< Luke 9 >

1 Then Jesus called the Twelve together and gave them power and authority over all demons, and power to cure diseases.
Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit.
2 And He sent them out to proclaim the kingdom of God and to heal the sick.
Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.
3 “Take nothing for the journey,” He told them, “no staff, no bag, no bread, no money, no second tunic.
Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdadala ng anuman para sa inyong paglalakbay—maging tungkod, o pitaka, o tinapay o salapi—ni magdala ng dalawang panloob na tunika.”
4 Whatever house you enter, stay there until you leave that area.
Saanmang bahay kayo pumasok, manatili kayo doon hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.
5 If anyone does not welcome you, shake the dust off your feet when you leave that town, as a testimony against them.”
Para naman sa mga hindi tatanggap sa inyo, kung kayo ay aalis sa lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.”
6 So they set out and went from village to village, preaching the gospel and healing people everywhere.
Pagkatapos sila ay umalis at pumunta sa mga nayon, ipinapahayag ang magandang balita at nagpapagaling ng mga tao sa lahat ng dako.
7 When Herod the tetrarch heard about all that was happening, he was perplexed. For some were saying that John had risen from the dead,
At ngayon, narinig ni Herodes na tetrarka ang tungkol sa lahat ng mga nangyayari at siya ay lubhang nabahala, sapagkat sinasabi ng iba na si Juan na Tagapagbautismo ay nabuhay muli mula sa kamatayan,
8 others that Elijah had appeared, and still others that a prophet of old had arisen.
at sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sabi ng iba na isa sa mga sinaunang propeta ang muling nabuhay.
9 “I beheaded John,” Herod said, “but who is this man I hear such things about?” And he kept trying to see Jesus.
Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan, ngunit patungkol kanino itong mga bagay na naririnig ko?” At sinubukan ni Herodes na gumawa ng paraan upang makita si Jesus.
10 Then the apostles returned and reported to Jesus all that they had done. Taking them away privately, He withdrew to a town called Bethsaida.
Nang bumalik ang mga isinugo ni Jesus, sinabi nila sa kaniya ang lahat ng kanilang mga ginawa. Pagkatapos, isinama niya sila sa isang lungsod na tinatawag na Betsaida.
11 But the crowds found out and followed Him. He welcomed them and spoke to them about the kingdom of God, and He healed those who needed healing.
Ngunit narinig ito ng mga tao at sumunod sa kaniya, at sila ay tinanggap niya, at siya ay nagsalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling ang mga nangailangan ng kagalingan.
12 As the day neared its end, the Twelve came to Jesus and said, “Dismiss the crowd so they can go to the surrounding villages and countryside for lodging and provisions. For we are in a desolate place here.”
Nang patapos na ang araw, lumapit sa kaniya ang Labindalawa at sinabi, “Pauwiin mo na ang mga tao upang sila ay makapunta sa mga kalapit na nayon at kabukiran upang makapaghanap ng matutuluyan at makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na lugar.”
13 But Jesus told them, “You give them something to eat.” “We have only five loaves of bread and two fish,” they answered, “unless we go and buy food for all these people.”
Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sinabi nila, “Ang mayroon po tayo ay hindi hihigit sa limang tinapay at dalawang isda, maliban na lamang kung kami ay bibili ng pagkain para sa mga taong ito.
14 (There were about five thousand men.) He told His disciples, “Have them sit down in groups of about fifty each.”
Mayroong nasa limanlibong lalaki ang naroon. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila sa grupong may tiglilimampung bilang.”
15 They did so, and everyone was seated.
At ginawa nila iyon at lahat ng mga tao ay umupo.
16 Taking the five loaves and the two fish and looking up to heaven, Jesus spoke a blessing and broke them. Then He gave them to the disciples to set before the people.
Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at habang nakatingin sa langit, pinagpasalamatan niya ang mga ito, at pinagpira-piraso, at ibinigay niya ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
17 They all ate and were satisfied, and the disciples picked up twelve basketfuls of broken pieces that were left over.
Silang lahat ay nakakain at nabusog, at ang mga tira sa mga pagkain ay pinulot at napuno ang labindalawang basket.
18 One day as Jesus was praying in private and the disciples were with Him, He questioned them: “Who do the crowds say I am?”
Nangyari nga, na habang siya ay mag-isang nananalangin, kasama ang kaniyang mga alagad, at sila ay kaniyang tinanong na sinasabi, “Ano ang sinasabi ng maraming tao kung sino ako?”
19 They replied, “Some say John the Baptist; others say Elijah; and still others, that a prophet of old has arisen.”
Sumagot sila at nagsabi, “Si Juan na Tagapagbautismo, ngunit ang iba ay nagsasabing ikaw ay si Elias, ang iba ay nagsasabing isa ka sa mga propeta mula noong unang panahon na nabuhay muli.”
20 “But what about you?” Jesus asked. “Who do you say I am?” Peter answered, “The Christ of God.”
Sinabi niya sa kanila, “Ngunit sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro at sinabi, “Ang Cristo na nagmula sa Diyos.”
