< 2 Samuel 13 >
1 After some time, David’s son Amnon fell in love with Tamar, the beautiful sister of David’s son Absalom.
Nangyari na pagkatapos nito labis na naakit si Amnon anak na lalaki ni David, kay Tamar na kaniyang kapatid na babae sa ama na kapatid na babaeng buo ni Absalom, isa pa sa mga anak na lalaki ni David.
2 Amnon was sick with frustration over his sister Tamar, for she was a virgin, and it seemed implausible for him to do anything to her.
Bigong-bigo si Amnon na nagkasakit siya dahil sa kaniyang kapatid na babae sa ama na si Tamar. Isa siyang birhen at tila malayong makagawa ng anumang bagay si Amnon sa kaniya.
3 Now Amnon had a friend named Jonadab, the son of David’s brother Shimeah. Jonadab was a very shrewd man,
Pero may kaibigan si Amnon na ang pangalan ay si Jonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David. Isang tusong lalaki si Jonadab.
4 so he asked Amnon, “Why are you, the son of the king, so depressed morning after morning? Won’t you tell me?” Amnon replied, “I am in love with Tamar, my brother Absalom’s sister.”
Sinabi ni Jonadab kay Amnon, “Bakit, nalulumbay ka bawat umaga, anak ng hari? Hindi mo ba sasabihin sa akin?” Kaya sumagot si Amnon sa kaniya, “Umiibig ako kay Tamar, kapatid na babae ng aking kapatid na si Absalom.”
5 Jonadab told him, “Lie down on your bed and pretend you are ill. When your father comes to see you, say to him, ‘Please let my sister Tamar come and give me something to eat. Let her prepare it in my sight so I may watch her and eat it from her hand.’”
Pagkatapos sinabi ni Jonadab sa kaniya, “Humiga ka sa iyong higaan at magkunwaring may sakit. Kapag dumating ang iyong ama para makita ka, hingin sa kanya, 'Pakiusap, maaari mo bang papuntahin ang aking kapatid na babaeng si Tamar para bigyan ako ng isang bagay na makakain at lutuin ito sa aking harapan, para maaari ko itong makita at kainin mula sa kaniyang kamay?'”
6 So Amnon lay down and feigned illness. When the king came to see him, Amnon said, “Please let my sister Tamar come and make a couple of cakes in my sight, so that I may eat from her hand.”
Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, “Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay.”
7 Then David sent word to Tamar at the palace: “Please go to the house of Amnon your brother and prepare a meal for him.”
Pagkatapos nagpadala ng salita si David kay Tamar sa kaniyang palasyo na nagsasabing, “Pumunta ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na lalaking si Amnon at maghanda ng pagkain para sa kaniya.”
8 So Tamar went to the house of her brother Amnon, who was lying down. She took some dough, kneaded it, made cakes in his sight, and baked them.
Kaya pumunta si Tamar sa bahay ng kaniyang kapatid na lalaking si Amnon kung saan siya nakahiga. Kumuha siya ng masa at minasa ito at hinulmang tinapay sa kaniyang paningin at pagkatapos hinurno niya ito.
9 Then she brought the pan and set it down before him, but he refused to eat. “Send everyone away!” said Amnon. And everyone went out.
Kinuha niya ang kawali at ibinigay ang tinapay sa kaniya, pero tumanggi siyang kumain. Pagkatapos sinabi ni Amnon sa ibang nandoon, “Palabasin ang lahat, palayo sa akin.” Kaya umalis ang lahat mula sa kaniya.
10 Then Amnon said to Tamar, “Bring the food into the bedroom, so that I may eat it from your hand.” Tamar took the cakes she had made and went to her brother Amnon’s bedroom.
Kaya sinabi ni Amnon kay Tamar, “Dalhin ang pagkain sa loob ng aking silid para makakain ako mula sa iyong kamay.” Kaya kinuha ni Tamar ang tinapay na kaniyang ginawa at dinala ito sa loob ng silid ni Amnon na kaniyang kapatid.
11 And when she had brought them to him to eat, he took hold of her and said, “Come lie with me, my sister!”
Nang dinala niya ang pagkain sa kanya, siya'y hinawakan niya at sinabi sa kaniya, “Halika, sumiping sa akin, aking kapatid.”
