< Esther 3 >
1 After these events, King Xerxes honored Haman son of Hammedatha, the Agagite, elevating him to a position above all the princes who were with him.
Pagkatapos ng mga bagay na ito, itinaas ni Haring Assuero ang tungkulin ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, at inilagay ang sentro ng kanyang kapangyarihan na mataas sa lahat ng opisyal na kasama niya.
2 All the royal servants at the king’s gate bowed down and paid homage to Haman, because the king had commanded that this be done for him. But Mordecai would not bow down or pay homage.
Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
3 Then the royal servants at the king’s gate asked Mordecai, “Why do you disobey the command of the king?”
Pagkatapos ang mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay sinabihan si Mordecai, “Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?”
4 Day after day they warned him, but he would not comply. So they reported it to Haman to see whether Mordecai’s behavior would be tolerated, since he had told them he was a Jew.
Kinausap nila siya araw-araw, ngunit tumanggi siyang sundin ang kanilang kagustuhan. Kaya kinausap nila si Haman upang alamin kung ang usapin tungkol kay Mordecai ay mananatiling ganoon, sapagkat sinabi niya na siya ay isang Judio.
5 When Haman saw that Mordecai would not bow down or pay him homage, he was filled with rage.
Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi lumuhod at yumuko sa kanya, napuno si Haman ng matinding galit.
6 And when he learned the identity of Mordecai’s people, he scorned the notion of laying hands on Mordecai alone. Instead, he sought to destroy all of Mordecai’s people, the Jews, throughout the kingdom of Xerxes.
May paghamak na inisip niya ang pagpatay lamang kay Mordecai, sapagkat sinabi ng mga lingkod ng hari kung sino ang lahi ni Mordecai. Gustong lipulin ni Haman lahat ng mga Judio, ang lahi ni Mordecai, na nasa buong kaharian ni Assuero.
7 In the twelfth year of King Xerxes, in the first month, the month of Nisan, the Pur (that is, the lot) was cast before Haman to determine a day and month. And the lot fell on the twelfth month, the month of Adar.
Sa unang buwan (iyon ay ang buwan ng Nisan), sa ikalabindalawang taon ni Haring Assuero, nagtapon sila ng Pur—iyon ay, nagpalabunutan sila—sa harapan ni Haman—palabunutan sa bawat araw matapos ang araw at buwan, upang pumili ng araw at buwan— hanggang mapili nila ang ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar).
8 Then Haman informed King Xerxes, “There is a certain people scattered and dispersed among the peoples of every province of your kingdom. Their laws are different from everyone else’s, and they do not obey the king’s laws. So it is not in the king’s best interest to tolerate them.
Pagkatapos sinabi ni Haman kay Haring Assuero, “May isang lahing nagkalat at nakatira sa lahat ng lalawigan ng iyong kaharian. Ang kanilang mga batas ay iba mula sa ibang mga tao, at hindi nila sinusunod ang mga batas ng hari, kaya hindi nararapat para sa hari na hayaan silang manatili.
9 If it pleases the king, let a decree be issued to destroy them, and I will deposit ten thousand talents of silver into the royal treasury to pay those who carry it out.”
Kung mamarapatin ng hari, magbigay ng utos upang patayin sila, at maglalagay ako ng sampung libong talentong pilak sa kamay ng namamahala sa kalakalan ng hari, upang ilagay nila ito sa kabang-yaman ng hari.”
10 So the king removed the signet ring from his finger and gave it to Haman son of Hammedatha, the Agagite, the enemy of the Jews.
Pagkatapos ay hinubad ng hari ang panselyong singsing sa kanyang kamay at ibinigay ito kay Haman na anak na lalaki ni Hammedatha ng Agageo, ang kaaway ng mga Judio.
11 “Keep your money,” said the king to Haman. “These people are given to you to do with them as you please.”
Sinabi ng hari kay Haman, “Sisiguraduhin kong maibalik ang pera sa iyo at sa iyong lahi. Magagawa mo anuman ang iyong naisin para dito.”
12 On the thirteenth day of the first month, the royal scribes were summoned and the order was written exactly as Haman commanded the royal satraps, the governors of each province, and the officials of each people, in the script of each province and the language of every people. It was written in the name of King Xerxes and sealed with the royal signet ring.
Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.
13 And the letters were sent by couriers to each of the royal provinces with the order to destroy, kill, and annihilate all the Jews—young and old, women and children—and to plunder their possessions on a single day, the thirteenth day of Adar, the twelfth month.
Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
14 A copy of the text of the edict was to be issued in every province and published to all the people, so that they would be ready on that day.
Ang kopya ng liham ay ginawang batas sa bawat lalawigan. Sa bawat lalawigan ito ay ipinagbigay-alam sa lahat ng mga tao na dapat silang maghahanda para sa araw na ito.
15 The couriers left, spurred on by the king’s command, and the edict was issued in the citadel of Susa. Then the king and Haman sat down to drink, but the city of Susa was in confusion.
Lumabas ang mga tagahatid at nagmadaling ipinamahagi ang kautusan ng hari. Ang batas ay ipinamahagi rin sa palasyo ng Susa. Ang hari at si Haman ay umupo upang uminom, ngunit ang siyudad ng Susa ay nasa kaguluhan.