21 Jesus strictly warned them not to tell this to anyone.
Ngunit nagbigay siya ng babala sa kanila, binilin sa kanila ni Jesus na huwag nila itong ipagsabi sa kahit kaninuman,
22 “The Son of Man must suffer many things,” He said. “He must be rejected by the elders, chief priests, and scribes, and He must be killed and on the third day be raised to life.”
sinasabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming bagay at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, mga punong-pari at mga eskriba, at siya ay papatayin, at sa ikatlong araw ay bubuhayin muli.
23 Then Jesus said to all of them, “If anyone wants to come after Me, he must deny himself and take up his cross daily and follow Me.
Sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung sinuman ang may gustong sumunod sa akin, kailangan niyang tanggihan ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw, at sumunod sa akin.
24 For whoever wants to save his life will lose it, but whoever loses his life for My sake will save it.
Sinumang sumubok na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay maliligtas ito.
25 What does it profit a man to gain the whole world, yet lose or forfeit his very self?
Ano ang mapapala ng tao kung makamit niya ang buong mundo, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang kaniyang sarili?
26 If anyone is ashamed of Me and My words, the Son of Man will be ashamed of him when He comes in His glory and in the glory of the Father and of the holy angels.
Ang sinuman na ikakahiya ako at ang aking mga salita, siya din ay ikakahiya ng Anak ng Tao kapag siya ay dumating na nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
27 But I tell you truthfully, some who are standing here will not taste death before they see the kingdom of God.”
Ngunit katotohanang sinasabi sa inyo, mayroong iba sa inyong nakatayo dito, na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang kaharian ng Diyos.”
28 About eight days after Jesus had said these things, He took with Him Peter, John, and James, and went up on a mountain to pray.
At nangyari, pagkalipas ng mga walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, dinala niya sina Pedro, Juan, at Santiago, at umakyat ng bundok upang manalangin.
29 And as He was praying, the appearance of His face changed, and His clothes became radiantly white.
Habang siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha, ang kaniyang damit ay naging puti at nagniningning.
30 Suddenly two men, Moses and Elijah, began talking with Jesus.
Masdan ito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya! Sila ay sina Moises at Elias
31 They appeared in glory and spoke about His departure, which He was about to accomplish at Jerusalem.
na nag-anyong maluwalhati. Nagsalita sila patungkol sa kaniyang paglisan na malapit na niyang maisakatuparan sa Jerusalem.
32 Meanwhile Peter and his companions were overcome by sleep, but when they awoke, they saw Jesus’ glory and the two men standing with Him.
Ngayon, si Pedro at ang kaniyang mga kasama ay mahimbing na natutulog. Ngunit nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya.
33 As Moses and Elijah were leaving, Peter said to Jesus, “Master, it is good for us to be here. Let us put up three shelters —one for You, one for Moses, and one for Elijah.” (He did not know what he was saying.)
At nangyari nga, habang ang mga lalaki ay papalayo na kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, mabuti at nandito kami at marapat na magtayo kami ng tatlong kanlungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Hindi niya naintindihan kung ano ang kaniyang mga sinasabi.
34 While Peter was speaking, a cloud appeared and enveloped them, and they were afraid as they entered the cloud.
Pagkatapos, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may ulap na dumating at nililiman sila; at sila ay natakot habang sila ay napapalibutan ng ulap.
35 And a voice came from the cloud, saying, “This is My Son, whom I have chosen. Listen to Him!”
Isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang aking Anak na pinili. Makinig kayo sa kaniya.”
36 After the voice had spoken, only Jesus was present with them. The disciples kept this to themselves, and in those days they did not tell anyone what they had seen.
Nang matapos ang tinig, mag-isa na si Jesus. Sila ay tumahimik, at sa mga araw na iyon ay wala silang pinagsabihan sa mga bagay na kanilang nakita.
37 The next day, when they came down from the mountain, Jesus was met by a large crowd.
At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao.
38 Suddenly a man in the crowd cried out, “Teacher, I beg You to look at my son, for he is my only child.
Masdan ito, mayroong isang ama na sumisigaw mula sa maraming tao na nagsasabi, “Guro, nagmamakaawa ako na tingnan ninyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ay nag-iisa kong anak.
39 A spirit keeps seizing him, and he screams abruptly. It throws him into convulsions so that he foams at the mouth. It keeps mauling him and rarely departs from him.
Sinasaniban siya ng isang espiritu, at bigla siyang sumisigaw, kaya siya ay nangingisay na bumubula ang bibig. Pahirapan itong umalis sa kaniya, lubha siyang sinasaktan nito kapag ito ay umaalis.
40 I begged Your disciples to drive it out, but they were unable.”
Nagmakaawa ako sa iyong mga alagad na piliting palabasin ito sa kaniya, ngunit hindi nila magawa.”
41 “O unbelieving and perverse generation!” Jesus replied. “How long must I remain with you and put up with you? Bring your son here.”
