< Leviticus 24 >
1 Then the LORD said to Moses,
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Command the Israelites to bring you pure oil of pressed olives for the light, to keep the lamps burning continually.
Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan.
3 Outside the veil of the Testimony in the Tent of Meeting, Aaron is to tend the lamps continually before the LORD from evening until morning. This is to be a permanent statute for the generations to come.
Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.
4 He shall tend the lamps on the pure gold lampstand before the LORD continually.
Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.
5 You are also to take fine flour and bake twelve loaves, using two-tenths of an ephah for each loaf,
At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.
6 and set them in two rows—six per row—on the table of pure gold before the LORD.
At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.
7 And you are to place pure frankincense near each row, so that it may serve as a memorial portion for the bread, an offering made by fire to the LORD.
At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
8 Every Sabbath day the bread is to be set out before the LORD on behalf of the Israelites as a permanent covenant.
Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.
9 It belongs to Aaron and his sons, who are to eat it in a holy place; for it is to him a most holy part of the offerings made by fire to the LORD—his portion forever.”
At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka't kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.
10 Now the son of an Israelite mother and an Egyptian father went out among the Israelites, and a fight broke out in the camp between him and an Israelite.
At ang anak na lalake ng isang babaing, Israelita na ang ama'y Egipcio, ay napasa gitna ng mga anak ni Israel: at nagbabag sa gitna ng kampamento ang anak ng babaing Israelita at ang isang lalake ni Israel.
11 The son of the Israelite woman blasphemed the Name with a curse. So they brought him to Moses. (His mother’s name was Shelomith daughter of Dibri, of the tribe of Dan.)
At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, at nilait: at siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith, na anak ni Dribi sa lipi ni Dan.
12 They placed him in custody until the will of the LORD should be made clear to them.
At siya'y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon.
13 Then the LORD said to Moses,
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
14 “Take the blasphemer outside the camp, and have all who heard him lay their hands on his head; then have the whole assembly stone him.
Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan.
15 And you are to tell the Israelites, ‘If anyone curses his God, he shall bear the consequences of his sin.
At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Sinomang mapanungayaw sa kaniyang Dios ay magpapasan ng kaniyang sala.
16 Whoever blasphemes the name of the LORD must surely be put to death; the whole assembly must surely stone him, whether he is a foreign resident or native; if he blasphemes the Name, he must be put to death.
At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon.
17 And if a man takes the life of anyone else, he must surely be put to death.
At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala;
18 Whoever kills an animal must make restitution—life for life.
At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.
19 If anyone injures his neighbor, whatever he has done must be done to him:
At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya;
20 fracture for fracture, eye for eye, tooth for tooth. Just as he injured the other person, the same must be inflicted on him.
Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya.
21 Whoever kills an animal must make restitution, but whoever kills a man must be put to death.
At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin.
22 You are to have the same standard of law for the foreign resident and the native; for I am the LORD your God.’”
Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
23 Then Moses spoke to the Israelites, and they took the blasphemer outside the camp and stoned him. So the Israelites did as the LORD had commanded Moses.
At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento, at siya'y pinagbatuhanan ng mga bato. At ginawa ng mga anak ni Israel, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.