12 “No, my brother!” she cried. “Do not humiliate me, for such a thing should never be done in Israel. Do not do this disgraceful thing!
Sumagot siya sa kaniya, “Hindi, aking kapatid, huwag mo akong pilitin, dahil walang dapat mangyaring gantong bagay sa Israel. Huwag mong gawin itong nakapanlulumong bagay!
13 Where could I ever take my shame? And you would be like one of the fools in Israel! Please speak to the king, for he will not withhold me from you.”
Saan ako maaaring pumunta para makatakas sa kahihiyang idudulot nito sa aking buhay? At tatatakan ka ng gawaing ito bilang isang hangal na walang kahihiyan sa buong Israel. Pakiusap, hinihiling kong kausapin mo ang hari. Papayagan ka niyang pakasalan ako.”
14 But Amnon refused to listen to her, and being stronger, he violated her and lay with her.
Pero, hindi nakinig si Amnon sa kaniya. Yamang malakas siya kaysa kay Tamar, siya'y sinunggaban niya at sumiping siya sa kaniya.
15 Then Amnon hated Tamar with such intensity that his hatred was greater than the love he previously had. “Get up!” he said to her. “Be gone!”
Pagkatapos kinapootan ni Amnon si Tamar ng matinding pagkapoot. Siya'y kinapootan niya ng higit pa kaysa kaniyang paghahangad sa kaniya. Sinabi ni Amnon sa kaniya, “Bumangon ka at umalis.”
16 “No,” she replied, “sending me away is worse than this great wrong you have already done to me!” But he refused to listen to her.
Pero sumagot siya sa kaniya. “Hindi! Dahil ang malaking kasamaang ito na pagpapaalis mo sa akin ay mas masama pa sa kung ano ang ginawa mo sa akin!” Pero hindi nakinig si Amnon sa kaniya.
17 Instead, he called to his attendant and said, “Throw this woman out and bolt the door behind her!”
Sa halip, tinawag niya ang kaniyang pansariling lingkod at sinabi, “Dalhin mo ang babaeng ito palayo sa akin at ikandado ang pintuan pagkaalis niya.”
18 So Amnon’s attendant threw her out and bolted the door behind her. Now Tamar was wearing a robe of many colors, because this is what the king’s virgin daughters wore.
Pagkatapos dinala siya palabas ng kaniyang lingkod at kinandado ang pintuan pagkalabas niya. Suot-suot ni Tamar ang isang ginayakang balabal dahil sa ganoong paraan nagbibihis ang mga anak na babae ng hari na siyang mga birhen.
19 And Tamar put ashes on her head and tore her robe. And putting her hand on her head, she went away crying bitterly.
Naglagay si Tamar ng mga abo sa kaniyang ulo at pinunit ang kaniyang balabal. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at lumakad papalayo, umiiyak ng malakas habang umaalis.
20 Her brother Absalom said to her, “Has your brother Amnon been with you? Be quiet for now, my sister. He is your brother. Do not take this thing to heart.” So Tamar lived as a desolate woman in the house of her brother Absalom.
Sinabi sa kaniya ng kapatid niyang si Absalom, “Kinasama mo ba si Amnon ang iyong kapatid? Pero ngayon manatiling tahimik, aking kapatid. Siya ay iyong kapatid. Huwag isapuso ang bagay na ito.” Kaya mag-isang nanatili si Tamar sa bahay ni Absalom na kaniyang kapatid.
21 When King David heard all this, he was furious.
Pero nang marinig ni David ang lahat ng mga bagay na ito, labis siyang nagalit.
22 And Absalom never said a word to Amnon, either good or bad, because he hated Amnon for disgracing his sister Tamar.
Walang anumang sinabi si Absalom kay Amnon, dahil kinapootan siya ni Absalom dahil sa kaniyang ginawa at kung papaano niya pinahiya ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
23 Two years later, when Absalom’s sheepshearers were at Baal-hazor near Ephraim, he invited all the sons of the king.
Nangyari pagkatapos ng dalawang buong taon si Absalom ay nagtrabaho bilang manggugupit ng tupa sa Baal Hazor na malapit sa Efraim at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari para bumisita roon.
24 And he went to the king and said, “Your servant has just hired shearers. Will the king and his servants please come with me?”
