< Nehemiah 5 >

1 About that time there was a great outcry from the people and their wives against their fellow Jews.
Pagkatapos, ang mga lalaki at ang kanilang mga asawa ay dumaing nang napakalakas laban sa kanilang mga kapwa Judio.
2 Some were saying, “We and our sons and daughters are numerous. We must get grain in order to eat and stay alive.”
Dahil may mga iba na nagsabi “Kasama ng aming mga anak na lalaki at babae, kami ay marami. Kaya hayaan ninyong makakuha kami ng butil para makakain kami at patuloy na mabuhay.”
3 Others were saying, “We are mortgaging our fields, our vineyards, and our homes to get grain during the famine.”
May mga iba rin na nagsabing, “Sinasanla namin ang aming mga bukirin, ang aming ubasan, at ang aming mga bahay para makakuha ng butil sa panahon ng taggutom.”
4 Still others were saying, “We have borrowed money to pay the king’s tax on our fields and vineyards.
May mga iba rin na nagsabing, “Humiram kami ng pera para bayaran ang buwis ng hari sa aming mga bukirin at sa aming mga ubasan.
5 We and our children are just like our countrymen and their children, yet we are subjecting our sons and daughters to slavery. Some of our daughters are already enslaved, but we are powerless to redeem them because our fields and vineyards belong to others.”
Pero ngayon ang aming laman at dugo ay pareho na ng sa mga kapatid namin, at ang aming mga anak ay pareho na ng kanilang mga anak. Napilitan kaming ipagbili ang aming mga anak na lalaki at babae para maging mga alipin. Ang iba naming mga anak na babae ay inalipin na. Pero wala sa aming kapangyarihan na baguhin ito dahil ibang mga tao na ngayon ang nagmamay-ari ng aming mga bukirin at aming mga ubasan.”
6 When I heard their outcry and these complaints, I became extremely angry,
Galit na galit ako nang narinig ko ang kanilang daing at ang mga salitang ito.
7 and after serious thought I rebuked the nobles and officials, saying, “You are exacting usury from your own brothers!” So I called a large assembly against them
Pagkatapos ay pinag-isipan ko ito, at nagharap ng sakdal laban sa mga maharlika at opisyales. Sinabi ko sa kanila, “Naniningil kayo ng tubo, bawat isa sa kanyang sariling kapatid.” Nagdaos ako ng isang malaking pagpupulong laban sa kanila
8 and said, “We have done our best to buy back our Jewish brothers who were sold to foreigners, but now you are selling your own brothers, that they may be sold back to us!” But they remained silent, for they could find nothing to say.
at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.
9 So I continued, “What you are doing is not right. Shouldn’t you walk in the fear of our God to avoid the reproach of our foreign enemies?
Sinabi ko rin, “Hindi mabuti ang ginagawa ninyo. Hindi ba dapat kayong lumakad na may takot sa ating Diyos para maiwasan ang paghamak ng mga bansa na mga kaaway natin?
10 I, as well as my brothers and my servants, have been lending the people money and grain. Please, let us stop this usury.
Ako at ang aking mga kapatid at ang mga lingkod ko ay nagpapautang sa kanila ng pera at butil. Pero dapat nating itigil ang paniningil ng tubo sa mga pautang na ito.
11 Please restore to them immediately their fields, vineyards, olive groves, and houses, along with the percentage of the money, grain, new wine, and oil that you have been assessing them.”
Ibalik sa kanila ngayon mismong araw na ito ang kanilang mga bukirin, ang kanilang ubasan, at kanilang taniman ng olibo at ang kanilang mga bahay at ang porsiyento ng pera, ng butil, ng bagong alak, at ng langis na siningil ninyo mula sa kanila.”
12 “We will restore it,” they replied, “and will require nothing more from them. We will do as you say.” So I summoned the priests and required of the nobles and officials an oath that they would do what they had promised.
Pagkatapos sinabi nila, “Ibabalik namin kung ano ang kinuha namin sa kanila, at wala kaming hihingin mula sa kanila. Gagawin namin ang sinabi mo.” Pagkatapos tinawag ko ang mga pari, at pinanumpa sila na gagawin ang kanilang ipinangako.
13 I also shook out the folds of my robe and said, “May God likewise shake out of His house and possession every man who does not keep this promise. May such a man be shaken out and have nothing!” The whole assembly said, “Amen,” and they praised the LORD. And the people did as they had promised.
Ipinagpag ko ang tiklop ng aking kasuotan at sinabi, “Ganito nawa ipagpag ng Diyos mula sa kanyang bahay at mga ari-arian ang bawat taong hindi tutupad ng kanyang pangako. Ganito nawa siya maipagpag at mawalan.” Lahat ng kapulungan ay nagsabing, “Amen,” at pinuri nila si Yahweh. At ginawa ng mga tao ang ipinangako nila.
14 Furthermore, from the day King Artaxerxes appointed me to be their governor in the land of Judah, from his twentieth year until his thirty-second year (twelve years total), neither I nor my brothers ate the food allotted to the governor.
Kaya mula ng pahanon na itinalaga ako bilang gobernador nila sa lupain ng Juda, mula sa ika-dalawampung taon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes ang hari, labindalawang taon, hindi ako kumain, maging ang aking mga kapatid na lalaki, ng pagkain na inilaan para sa gobernador.
15 The governors before me had heavily burdened the people, taking from them bread and wine plus forty shekels of silver. Their servants also oppressed the people, but I did not do this because of my fear of God.
Pero ang mga dating gobernador na nauna sa akin ay nagpatong ng mabibigat na mga pasanin sa mga tao, at kinuha mula sa kanila ang apatnapung sekel ng pilak para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay pinahirapan ang mga tao. Pero hindi ko ito ginawa dahil sa takot sa Diyos.
16 Instead, I devoted myself to the construction of the wall, and all my servants were gathered there for the work; we did not acquire any land.
Patuloy rin akong gumawa sa pader, at wala kaming biniling lupa. At lahat ng mga lingkod ko ay nagtipon doon para sa gawain.
17 There were 150 Jews and officials at my table, besides the guests from the surrounding nations.
Sa mesa ko ay mga Judio at opisyales, 150 lalaki, maliban pa sa mga dumating sa amin mula sa mga kasamang bansa na nakapaligid sa amin.
18 Each day one ox, six choice sheep, and some fowl were prepared for me, and once every ten days an abundance of all kinds of wine was provided. But I did not demand the food allotted to the governor, because the burden on the people was so heavy.
Ngayon ang hinanda bawat araw ay isang baka, anim na piling tupa, at mga ibon din, at sa bawat sampung araw sagana sa lahat ng uri ng alak. Gayumpaman para sa lahat ng ito hindi ko hiningi ang nakalaang halaga para sa pagkain ng gobernador, dahil ang mga hinihingi ay masyadong mabigat sa mga tao.
19 Remember me favorably, O my God, for all that I have done for this people.
Alalahanin mo ako, aking Diyos, sa kabutihan, dahil sa lahat ng aking ginawa para sa mga taong ito.

< Nehemiah 5 >