Sumagot si Jesus at sinabi, “Kayong mga hindi nananampalataya at masamang salinlahi, gaano katagal ko kailangang manatili sa inyo at pagtiisan kayo? Dalhin mo dito ang iyong anak.”
42 Even while the boy was approaching, the demon slammed him to the ground in a convulsion. But Jesus rebuked the unclean spirit, healed the boy, and gave him back to his father.
Habang lumalapit ang batang lalaki ay ihinagis siya ng demonyo pababa at pinangisay nang marahas. Ngunit sinaway ni Jesus ang maruming espiritu, at pinagaling ang batang lalaki, at ibinalik siya sa kaniyang ama.
43 And they were all astonished at the greatness of God. While everyone was marveling at all that Jesus was doing, He said to His disciples,
Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
44 “Let these words sink into your ears: The Son of Man is about to be delivered into the hands of men.”
“Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.”
45 But they did not understand this statement. It was veiled from them so that they could not comprehend it, and they were afraid to ask Him about it.
Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.
46 Then an argument started among the disciples as to which of them would be the greatest.
Pagkatapos, isang pagtatalo ang nagsimula sa kanila tungkol sa kung sino ang magiging lubos na dakila.
47 But Jesus, knowing the thoughts of their hearts, had a little child stand beside Him.
Ngunit nang malaman ni Jesus ang kanilang mga pangangatwiran sa kanilang mga puso, kumuha siya ng isang bata at nilapit sa kaniyang tabi,
48 And He said to them, “Whoever welcomes this little child in My name welcomes Me, and whoever welcomes Me welcomes the One who sent Me. For whoever is the least among all of you, he is the greatest.”
at sinabi sa kanila, “Kung sinuman ang tumanggap sa isang maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, siya rin ay tumatanggap sa akin, at kung sinuman ang tumatanggap sa akin, siya rin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin. Dahil kung sinuman ang pinakamababa sa inyong lahat ay siyang dakila.”
49 “Master,” said John, “we saw someone driving out demons in Your name, and we tried to stop him, because he does not accompany us.”
Sumagot si Juan at sinabi, “Panginoon, may nakita kaming isang tao na nagpapalayas ng demonyo gamit ang iyong pangalan at pinigilan namin siya sapagkat siya ay hindi sumusunod sa atin.”
50 “Do not stop him,” Jesus replied, “for whoever is not against you is for you.”
Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag ninyo siyang pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay kasama ninyo.”
51 As the day of His ascension approached, Jesus resolutely set out for Jerusalem.
Nangyari ng habang papalapit na ang kaniyang pag-akyat sa langit, lubos niyang inihanda ang kaniyang sarili na pumunta sa Jerusalem.
52 He sent messengers on ahead, who went into a village of the Samaritans to make arrangements for Him.
Nagpadala siya ng mga mensahero bago siya pumunta, at sila ay pumunta at nakarating sa isang Samaritanong bayan upang maghanda para sa kaniya.
53 But the people there refused to welcome Him, because He was heading for Jerusalem.
Ngunit siya ay hindi tinanggap ng mga tao roon, sapagkat nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.
54 When the disciples James and John saw this, they asked, “Lord, do You want us to call down fire from heaven to consume them?”
Pagkatapos, nang makita ito ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, nais mo bang iutos naming bumaba ang apoy mula sa langit at puksain sila?”
55 But Jesus turned and rebuked them.
Ngunit hinarap niya sila at sinaway sila.
56 And He and His disciples went on to another village.
Pagkatapos, sila ay pumunta sa ibang nayon.
57 As they were walking along the road, someone said to Jesus, “I will follow You wherever You go.”
Habang sila ay papunta sa kanilang daraanan, may nagsabi sa kaniya, “Ako ay susunod sa iyo saan ka man pumunta.”
58 Jesus replied, “Foxes have dens and birds of the air have nests, but the Son of Man has no place to lay His head.”
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang malatagan ng kaniyang ulo.”
59 Then He said to another man, “Follow Me.” The man replied, “Lord, first let me go and bury my father.”
At sinabi niya sa isa pang tao, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sinabi niya, “Panginoon, hayaan mong ilibing ko muna ang aking ama.”
60 But Jesus told him, “Let the dead bury their own dead. You, however, go and proclaim the kingdom of God.”
Ngunit sumagot siya sa kaniya, “Hayaan ninyo ang patay na maglibing sa sarili nilang mga patay, ngunit kayo ay humayo at ipahayag sa lahat ng dako ang kaharian ng Diyos.”
61 Still another said, “I will follow You, Lord; but first let me bid farewell to my family.”
Isa pang tao naman ay nagsabi din, “Ako ay susunod sa iyo, Panginoon, ngunit hayaan mo muna akong magpaalam sa kanila na nasa aking bahay.”
62 Then Jesus declared, “No one who puts his hand to the plow and then looks back is fit for the kingdom of God.”
Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Walang sinumang naglagay ng kaniyang mga kamay sa araro at tumitingin sa likuran, ang karapat-dapat para sa kaharian ng Diyos.”

< Luke 9 >