< Psalms 18 >

1 For the choirmaster. Of David the servant of the LORD, who sang this song to the LORD on the day the LORD had delivered him from the hand of all his enemies and from the hand of Saul. He said: I love You, O LORD, my strength.
Mahal kita, O Yahweh, ang aking lakas.
2 The LORD is my rock, my fortress, and my deliverer. My God is my rock, in whom I take refuge, my shield, and the horn of my salvation, my stronghold.
Si Yahweh ang aking bato, ang aking tanggulan, ang siyang nagdadala sa akin sa kaligtasan; siya ang aking Diyos, ang aking bato; sa kaniya ako kumukubli. Siya ang aking kalasag, ang tambuli ng aking kaligtasan, at ang aking muog.
3 I will call upon the LORD, who is worthy to be praised; so shall I be saved from my enemies.
Mananawagan ako kay Yahweh na siyang karapat-dapat na purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway.
4 The cords of death encompassed me; the torrents of chaos overwhelmed me.
Nakapalibot sa akin ang mga lubid ng kamatayan, at inanod ako ng rumaragasang tubig ng kawalan ng halaga.
5 The cords of Sheol entangled me; the snares of death confronted me. (Sheol h7585)
Nakapaligid sa akin ang mga lubid ng Sheol; ang patibong ng kamatayan ay binitag ako. (Sheol h7585)
6 In my distress I called upon the LORD; I cried to my God for help. From His temple He heard my voice, and my cry for His help reached His ears.
Sa aking pagkabalisa, tumawag ako kay Yahweh, tumawag ako para humingi ng tulong sa aking Diyos. Pinakinggan niya ang tinig ko mula sa kaniyang templo; ang aking panawagan ng tulong ay nakarating sa kaniyang presensiya; nakarating ito sa kaniyang tainga.
7 Then the earth shook and quaked, and the foundations of the mountains trembled; they were shaken because He burned with anger.
Kaya nayugyog at nayanig ang lupa; maging ang mga pundasyon ng mga bundok, nayanig at nayugyog dahil nagalit ang Diyos.
8 Smoke rose from His nostrils, and consuming fire came from His mouth; glowing coals blazed forth.
Umangat ang usok na lumabas mula sa kaniyang ilong, at naglalagablab na apoy ang lumabas mula sa kaniyang bibig. Nagbaga ang mga uling dahil dito.
9 He parted the heavens and came down with dark clouds beneath His feet.
Binuksan niya ang kalangitan at siya ay bumaba, at makapal na kadiliman ay nasa ilalim na kaniyang paanan.
10 He mounted a cherub and flew; He soared on the wings of the wind.
Sumakay siya sa isang anghel at lumipad; pumagaspas siya sa mga pakpak ng hangin.
11 He made darkness His hiding place, and storm clouds a canopy around Him.
Ginawa niyang tolda sa kaniyang paligid ang kadiliman, mabigat na mga ulap-ulan sa kalangitan.
12 From the brightness of His presence His clouds advanced— hailstones and coals of fire.
Mula sa kidlat sa kaniyang harapan, bumagsak ang mga yelo at nag-aapoy na uling.
13 The LORD thundered from heaven; the voice of the Most High resounded— hailstones and coals of fire.
Dumagundong si Yahweh sa mga kalangitan! Ang Kataas-taasan ay sumigaw at nagpadala ng mga yelo at kidlat.
14 He shot His arrows and scattered the foes; He hurled lightning and routed them.
Pinana at ikinalat niya ang kaniyang mga kaaway; pinaghiwa-hiwalay (sila) ng maraming kidlat.
15 The channels of the sea appeared, and the foundations of the world were exposed, at Your rebuke, O LORD, at the blast of the breath of Your nostrils.
Pagkatapos, ang daluyan ng mga tubig ay lumitaw; ang mga pundasyon ng mundo ay nahayag sa iyong sigaw na pandigma, O Yahweh—sa pagbuga ng hininga ng iyong ilong.
16 He reached down from on high and took hold of me; He drew me out of deep waters.
Bumaba siya mula sa itaas; hinawakan niya ako! Iniahon niya ako mula sa rumaragasang tubig.
17 He rescued me from my powerful enemy, from foes too mighty for me.
Sinagip niya ako mula sa aking malakas na kalaban, mula sa mga namumuhi sa akin, dahil (sila) ay higit na malakas kaysa sa akin.
18 They confronted me in my day of calamity, but the LORD was my support.
Sinugod nila ako sa araw ng aking pagdadalamhati pero si Yahweh ang aking tagapagtanggol!
19 He brought me out into the open; He rescued me because He delighted in me.
Pinalaya niya ako tungo sa isang malawak na lugar; iniligtas niya ako dahil siya ay nalulugod sa akin.
20 The LORD has rewarded me according to my righteousness; He has repaid me according to the cleanness of my hands.
Ginantimpalaan ako ni Yahweh dahil sa aking katuwiran; tinulungan niya akong bumangon dahil ang aking mga kamay ay malinis.
21 For I have kept the ways of the LORD and have not wickedly departed from my God.
Dahil pinanatili ko ang mga pamamaraan ni Yahweh at hindi tumalikod sa aking Diyos patungo sa kasamaan.
22 For all His ordinances are before me; I have not disregarded His statutes.
Dahil ang lahat ng kaniyang makatuwirang mga kautusan ay nanguna sa akin; maging sa kaniyang mga alintuntunin, hindi ako tumalikod.
23 And I have been blameless before Him and kept myself from iniquity.
Nanatili akong walang-sala sa kaniyang harapan, at lumayo ako mula sa kasalanan.
24 So the LORD has repaid me according to my righteousness, according to the cleanness of my hands in His sight.
Kaya tinulungan akong bumangon ni Yahweh dahil sa aking katuwiran, dahil ang aking mga kamay ay malinis sa kaniyang paningin.
