granada na nasa Migron. Mga anim na raang kalalakihan ang kasama niya,
3 And Ahijah, the son of Ahitub, brother of Ichabod, the son of Phinehas, the son of Eli, the priest of the Lord in Shiloh, who had the ephod. And the people had no idea that Jonathan had gone.
kasama si Ahias anak na lalaki ni Ahitob (kapatid na lalaki ni Icabod) anak na lalaki ni Pinehas na anak na lalaki ni Eli, ang pari ni Yahweh sa Shilo, na nakasuot ng isang epod. Hindi alam ng mga tao na nawala si Jonatan.
4 Now between the narrow roads over the mountains by which Jonathan was making his way to the Philistines' forces, there was a sharp overhanging rock on one side, and a sharp rock on the other side: one was named Bozez and the other Seneh.
Sa pagitan ng mga lagusan, na nilalayon ni Jonatan na tawirin papunta sa kuta ng mga Filisteo, may isang mabatong talampas sa isang bahagi, at isang mabatong talampas sa isa pang bahagi. Ang pangalan ng isang talampas ay Bozez, at ang pangalan ng isa pa ay Sene.
5 The one rock went up on the north in front of Michmash and the other on the south in front of Geba.
Ang isang matarik na talampas ay pumaitaas sa hilaga sa harap ng Micmas, at ang isa sa timog sa harap ng Geba.
6 And Jonathan said to his young servant who had his arms, Come, let us go over to the armies of these men who have no circumcision: it may be that the Lord will give us help, for there is no limit to his power; the Lord is able to give salvation by a great army or by a small band.
Sinabi ni Jonatan sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, tumawid tayo papunta sa kuta nitong mga taong di tuli. Maaring kumilos si Yahweh sa ngalan natin, sapagkat walang makakapigil kay Yahweh mula sa pagligtas sa pamamagitan ng marami o kaunting tao.”
7 And his servant said to him, Do whatever is in your mind: see, I am with you in every impulse of your heart.
Sumagot ang kanyang tagapagdala ng baluti, “Gawin mo ang lahat ng bagay na nasa puso mo. Sige, tingnan mo, kasama mo ako upang sundin ang lahat ng mga iniutos mo.”
8 Then Jonathan said, Now we will go over to these men and let them see us.
Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Tatawid tayo papunta sa mga kalalakihan, at ilalantad natin ang ating mga sarili sa kanila.
9 If they say to us, Keep quiet where you are till we come to you; then we will keep our places and not go up to them.
Kapag sasabihin nila sa atin, “Maghintay kayo diyan hanggang sa dumating kami sa inyo'—kung gayon mananatili tayo sa ating lugar at hindi tatawid papunta sa kanila.
10 But if they say, Come up to us; then we will go up, for the Lord has given them into our hands: and this will be the sign to us.
Subalit kung sasagot sila, 'Pumunta kayo dito sa amin,' kung gayon tatawid tayo; dahil ibinigay sila ni Yahweh sa atin. Ito ang magiging tanda sa atin.”
11 And they let the Philistine force see the two of them: and the Philistines said, Look! the Hebrews are coming out of the holes where they have taken cover.
Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, “Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago.”
12 And the armed men of the force gave Jonathan and his servant their answer, saying, Come up here to us, and we will let you see something. Then Jonathan said to his servant, Come up after me: for the Lord has given them up into the hands of Israel.
Pagkatapos tumawag ang kalalakihan ng kampo kina Jonatan at sa kanyang tagapagdala ng baluti, at sinabi, “Umakyat kayo dito sa amin, at papakitaan namin kayo ng isang bagay.” Sinabi ni Jonatan sa kanyang tagapagdala ng baluti, “Sumunod ka sa akin, dahil ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng Israel.”
13 And Jonathan went up, gripping with his hands and his feet, his servant going up after him; and the Philistines gave way before Jonathan when he made an attack on them, and his servant put them to death after him.
Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran.
14 And at their first attack, Jonathan and his servant put to the sword about twenty men, all inside the space of half an acre of land.
Iyan ang unang pagsalakay na ginawa nina Jonatan at kanyang tagapagdala ng baluti, nakapatay ng halos dalawampung kalalakihan sa loob ng halos kalahati ng haba ng isang tudling sa isang ektarya ng lupa.
