< Numbers 34 >

1 Then the LORD said to Moses,
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Command the Israelites and say to them: When you enter the land of Canaan, it will be allotted to you as an inheritance with these boundaries:
Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),
3 Your southern border will extend from the Wilderness of Zin along the border of Edom. On the east, your southern border will run from the end of the Salt Sea,
At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng Dagat na Alat sa dakong silanganan:
4 cross south of the Ascent of Akrabbim, continue to Zin, and go south of Kadesh-barnea. Then it will go on to Hazar-addar and proceed to Azmon,
At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:
5 where it will turn from Azmon, join the Brook of Egypt, and end at the Sea.
At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.
6 Your western border will be the coastline of the Great Sea; this will be your boundary on the west.
At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.
7 Your northern border will run from the Great Sea directly to Mount Hor,
At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor:
8 and from Mount Hor to Lebo-hamath, then extend to Zedad,
Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa Sedad;
9 continue to Ziphron, and end at Hazar-enan. This will be your boundary on the north.
At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.
10 And your eastern border will run straight from Hazar-enan to Shepham,
At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:
11 then go down from Shepham to Riblah on the east side of Ain and continue along the slopes east of the Sea of Chinnereth.
At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng Cinnereth sa dakong silanganan:
12 Then the border will go down along the Jordan and end at the Salt Sea. This will be your land, defined by its borders on all sides.”
At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.
13 So Moses commanded the Israelites, “Apportion this land by lot as an inheritance. The LORD has commanded that it be given to the nine and a half tribes.
At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;
14 For the tribes of the Reubenites and Gadites, along with the half-tribe of Manasseh, have already received their inheritance.
Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana:
15 These two and a half tribes have received their inheritance across the Jordan from Jericho, toward the sunrise.”
Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.
16 Then the LORD said to Moses,
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 “These are the names of the men who are to assign the land as an inheritance for you: Eleazar the priest and Joshua son of Nun.
Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.
18 Appoint one leader from each tribe to distribute the land.
At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana.
19 These are their names: Caleb son of Jephunneh from the tribe of Judah;
At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.
20 Shemuel son of Ammihud from the tribe of Simeon;
At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.
21 Elidad son of Chislon from the tribe of Benjamin;
Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon.
22 Bukki son of Jogli, a leader from the tribe of Dan;
At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli.
23 Hanniel son of Ephod, a leader from the tribe of Manasseh son of Joseph;
Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod:
24 Kemuel son of Shiphtan, a leader from the tribe of Ephraim;
At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan.
25 Eli-zaphan son of Parnach, a leader from the tribe of Zebulun;
At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach.
26 Paltiel son of Azzan, a leader from the tribe of Issachar;
At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan.
27 Ahihud son of Shelomi, a leader from the tribe of Asher;
At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi.
28 and Pedahel son of Ammihud, a leader from the tribe of Naphtali.”
At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud.
29 These are the ones whom the LORD commanded to apportion the inheritance to the Israelites in the land of Canaan.
Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.

< Numbers 34 >