< Isaiah 16 >

1 Send the tribute lambs to the ruler of the land, from Sela in the desert to the mount of Daughter Zion.
Magpadala ka ng mga tupa sa tagapamahala ng lupain mula sa Sela sa ilang, sa mga babaing anak sa bundok ng Sion.
2 Like fluttering birds pushed out of the nest, so are the daughters of Moab at the fords of the Arnon:
Gaya ng naggagalang mga ibon, gaya ng isang nakakalat na pugad, kaya ang mga babae ng Moab ay nasa mga tawiran ng Ilog Arnon.
3 “Give us counsel; render a decision. Shelter us at noonday with shade as dark as night. Hide the refugees; do not betray the one who flees.
Magbigay ng tagubilin, gawin ang makatwiran; magbigay ng ilang silungan gaya ng gabi sa kalagitnaan ng araw; itago ang mga takas; huwag pagtaksilan ang mga takas.
4 Let my fugitives stay with you; be a refuge for Moab from the destroyer.” When the oppressor has gone, destruction has ceased, and the oppressors have vanished from the land,
Hayaan silang mamuhay kasama ninyo, mga takas mula sa Moab; maging taguan kayo para sa kanila mula sa tagapagwasak.” Dahil hihinto ang pang-aapi, at titigil ang pagkawasak, mawawala sa lupain ang mga yumuyurak.
5 in loving devotion a throne will be established in the tent of David. A judge seeking justice and hastening righteousness will sit on it in faithfulness.
Isang trono ang maitatatag sa katapatan sa tipan; at isa mula sa tolda ni David ang matapat na uupo doon. Maghuhusga siya habang naghahanap ng katarungan at gumagawa ng katwiran.
6 We have heard of Moab’s pomposity, his exceeding pride and conceit, his overflowing arrogance. But his boasting is empty.
Narinig natin ang pagmamataas ng Moab, kaniyang kayabangan, kaniyang kahambugan at kaniyang galit. Pero ang kaniyang kahambugan ay walang lamang mga salita.
7 Therefore let Moab wail; let them wail together for Moab. Moan for the raisin cakes of Kir-hareseth, you who are utterly stricken.
Kaya mananangis ang Moab para sa Moab, mananangis ang lahat. Magluluksa kayo para sa mamon na may pasas ng Kir-Hareset na lubos na nawasak.
8 For the fields of Heshbon have withered, along with the grapevines of Sibmah. The rulers of the nations have trampled its choicest vines, which had reached as far as Jazer and spread toward the desert. Their shoots had spread out and passed over the sea.
Natuyo ang mga taniman sa Hesbon pati ang mga ubasan ng Sibma. Tinapakan ng mga namamahala sa mga bansa ang napiling mga ubusan na umabot sa Jazer at kumalat sa ilang. Malawak na kumalat ang mga sibol; napunta sila lagpas sa dagat.
9 So I weep with Jazer for the vines of Sibmah; I drench Heshbon and Elealeh with my tears. Triumphant shouts have fallen silent over your summer fruit and your harvest.
Tunay nga na iiyak ako kasama ng Jazer dahil sa taniman ng ubas ng Sibma. Tutubigan kita ng aking luha, Hesbon, at Eleale. Dahil sa iyong taniman ng mga prutas at tinapos ko ang aking pag-ani nang may sigaw ng kagalakan.
10 Joy and gladness are removed from the orchard; no one sings or shouts in the vineyards. No one tramples the grapes in the winepresses; I have put an end to the cheering.
Nawala ang kagalakan at kasiyahan mula sa mga prutasan; at wala ng awitan ni masasayang sigawan sa iyong taniman ng ubas. Wala ng taga-tapak ang umaapak sa pagawaan ng alak; ginawa kong pahintuin ang antigong sigawan.
11 Therefore my heart laments for Moab like a harp, my inmost being for Kir-heres.
Kaya naghihinagpis ang aking puso gaya ng isang alpa para sa Moab, at aking kalooban para sa Kir-heres.
12 When Moab appears on the high place, when he wearies himself and enters his sanctuary to pray, it will do him no good.
Nang pinagod ng Moab ang kaniyang sarili sa mataas na lugar at pumasok sa kaniyang templo para manalangin, walang magagawa ang kaniyang panalangin.
13 This is the message that the LORD spoke earlier concerning Moab.
Ito ang salita na nakaraang sinabi ni Yahweh tungkol sa Moab.
14 And now the LORD says, “In three years, as a hired worker counts the years, Moab’s splendor will become an object of contempt, with all her many people. And those who are left will be few and feeble.”
Muli nagsalita si Yawheh, “Sa loob ng tatlong taon, mawawala ang kaluwalhatian ng Moab; kahit na marami siyang mga tao, kakaunti lang ang matitira at hindi pa mahalaga.”

< Isaiah 16 >