15 And there was great fear in the tents and in the field and among all the men of the armed force, and the attackers were shaking with fear; even the earth was moved with a great shaking and there was a fear as from God.
May isang kaguluhan sa kampo, sa bukid, at sa mga tao. Kahit na ang kuta at ang mananalakay ay nagkagulo. Lumindol ang mundo, at may isang malawakang kaguluhan.
16 And the watchmen of Saul, looking out from Geba in the land of Benjamin, saw all the army flowing away and running here and there.
Pagkatapos tumingin ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin; ang pangkat ng mga ni Jonatan ay naghiwa-hiwalay, at sila ay nagpaparoon at parito.
17 Then Saul said to the people who were with him, Let everyone be numbered and let us see who has gone from us. And when they had been numbered, it was seen that Jonathan and his servant were not there.
Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga tao na kasama niya, “Magbilang kayo at hanapin ninyo kung sino ang nawawala sa atin.” Nang mabilang nila, si Jonatan at ang kanyang tagapagdala ng baluti ang mga nawawala.
18 And Saul said to Ahijah, Let the ephod come here. For he went before Israel with the ephod at that time.
Sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin ang epod ng Diyos dito”—sapagkat isinuot ni Ahias ang epod nang araw na iyon kasama ng mga sundalo ng Israel.
19 Now while Saul was talking to the priest, the noise in the tents of the Philistines became louder and louder; and Saul said to the priest, Take back your hand.
Habang nagsasalita si Saul sa pari, ang kaguluhan sa kampo ng mga ni Filisteo ay nagpatuloy at lumalawak. Pagkatapos sinabi ni Saul sa pari, “Alisin ang iyong kamay.”
20 And Saul and all the people with him came together and went forward to the fight: and every man's sword was turned against the man at his side, and there was a very great noise.
Nagsama-sama si Saul at lahat ng mga taong kasama niya at pumunta sa labanan. Ang bawat espada ng ni Jonatan ay laban sa kanyang kapwa tao, at nagkaroon ng matinding kalituhan.
21 Then the Hebrews who had been with the Philistines for some time, and had gone up with them to their tents, turning round were joined to those who were with Saul and Jonathan.
Ngayon iyong mga Hebreo na dati ay kasama ng mga ni Filisteo at iyong kasama nila sa kampo, kahit sila ay umanib sa mga Israelita na kasama nila Saul at Jonatan.
22 And all the men of Israel who had taken cover in the hill-country of Ephraim, hearing that the Philistines had been put to flight, went after them, attacking them.
Nang tinago ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang kanilang sarili sa mga burol malapit sa Efraim narinig nila na tumatakas ang mga Filisteo, kahit na hinabol sa nila sila sa labanan.
23 So the Lord made Israel safe that day: and the fight went over to Beth-aven.
Kaya iniligtas ni Yahweh ang Israel nang araw na iyon, at lumagpas ang labanan sa dako ng Beth-aven.
24 And all the people were with Saul, about twenty thousand men, and the fight was general through all the hill-country of Ephraim; but Saul made a great error that day, by putting the people under an oath, saying, Let that man be cursed who takes food before evening comes and I have given punishment to those who are against me. So the people had not a taste of food.
Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
25 And there was honey on the face of the field, and all the people came to the honey, the bees having gone from it;
Pagkatapos pumasok ng kagubatan ang lahat ng mga tao at may mga pulot sa ibabaw ng lupa.
26 But not a man put his hand to his mouth for fear of the curse.
Nang pumasok ang mga tao sa kagubatan, dumaloy ang pulot, subalit wala ni isa ang naglagay ng kanyang kamay sa kanyang bibig dahil kinatakutan ng mga tao ang panunumpa.
27 But Jonathan, having no knowledge of the oath his father had put on the people, stretching out the rod which was in his hand, put the end of it in the honey, and put it to his mouth; then his eyes were made bright.
Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
28 Then one of the people said to him, Your father put the people under an oath, saying, Let that man be cursed who takes any food this day. And the people were feeble, needing food.
Pagkatapos sumagot ang isa sa mga tao, “Mahigpit na binilinan ng iyong ama ang mga tao ng may panunumpa, sa pagsasabing, 'Susumpain ang tao na kakain ng pagkain sa araw na ito,' kahit na mahina na ang mga tao mula sa gutom.”