25 To the faithful You show Yourself faithful, to the blameless You show Yourself blameless;
Sa sinumang tapat, ipakita mo na ikaw ay tapat; sa taong walang-sala, ipakita mo na ikaw ay walang-sala.
26 to the pure You show Yourself pure, but to the crooked You show Yourself shrewd.
Sa sinumang dalisay, ipakita mo na ikaw ay dalisay; pero ikaw ay tuso sa sinumang baluktot.
27 For You save an afflicted people, but You humble those with haughty eyes.
Dahil nililigtas mo ang mga hinahamak, pero ibinabagsak mo ang lahat ng nagyayabang, ang mapagmataas na mga mata!
28 For You, O LORD, light my lamp; my God lights up my darkness.
Dahil nagbibigay ka ng liwanag sa aking ilawan; si Yahweh na aking Diyos ang nagbibigay liwanag sa aking kadiliman.
29 For in You I can charge an army, and with my God I can scale a wall.
Sa pamamagitan mo, kaya kong lampasan ang isang barikada; sa pamamagitan ng aking Diyos, kaya kong talunan ang isang pader.
30 As for God, His way is perfect; the word of the LORD is flawless. He is a shield to all who take refuge in Him.
Patungkol sa Diyos: ang kaniyang pamamaraan ay ganap. Ang salita ni Yahweh ay dalisay! Siya ang panangga sa sinumang kumukubli sa kaniya.
31 For who is God besides the LORD? And who is the Rock except our God?
Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? Sino ang bato maliban sa ating Diyos?
32 It is God who arms me with strength and makes my way clear.
Ang Diyos ang nagbibigay ng lakas sa akin tulad ng isang sinturon, na nagdadala sa isang matuwid na tao sa kaniyang landas.
33 He makes my feet like those of a deer and stations me upon the heights.
Pinabibilis niya ang aking mga paa na parang isang usa at inilalagay niya ako sa kabundukan!
34 He trains my hands for battle; my arms can bend a bow of bronze.
Sinasanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan at ang aking mga braso para matutong gumamit ng tansong pana.
35 You have given me Your shield of salvation; Your right hand upholds me, and Your gentleness exalts me.
Ibinigay mo sa akin ang panangga ng iyong kaligtasan. Ang iyong kanang kamay ay sumusuporta sa akin, at ang pabor mo ay ginawa akong tanyag.
36 You broaden the path beneath me so that my ankles do not give way.
Gumawa ka ng isang malawak na lugar para sa aking paanan sa ilalim kaya ang aking paanan ay hindi lumihis.
37 I pursued my enemies and overtook them; I did not turn back until they were consumed.
Hinabol ko ang aking mga kaaway at hinuli ko (sila) hindi ako tumalikod hangga't hindi (sila) nawawasak.
38 I crushed them so they could not rise; they have fallen under my feet.
Hinambalos ko (sila) hangga't hindi na nila kayang bumangon; bumagsak (sila) sa ilalim ng aking paanan.
39 You have armed me with strength for battle; You have subdued my foes beneath me.
Dahil binigyan mo ako ng lakas tulad ng sinturon para sa digmaan; inilagay mo ako sa ilalim ng mga nag-aalsa laban sa akin.
40 You have made my enemies retreat before me; I put an end to those who hated me.
Ibinigay mo sa akin ang batok ng aking mga kaaway; nilipol ko lahat ng namumuhi sa akin.
41 They cried for help, but there was no one to save them— to the LORD, but He did not answer.
Humingi (sila) ng tulong pero walang sumagip sa kanila; tumawag (sila) kay Yahweh, pero hindi niya (sila) pinakinggan.
42 I ground them as dust in the face of the wind; I trampled them like mud in the streets.
Dinurog ko (sila) tulad ng alikabok sa hangin; itinapon ko (sila) tulad ng putik sa kalsada.
43 You have delivered me from the strife of the people; You have made me the head of nations; a people I had not known shall serve me.
Iniligtas mo ako mula sa pagtatalo ng mga tao. Ginawa mo akong pinuno sa lahat ng bansa. Mga taong hindi ko kilala ay naglingkod sa akin.
44 When they hear me, they obey me; foreigners cower before me.
Sa oras na narinig nila ako, sumunod (sila) sa akin; ang mga dayuhan ay napilitang yumuko sa akin.
45 Foreigners lose heart and come trembling from their strongholds.
Ang mga dayuhan ay dumating na nanginginig mula sa kanilang mga tanggulan.
46 The LORD lives, and blessed be my Rock! And may the God of my salvation be exalted—
Buhay si Yahweh; nawa ang aking bato ay purihin. Nawa ang Diyos ng aking kaligtasan ay maitaas.
47 the God who avenges me and subdues nations beneath me,
Ito ang Diyos na naghihiganti para sa akin, ang nagdudulot sa mga bayan na sumailalim sa akin.
48 who delivers me from my enemies. You exalt me above my foes; You rescue me from violent men.
Napalaya ako mula sa aking mga kaaway! Totoo, itinaas mo ako nang higit sa mga tumuligsa sa akin. Iniligtas mo ako mula sa mga marahas na kalalakihan.
49 Therefore I will praise You, O LORD, among the nations; I will sing praises to Your name.
Kaya magpapasalamat ako sa iyo, O Yahweh, sa lahat ng bansa; aawit ako ng mga papuri sa iyong pangalan!
50 Great salvation He brings to His king. He shows loving devotion to His anointed, to David and his descendants forever.
Ang Diyos ay nagbibigay ng tagumpay sa kaniyang hari, at ipinakikita niya ang kaniyang katapatan sa tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.

< Psalms 18 >