< Deuteronomy 1 >
1 These are the words that Moses spoke to all Israel in the wilderness east of the Jordan—in the Arabah opposite Suph—between Paran and Tophel, Laban, Hazeroth, and Dizahab.
Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suph, sa pagitan ng Paran, at ng Thopel, at ng Laban, at ng Haseroth, at ng Di-zahab.
2 It is an eleven-day journey from Horeb to Kadesh-barnea by way of Mount Seir.
Labing isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung dadaan ng bundok ng Seir hanggang sa Cades-barnea.
3 In the fortieth year, on the first day of the eleventh month, Moses proclaimed to the Israelites all that the LORD had commanded him concerning them.
At nangyari nang ikaapat na pung taon, nang ikalabing isang buwan, nang unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila;
4 This was after he had defeated Sihon king of the Amorites, who lived in Heshbon, and then at Edrei had defeated Og king of Bashan, who lived in Ashtaroth.
Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumatahan sa Hesbon, at si Og na hari sa Basan, na tumatahan sa Astarot sa Edrei:
5 On the east side of the Jordan in the land of Moab, Moses began to explain this law, saying:
Sa dako roon ng Jordan, sa lupain ng Moab, pinasimulan ni Moises na ipinahayag ang kautusang ito, na sinasabi,
6 The LORD our God said to us at Horeb: “You have stayed at this mountain long enough.
Ang Panginoon nating Dios ay nagsalita sa atin sa Horeb, na nagsasabi, Kayo'y nakatahan ng malaon sa bundok na ito:
7 Resume your journey and go to the hill country of the Amorites; go to all the neighboring peoples in the Arabah, in the hill country, in the foothills, in the Negev, and along the seacoast to the land of the Canaanites and to Lebanon, as far as the great River Euphrates.
Pumihit kayo, at kayo'y maglakbay, at kayo'y pumaroon sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, at sa lahat ng mga dakong malapit, sa Araba, sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Timugan, at sa baybayin ng dagat, sa lupain ng mga Cananeo at sa Lebano, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
8 See, I have placed the land before you. Enter and possess the land that the LORD swore He would give to your fathers Abraham, Isaac, and Jacob, and to their descendants after them.”
Narito, aking inilagay ang lupain sa harap ninyo: inyong pasukin at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi pagkamatay nila.
9 At that time I said to you, “I cannot carry the burden for you alone.
At ako'y nagsalita sa inyo nang panahong yaon na sinasabi, Hindi ko madadalang magisa kayo:
10 The LORD your God has multiplied you, so that today you are as numerous as the stars in the sky.
Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Dios, at, narito, kayo sa araw na ito ay gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan.
11 May the LORD, the God of your fathers, increase you a thousand times over and bless you as He has promised.
Kayo nawa'y dagdagan ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon, at kayo nawa'y pagpalain, na gaya ng ipinangako niya sa inyo!
12 But how can I bear your troubles, burdens, and disputes all by myself?
Paanong madadala kong magisa ang inyong ligalig, at ang inyong pasan, at ang inyong pagkakaalitan?
13 Choose for yourselves wise, understanding, and respected men from each of your tribes, and I will appoint them as your leaders.”
Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo.
14 And you answered me and said, “What you propose to do is good.”
At kayo'y sumagot sa akin at nagsabi, Ang bagay na iyong sinalita ay mabuting gawin namin.
15 So I took the leaders of your tribes, wise and respected men, and appointed them as leaders over you—as commanders of thousands, of hundreds, of fifties, and of tens, and as officers for your tribes.
Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.
16 At that time I charged your judges: “Hear the disputes between your brothers, and judge fairly between a man and his brother or a foreign resident.
At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya.
17 Show no partiality in judging; hear both small and great alike. Do not be intimidated by anyone, for judgment belongs to God. And bring to me any case too difficult for you, and I will hear it.”
Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin.
18 And at that time I commanded you all the things you were to do.
At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng mga bagay na inyong dapat gagawin.
