< Deuteronomy 31 >

1 When Moses had finished speaking these words to all Israel,
At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.
2 he said to them, “I am now a hundred and twenty years old; I am no longer able to come and go, and the LORD has said to me, ‘You shall not cross the Jordan.’
At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang ito.
3 The LORD your God Himself will cross over ahead of you. He will destroy these nations before you, and you will dispossess them. Joshua will cross ahead of you, as the LORD has said.
Magpapauna ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, gaya ng sinalita ng Panginoon.
4 And the LORD will do to them as He did to Sihon and Og, the kings of the Amorites, when He destroyed them along with their land.
At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.
5 The LORD will deliver them over to you, and you must do to them exactly as I have commanded you.
At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.
6 Be strong and courageous; do not be afraid or terrified of them, for it is the LORD your God who goes with you; He will never leave you nor forsake you.”
Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
7 Then Moses called for Joshua and said to him in the presence of all Israel, “Be strong and courageous, for you will go with this people into the land that the LORD swore to their fathers to give them, and you shall give it to them as an inheritance.
At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.
8 The LORD Himself goes before you; He will be with you. He will never leave you nor forsake you. Do not be afraid or discouraged.”
At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
9 So Moses wrote down this law and gave it to the priests, the sons of Levi, who carried the ark of the covenant of the LORD, and to all the elders of Israel.
At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.
10 Then Moses commanded them, “At the end of every seven years, at the appointed time in the year of remission of debt, during the Feast of Tabernacles,
At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag,
11 when all Israel comes before the LORD your God at the place He will choose, you are to read this law in the hearing of all Israel.
Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.
12 Assemble the people—men, women, children, and the foreigners within your gates—so that they may listen and learn to fear the LORD your God and to follow carefully all the words of this law.
Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;
13 Then their children who do not know the law will listen and learn to fear the LORD your God, as long as you live in the land that you are crossing the Jordan to possess.”
At upang ang kanilang mga anak, na hindi nakakilala, ay makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.
14 Then the LORD said to Moses, “Behold, the time of your death is near. Call Joshua and present yourselves at the Tent of Meeting, so that I may commission him.” So Moses and Joshua went and presented themselves at the Tent of Meeting.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan.
15 Then the LORD appeared at the tent in a pillar of cloud, and the cloud stood over the entrance to the tent.
At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo.
16 And the LORD said to Moses, “You will soon rest with your fathers, and these people will rise up and prostitute themselves with the foreign gods of the land they are entering. They will forsake Me and break the covenant I have made with them.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.
17 On that day My anger will burn against them, and I will abandon them and hide My face from them, so that they will be consumed, and many troubles and afflictions will befall them. On that day they will say, ‘Have not these disasters come upon us because our God is no longer with us?’
Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin?
18 And on that day I will surely hide My face because of all the evil they have done by turning to other gods.
At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.
19 Now therefore, write down for yourselves this song and teach it to the Israelites; have them recite it, so that it may be a witness for Me against them.
Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.
20 When I have brought them into the land that I swore to give their fathers, a land flowing with milk and honey, they will eat their fill and prosper. Then they will turn to other gods and worship them, and they will reject Me and break My covenant.
Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan.
21 And when many troubles and afflictions have come upon them, this song will testify against them, because it will not be forgotten from the lips of their descendants. For I know their inclination, even before I bring them into the land that I swore to give them.”
At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila, ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi; sapagka't hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi; sapagka't talastas ko ang kanilang iniisip na kanilang inaakala ngayon pa, bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko.
22 So that very day Moses wrote down this song and taught it to the Israelites.
Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel.
23 Then the LORD commissioned Joshua son of Nun and said, “Be strong and courageous, for you will bring the Israelites into the land that I swore to give them, and I will be with you.”
At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.
24 When Moses had finished writing in a book the words of this law from beginning to end,
At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos,
25 he gave this command to the Levites who carried the ark of the covenant of the LORD:
Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi,
26 “Take this Book of the Law and place it beside the ark of the covenant of the LORD your God, so that it may remain there as a witness against you.
Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo.
27 For I know how rebellious and stiff-necked you are. If you are already rebelling against the LORD while I am still alive, how much more will you rebel after my death!
Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?
28 Assemble before me all the elders of your tribes and all your officers so that I may speak these words in their hearing and call heaven and earth to witness against them.
Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.
29 For I know that after my death you will become utterly corrupt and turn from the path I have commanded you. And in the days to come, disaster will befall you because you will do evil in the sight of the LORD to provoke Him to anger by the work of your hands.”
Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.
30 Then Moses recited aloud to the whole assembly of Israel the words of this song from beginning to end:
At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos.

< Deuteronomy 31 >