< Lamentations 5 >
1 Remember, O LORD, what has happened to us. Look and see our disgrace!
Iyong alalahanin, Yahweh, kung ano ang nangyari sa amin. Masdan at tingnan ang aming kahihiyan.
2 Our inheritance has been turned over to strangers, our houses to foreigners.
Ibinigay sa mga dayuhan ang aming mana; ang aming mga tahanan sa mga dayuhan.
3 We have become fatherless orphans; our mothers are widows.
Naging mga ulila kami, sapagkat wala na kaming mga ama, at katulad ng mga balo ang aming mga ina.
4 We must buy the water we drink; our wood comes at a price.
Nagkakahalaga ng pilak ang tubig na aming iinumin, at ipinagbibili sa amin ang aming sariling kahoy.
5 We are closely pursued; we are weary and find no rest.
Hinahabol kami ng aming mga kaaway; sila ay napakalapit na humihinga na sa aming mga leeg. Pagod na kami; wala ng kapahingahan para sa amin.
6 We submitted to Egypt and Assyria to get enough bread.
Iniaabot namin ang aming mga kamay sa mga taga-Egipto at mga taga-Asiria upang mabusog sa pagkain.
7 Our fathers sinned and are no more, but we bear their punishment.
Nagkasala ang aming mga ama; wala na sila, at pinasan namin ang kanilang mga kasalanan.
8 Slaves rule over us; there is no one to deliver us from their hands.
Pinamunuan kami ng mga alipin, at wala ni isang makapagligtas sa amin sa kanilang mga kamay.
9 We get our bread at the risk of our lives because of the sword in the wilderness.
Inilagay namin sa panganib ang aming mga buhay upang kunin ang aming mga tinapay sa pagharap sa mga espada sa ilang.
10 Our skin is as hot as an oven with fever from our hunger.
Tulad ng isang hurno ang aming mga balat, nasunog mula sa init ng pagkagutom.
11 Women have been ravished in Zion, virgins in the cities of Judah.
Pinagsamantalahan nila ang mga kababaihan sa Zion, ang mga birhen sa mga lungsod ng Juda.
12 Princes have been hung up by their hands; elders receive no respect.
Ibinitin nila ang mga prinsipe sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay, at hindi nila iginagalang ang mga nakatatanda.
13 Young men toil at millstones; boys stagger under loads of wood.
Dinala nila ang mga masisiglang na kalalakihan sa gilingan, at ang mga susuray-suray na binata sa ilalim ng mga puno ng kahoy.
14 The elders have left the city gate; the young men have stopped their music.
Tinanggal nila ang mga nakatatanda sa tarangkahan sa lungsod at ang masisiglang kalalakihan mula sa kanilang tugtugin.
15 Joy has left our hearts; our dancing has turned to mourning.
Tumigil ang kagalakan ng aming mga puso; napalitan ng pagluluksa ang aming pagsasayaw.
16 The crown has fallen from our head. Woe to us, for we have sinned!
Nahulog ang korona mula sa aming mga ulo! sa aba namin! Sapagkat nangagkasala kami.
17 Because of this, our hearts are faint; because of these, our eyes grow dim—
Nagkasakit ang aming mga puso, at lumabo ang aming mga mata,
18 because of Mount Zion, which lies desolate, patrolled by foxes.
dahil gumagala ang mga asong gubat sa Bundok ng Zion na iniwanan.
19 You, O LORD, reign forever; Your throne endures from generation to generation.
Ngunit ikaw si Yahweh, maghari ka magpakailanman, at ang iyong luklukan ay mula sa sali't salinlahi.
20 Why have You forgotten us forever? Why have You forsaken us for so long?
Bakit mo kami kakalimutan ng magpakailanman? Pababayaan mo ba kami ng napakatagal?
21 Restore us to Yourself, O LORD, so we may return; renew our days as of old,
Panumbalikin mo kami sa iyo, Yahweh at magsisisi kami. Papanumbalikin mo ang aming mga araw gaya nang unang panahon,
22 unless You have utterly rejected us and remain angry with us beyond measure.
maliban na lamang kung kami ay tunay na tinanggihan at labis ang iyong galit sa amin.