19 And just as the LORD our God had commanded us, we set out from Horeb and went toward the hill country of the Amorites, through all the vast and terrifying wilderness you have seen. When we reached Kadesh-barnea,
At tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin, at tayo'y dumating sa Cades-barnea.
20 I said: “You have reached the hill country of the Amorites, which the LORD our God is giving us.
At aking sinabi sa inyo, Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amorrheo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.
21 See, the LORD your God has placed the land before you. Go up and take possession of it as the LORD, the God of your fathers, has told you. Do not be afraid or discouraged.”
Narito, inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo: sampahin mo, ariin mo, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang; huwag kang matakot, ni manglupaypay.
22 Then all of you approached me and said, “Let us send men ahead of us to search out the land and bring us word of what route to follow and which cities to enter.”
At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin.
23 The plan seemed good to me, so I selected twelve men from among you, one from each tribe.
At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi.
24 They left and went up into the hill country, and came to the Valley of Eshcol and spied out the land.
At sila'y pumihit at sumampa sa bundok, at dumating hanggang sa libis ng Escol, at kanilang tiniktikan.
25 They took some of the fruit of the land in their hands, carried it down to us, and brought us word: “It is a good land that the LORD our God is giving us.”
At sila'y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay, at kanilang ipinanaog sa atin, at sila'y nagdala ng kasagutan at nagsabi, Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.
26 But you were unwilling to go up; you rebelled against the command of the LORD your God.
Gayon ma'y hindi kayo umakyat, kundi nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios.
27 You grumbled in your tents and said, “Because the LORD hates us, He has brought us out of the land of Egypt to deliver us into the hand of the Amorites to be annihilated.
At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin.
28 Where can we go? Our brothers have made our hearts melt, saying: ‘The people are larger and taller than we are; the cities are large, with walls up to the heavens. We even saw the descendants of the Anakim there.’”
Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo.
29 So I said to you: “Do not be terrified or afraid of them!
Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila.
30 The LORD your God, who goes before you, will fight for you, just as you saw Him do for you in Egypt
Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata;
31 and in the wilderness, where the LORD your God carried you, as a man carries his son, all the way by which you traveled until you reached this place.”
At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito.
32 But in spite of all this, you did not trust the LORD your God,
Gayon ma'y sa bagay na ito, ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios,
33 who went before you on the journey, in the fire by night and in the cloud by day, to seek out a place for you to camp and to show you the road to travel.
Na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw.
34 When the LORD heard your words, He grew angry and swore an oath, saying,
At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na nagsasabi,
35 “Not one of the men of this evil generation shall see the good land I swore to give your fathers,
Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang,
36 except Caleb son of Jephunneh. He will see it, and I will give him and his descendants the land on which he has set foot, because he followed the LORD wholeheartedly.”
Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.
37 The LORD was also angry with me on your account, and He said, “Not even you shall enter the land.
Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon:
38 Joshua son of Nun, who stands before you, will enter it. Encourage him, for he will enable Israel to inherit the land.
Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.
39 And the little ones you said would become captives—your children who on that day did not know good from evil—will enter the land that I will give them, and they will possess it.
Bukod dito'y ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin.
40 But you are to turn back and head for the wilderness along the route to the Red Sea.”
Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.
41 “We have sinned against the LORD,” you replied. “We will go up and fight, as the LORD our God has commanded us.” Then each of you put on his weapons of war, thinking it easy to go up into the hill country.
Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok.
42 But the LORD said to me, “Tell them not to go up and fight, for I am not with you to keep you from defeat by your enemies.”
At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway.
43 So I spoke to you, but you would not listen. You rebelled against the command of the LORD and presumptuously went up into the hill country.
Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa bundok.
44 Then the Amorites who lived in the hills came out against you and chased you like a swarm of bees. They routed you from Seir all the way to Hormah.
At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.
45 And you returned and wept before the LORD, but He would not listen to your voice or give ear to you.
At kayo'y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon; nguni't hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo.
46 For this reason you stayed in Kadesh for a long time—a very long time.
Sa gayon, ay natira kayong malaon sa Cades, ayon sa mga araw na inyong itinira roon.