< Jeremiah 12 >

1 Righteous are You, O LORD, when I plead before You. Yet about Your judgments I wish to contend with You: Why does the way of the wicked prosper? Why do all the faithless live at ease?
Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?
2 You planted them, and they have taken root. They have grown and produced fruit. You are ever on their lips, but far from their hearts.
Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.
3 But You know me, O LORD; You see me and test my heart toward You. Drag away the wicked like sheep to the slaughter and set them apart for the day of carnage.
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila sa kaarawan ng pagpatay.
4 How long will the land mourn and the grass of every field be withered? Because of the evil of its residents, the animals and birds have been swept away, for the people have said, “He cannot see what our end will be.”
Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.
5 “If you have raced with men on foot and they have worn you out, how can you compete with horses? If you stumble in a peaceful land, how will you do in the thickets of the Jordan?
Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa kapalaluan ng Jordan?
6 Even your brothers— your own father’s household— even they have betrayed you; even they have cried aloud against you. Do not trust them, though they speak well of you.
Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.
7 I have forsaken My house; I have abandoned My inheritance. I have given the love of My life into the hands of her enemies.
Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
8 My inheritance has become to Me like a lion in the forest. She has roared against Me; therefore I hate her.
Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.
9 Is not My inheritance to Me like a speckled bird of prey with other birds of prey circling against her? Go, gather all the beasts of the field; bring them to devour her.
Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.
10 Many shepherds have destroyed My vineyard; they have trampled My plot of ground. They have turned My pleasant field into a desolate wasteland.
Sinira ng maraming pastor ang aking ubasan, kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.
11 They have made it a desolation; desolate before Me, it mourns. All the land is laid waste, but no man takes it to heart.
Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't walang taong gumugunita.
12 Over all the barren heights in the wilderness the destroyers have come, for the sword of the LORD devours from one end of the earth to the other. No flesh has peace.
Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.
13 They have sown wheat but harvested thorns. They have exhausted themselves to no avail. Bear the shame of your harvest because of the fierce anger of the LORD.”
Sila'y nangaghasik ng trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.
14 This is what the LORD says: “As for all My evil neighbors who attack the inheritance that I bequeathed to My people Israel, I am about to uproot them from their land, and I will uproot the house of Judah from among them.
Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama kong kapuwa, na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.
15 But after I have uprooted them, I will once again have compassion on them and return each one to his inheritance and to his land.
At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.
16 And if they will diligently learn the ways of My people and swear by My name, saying, ‘As surely as the LORD lives’—just as they once taught My people to swear by Baal—then they will be established among My people.
At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, ang pagsumpa sa pangalan ko, Buhay ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila sa gitna ng aking bayan.
17 But if they will not obey, then I will uproot that nation; I will uproot it and destroy it, declares the LORD.”
Nguni't kung hindi nila didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.

< Jeremiah 12 >