< Revelation 14 >

1 Then I looked and saw the Lamb standing on Mount Zion, and with Him 144,000 who had His name and His Father’s name written on their foreheads.
Tumingin ako at nakita ang Kordero na nakatayo sa aking harapan sa Bundok Sion. Kasama niya ang 144, 000 siyang may pangalan at pangalan ng kaniyang Ama na naisulat sa kanilang mga noo.
2 And I heard a sound from heaven like the roar of many waters and the loud rumbling of thunder. And the sound I heard was like harpists strumming their harps.
Narinig ko ang tinig mula sa langit na tila isang dagundong ng maraming tubig at malakas na kulog. Ang tunog na narinig ko ay tulad din ng mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa.
3 And they sang a new song before the throne and before the four living creatures and the elders. And no one could learn the song except the 144,000 who had been redeemed from the earth.
Umawit sila ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harap ng apat na buhay na nilalang at sa mga nakatatanda. Walang sinuman ang nakakaalam ng awit maliban sa 144, 000 na tinubos mula sa mundo.
4 These are the ones who have not been defiled with women, for they are virgins. They follow the Lamb wherever He goes. They have been redeemed from among men as firstfruits to God and to the Lamb.
Sila ang mga hindi dinungisan ang kanilang mga sarili sa mga babae, dahil pinanatili nila ang kanilang sarili sa pagdalisay ng sekswal. Sila ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumupunta. Sila ang tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero.
5 And no lie was found in their mouths; they are blameless.
Walang kasinungalingan ang natagpuan sa kanilang mga bibig; sila ay walang kapintasan.
6 Then I saw another angel flying overhead, with the eternal gospel to proclaim to those who dwell on the earth—to every nation and tribe and tongue and people. (aiōnios g166)
Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa alapaap, na may walang hanggang mensahe ng magandang balita para ipahayag sa mga naninirahan sa mundo — sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao. (aiōnios g166)
7 And he said in a loud voice, “Fear God and give Him glory, because the hour of His judgment has come. Worship the One who made the heavens and the earth and the sea and the springs of waters.”
Tumawag siya nang may malakas na tinig, “Matakot sa Diyos at bigyan siya ng kaluwalhatian. Dahil sa oras ng kaniyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin siya, siya na lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng mga bukal ng mga tubig.
8 Then a second angel followed, saying, “Fallen, fallen is Babylon the great, who has made all the nations drink the wine of the passion of her immorality.”
Isa pang anghel - ang pangalawang anghel - ay sumunod sa sinasabing “Bumagsak, bumagsak ang tanyag na Babylonia, na ginawa ang lahat ng bansa na uminom ng alak sa kaniyang sekswal na imoralidad, ang alak na nagdala ng labis na poot sa kaniya.”
9 And a third angel followed them, calling out in a loud voice, “If anyone worships the beast and its image, and receives its mark on his forehead or on his hand,
Isa pang anghel — ang pangatlong anghel — ay sumunod sa kanila, sinasabi ang malakas na tinig, “Kung sinuman ang sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay,
10 he too will drink the wine of God’s anger, poured undiluted into the cup of His wrath. And he will be tormented in fire and sulfur in the presence of the holy angels and of the Lamb.
siya rin ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, ang alak na inihanda at ibinuhos nang walang halo sa kopa ng kaniyang galit. Ang taong umiinom nito ay maghihirap sa apoy at asupre sa harap ng mga banal na anghel at sa harap ng Kordero.
11 And the smoke of their torment rises forever and ever. Day and night there is no rest for those who worship the beast and its image, or for anyone who receives the mark of its name.” (aiōn g165)
Ang usok mula sa kanilang paghihirap ay aangat magpakailan pa man, at wala silang kapahingahan sa umaga o gabi — silang mga sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at lahat ng tumatanggap ng tanda sa kaniyang pangalan. (aiōn g165)
12 Here is a call for the perseverance of the saints who keep the commandments of God and the faith of Jesus.
Ito ay isang panawagan para sa matiyagang pagtitis ng mga mananampalataya, silang mga sumusunod sa mga kautusan ng Diyos at nananampalataya kay Jesus.”
13 And I heard a voice from heaven telling me to write, “Blessed are the dead—those who die in the Lord from this moment on.” “Yes,” says the Spirit, “they will rest from their labors, for their deeds will follow them.”
Narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinabing, “Isulat ito: Pinagpala ang mga patay na namatay sa Panginoon.” “Oo,” sabi ng Espiritu, “kaya sila ay makapagpahinga sa kanilang mga gawain, dahil sa kanilang mga gawa ay susunod sila.”
14 And I looked and saw a white cloud, and seated on the cloud was One like the Son of Man, with a golden crown on His head and a sharp sickle in His hand.
Tumingin ako at nakita ko doon ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang katulad ng isang Anak ng Tao. Mayroon siyang gintong korona sa kaniyang ulo at matalim na karit sa kaniyang kamay.
15 Then another angel came out of the temple, crying out in a loud voice to the One seated on the cloud, “Swing Your sickle and reap, because the time has come to harvest; for the crop of the earth is ripe.”
Pagkatapos isa pang anghel ang lumabas sa templo at tumawag ng malakas sa siyang nakaupo sa ulap: “Kunin mo ang iyong karit at simulan ang pag-ani. Dahil dumating na ang panahon ng anihan, dahil ang mga aanihin sa lupa ay hinog na.
16 So the One seated on the cloud swung His sickle over the earth, and the earth was harvested.
Pagkatapos ibinitin ng siyang nakaupo sa ulap ang kaniyang karit sa lupa, at ang lupa ay inani.
17 Then another angel came out of the temple in heaven, and he too had a sharp sickle.
Isa pang anghel na lumabas mula sa templo ng kalangitan; mayroon din siyang matalim na karit.
18 Still another angel, with authority over the fire, came from the altar and called out in a loud voice to the angel with the sharp sickle, “Swing your sharp sickle and gather the clusters of grapes from the vine of the earth, because its grapes are ripe.”
May isa pang anghel ang lumabas mula sa altar, isang anghel na may kapangyarihan na apoy. Sumigaw siya nang malakas na tinig sa anghel na may matalim na karit, “Dalhin mo ang iyong matalim na karit at tipunin ang tumpok ng ubas mula sa mga puno ng ubas sa lupa, dahil ang kanilang mga ubas ay hinog na ngayon.
19 So the angel swung his sickle over the earth and gathered the grapes of the earth, and he threw them into the great winepress of God’s wrath.
Ibinitin ng anghel ang kaniyang karit sa lupa at tinipon ang ubas na inani sa lupa at itinapon ito sa malaking lalagyan ng alak ng poot ng Diyos.
20 And the winepress was trodden outside the city, and the blood that flowed from it rose as high as the bridles of the horses for a distance of 1,600 stadia.
Pinag-aapakan sa labas ng lungsod ang pigaan ng ubas at umagos ang gudo mula dito na umabot sa taas ng preno ng kabayo, para sa 1, 600 estadio.

< Revelation 14 >