29 Then Jonathan said, My father has made trouble come on the land: now see how bright my eyes have become because I have taken a little of this honey.
Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Gumawa ang ama ko ng gulo sa lupain. Masdan kung paano lumiwanag ang aking mga mata dahil tumikim ako ng kaunti ng pulot na ito.
30 How much more if the people had freely taken their food from the goods of those who were fighting against them! would there not have been much greater destruction among the Philistines?
Ano pa kaya kung malayang kumain ang mga tao ngayon sa pandarambong mula sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan? Subalit ngayon ang patayan ay hindi matindi sa mga Filisteo.”
31 That day they overcame the Philistines from Michmash to Aijalon: and the people were feeble from need of food.
Sinalakay nila ang mga Filisteo sa araw na iyon mula Micmas hanggang Ahilon. Pagod na pagod ang mga tao.
32 And rushing at the goods taken in the fight, the people took oxen and sheep and young oxen, and put them to death there on the earth, and had a meal, taking the flesh with the blood in it.
Sumugod nang may kasakiman ang mga tao sa pandarambong at kumuha ng mga tupa, mga baka at mga bisiro, at pinatay ang mga ito sa lupa. Kinain ng mga tao ang mga ito kasama ang dugo.
33 Then it was said to Saul, See, the people are sinning against the Lord, taking the blood with the flesh. And he said to those who gave him the news, Now let a great stone be rolled to me here.
Pagkatapos sinabihan nila si Saul, “Tingnan mo, nagkakasala ang mga tao laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain na may dugo.” Sinabi ni Saul, “Kumilos kayo ng hindi tapat. Ngayon, magpagulong kayo ng isang malaking bato dito sa akin.”
34 And Saul said, Go about among the people and say to them, Let every man come here to me with his ox and his sheep, and put them to death here, and take his meal: do no sin against the Lord by taking the blood with the flesh. So all the people took their oxen with them that night and put them to death there.
Sinabi ni Saul, “Pumunta kayo sa mga tao, at sabihan sila, 'Hayaang dalhin ng bawat tao ang kanyang kapong baka at kanyang mga tupa, patayin ang mga ito dito, at kainin. Huwag magkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain kasama ang dugo.'” Kaya dinala ng bawat tao ang kanyang sariling kapong baka kasama niya nang gabing iyon at pinatay ang mga ito roon.
35 And Saul put up an altar to the Lord: this was the first altar which he put up to the Lord.
Gumawa si Saul ng isang altar kay Yahweh, na naging unang altar na ginawa niya kay Yahweh.
36 And Saul said, Let us go down after the Philistines by night, attacking them till the morning, till there is not a man of them living. And they said, Do whatever seems right to you. Then the priest said, Let us come near to God.
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Habulin natin ang mga Filisteo sa gabi at dambungan sila hanggang umaga; huwag tayong magtira ng buhay sa isa sa kanila.” Sumagot sila, “Gawin kung anong sa tingin mo ay mabuti.” Subalit sinabi ng pari, “Lapitan natin ang Diyos dito.”
37 And Saul, desiring directions from God, said, Am I to go down after the Philistines? will you give them up into the hands of Israel? But he gave him no answer that day.
Tinanong ni Saul ang Diyos, “Dapat ko bang habulin ang mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Subalit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon.
38 And Saul said, Come near, all you chiefs of the people, and let us get word from God and see in whom is this sin today.
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Pumarito kayo, lahat kayong mga pinuno ng mga tao; matuto kayo at tingnan kung paano nangyari ang kasalanang ito ngayon.
39 For, by the living Lord, the saviour of Israel, even if the sinner is Jonathan, my son, death will certainly be his fate. But not a man among all the people gave him any answer.
Sapagkat, habang nabubuhay si Yahweh, siyang nagligtas sa Israel, kahit na ito ay si Jonatan na anak kong lalaki, siya ay tiyak na mamamatay.” Subalit wala sa kalalakihan sa mga tao ang sumagot sa kaniya.
40 Then he said to all Israel, You be on one side, and I with Jonathan my son will be on the other side. And the people said to Saul, Do whatever seems good to you.
Pagkatapos sinabi niya sa buong Israel, “Dapat kayong tumayo sa isang panig, at ako at si Jonatan na aking anak ay sa kabila.” Sinabi ng mga tao kay Saul, “Gawin mo kung ano ang mukhang mabuti para sa iyo.”
41 Then Saul said to the Lord, the God of Israel, Why have you not given me an answer today? If the sin is in me or in Jonathan my son, O Lord God of Israel, give Urim, and if it is in your people Israel, give Thummim. And by the decision of the Lord, Saul and Jonathan were marked out, and the people went free.
Kaya nga sinabi ni Saul kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Ipakita ang ginamit sa palabunutan.” Sina Jonatan at Saul ang nakuha sa palabunutan, subalit nakaligtas ang mga tao mula sa pagpili.
42 And Saul said, Give your decision between my son Jonathan and me. And Jonathan was taken.
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Magpalabunutan tayo sa pagitan ko at sa aking anak na si Jonatan.” Pagkatapos nakuha si Jonatan sa palabunutan.
43 Then Saul said to Jonathan, Give me an account of what you have done. And Jonathan gave him the story and said, Certainly I took a little honey on the end of my rod; and now death is to be my fate.
Pagkatapos sinabi ni Saul kay Jonatan, “Sabihan mo ako kung ano ang nagawa mo.” Sinabihan siya ni Jonatan, “Tumikim ako ng kaunting pulot gamit ang dulo ng bara na nasa aking kamay. Narito ako; mamamatay ako.”
44 And Saul said, May God's punishment be on me if death is not your fate, Jonathan.
Sinabi ni Saul, “Gawin ng Diyos at higit din sa akin, kung hindi ka mamatay, Jonatan.”
45 And the people said to Saul, Is death to come to Jonathan, the worker of this great salvation for Israel? Let it not be so: by the living Lord, not one hair of his head is to be touched, for he has been working with God today. So the people kept Jonathan from death.
Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Saul, “Dapat bang mamatay si Jonatan, na siyang nagdala nitong dakilang tagumpay para sa Israel? Higit pa rito! Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok sa kanyang ulo ang mahuhulog sa lupa, dahil kumilos siya kasama ang Diyos ngayon.” Kaya iniligtas ng mga tao si Jonatan kaya hindi siya namatay.
46 Then Saul, turning back, went after the Philistines no longer: and the Philistines went back to their place.
Pagkatapos pinatigil ni Saul ang pagtugis sa mga Filisteo, at pumunta ang mga Filisteo sa kanilang sariling lugar.
47 Now when Saul had taken his place as ruler of Israel, he made war on those who were against him on every side, Moab and the Ammonites and Edom and the kings of Zobah and the Philistines: and whichever way he went, he overcame them.
Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila.
48 And he did great things, and overcame the Amalekites, and made Israel safe from the hands of their attackers.
Kumilos siya na may kagitingan at tinalo ang mga Amalekita. Iniligtas niya ang Israel mula sa mga kamay ng mga dumambong sa kanila.
49 Now the sons of Saul were Jonathan and Ishvi and Malchi-shua; and these are the names of his daughters: the older was named Merab and the younger Michal;
Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Isui, at Melquisua. Ang mga pangalan ng kanyang dalawang anak na babae ay Merab, ang panganay, at Mical, ang nakababata.
50 The name of Saul's wife was Ahinoam, the daughter of Ahimaaz; the captain of his army was Abner, the son of Ner, brother of Saul's father.
Ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam; siya ang anak na babae ni Ahimaaz. Ang pangalan ng kapitan ng kanyang hukbo ay Abner anak na lalaki ni Ner, tiyuhin ni Saul.
51 Kish, the father of Saul, and Ner, the father of Abner, were sons of Abiel.
Si Kish ang ama ni Saul; at si Ner, ang ama ni Abner, na anak na lalaki ni Abiel.
52 All through the life of Saul there was bitter war against the Philistines; and whenever Saul saw any strong man or any good fighting man, he kept him near himself.
May matinding labanan laban sa mga Filisteo sa lahat ng araw ni Saul. Kapag makakita si Saul ng sinumang malakas na tao, o sinumang matapang na tao, inilalapit niya ang kanyang sarili.