Pumunta si Absalom sa hari at sinabi, “Tingnan mo ngayon, may mga manggugupit ng tupa ang iyong lingkod. Pakiusap, nawa'y ang hari at kaniyang mga lingkod ay sumama sa akin, iyong lingkod.”
25 “No, my son,” the king replied, “we should not all go, or we would be a burden to you.” Although Absalom urged him, he was not willing to go, but gave him his blessing.
Sumagot ang hari kay Absalom. “Hindi, aking anak, kaming lahat ay hindi dapat pumunta dahil magiging pabigat kami sa iyo.” Pinilit ni Absalom ang hari, pero ayaw niyang pumunta, gayun pa man pinagpala niya si Absalom.
26 “If not,” said Absalom, “please let my brother Amnon go with us.” “Why should he go with you?” the king asked.
Pagkatapos sinabi ni Absalom, “Kung hindi, pakiusap hayaang sumama sa amin ang aking kapatid na si Amnon.” Kaya sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit dapat sumama si Amnon sa iyo?”
27 But Absalom urged him, so the king sent Amnon and the rest of his sons.
Pinilit ni Absalom si David, kaya hinayaan niyang sumama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng anak na lalaki ng hari.
28 Now Absalom had ordered his young men, “Watch Amnon until his heart is merry with wine, and when I order you to strike Amnon down, you are to kill him. Do not be afraid. Have I not commanded you? Be courageous and valiant!”
Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
29 So Absalom’s young men did to Amnon just as Absalom had ordered. Then all the other sons of the king got up, and each one fled on his mule.
Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon ang iniutos niya sa kanila. Pagkatapos tumayo ang lahat ng anak na lalaki ng hari at sumakay ang bawat lalaki sa kaniyang mola at tumakas.
30 While they were on the way, a report reached David: “Absalom has struck down all the sons of the king; not one of them is left!”
Kaya nangyari na, habang nasa daan sila, nakarating na kay David ang balita na nagsasabing, “Pinatay ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari at walang ni isang natira sa kanila.”
31 Then the king stood up, tore his clothes, and lay down on the ground; and all his servants stood by with their clothes torn.
Pagkatapos tumayo ang hari at pinunit ang kaniyang mga damit at humiga sa sahig; nakiisa ang lahat ng kaniyang mga lingkod na pinunit ang kanilang mga damit.
32 But Jonadab, the son of David’s brother Shimeah, spoke up: “My lord must not think they have killed all the sons of the king, for only Amnon is dead. In fact, Absalom has planned this since the day Amnon violated his sister Tamar.
Sumagot at sinabi ni Jehonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, “Huwag hayaan maniwala ang aking amo na pinatay nila ang lahat ng binatang anak ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay. Binalak ito ni Absalom mula sa araw na nilapastangan ni Amnon ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
33 So now, my lord the king, do not take to heart the report that all the sons of the king are dead. Only Amnon is dead.”
Kaya huwag hayaan ang aking panginoon na hari na isapuso ang balitang ito, na maniniwalang namatay ang lahat ng anak na lalaki ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay.”
34 Meanwhile, Absalom had fled. When the young man standing watch looked up, he saw many people coming down the road west of him, along the side of the hill. And the watchman went and reported to the king, “I see men coming from the direction of Horonaim, along the side of the hill.”
Tumakas si Absalom. Itinaas ng isang lingkod na nagbabantay ang kaniyang mga mata at nakita ang maraming taong paparating sa daan sa burol sa kanluran niya.
35 So Jonadab said to the king, “Look, the sons of the king have arrived! It is just as your servant said.”
Pagkatapos sinabi ni Jehonadab sa hari, “Tingnan mo, paparating ang mga anak na lalaki ng hari. Kagaya ng sinabi ng iyong lingkod.”
36 And as he finished speaking, the sons of the king came in, wailing loudly. Then the king and all his servants also wept very bitterly.
Kaya nangyari na pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita dumating ang mga anak na lalaki ng hari at tumaas ang kanilang mga boses at umiyak. At ang hari at lahat ng kaniyang mga lingkod ay lubhang umiyak.
37 Now Absalom fled and went to Talmai son of Ammihud, the king of Geshur. But David mourned for his son every day.
Pero tumakas si Absalom at pumunta kay Talmai anak na lalaki ni Amihud, ang hari ng Gesur. Nagluksa si David para sa kaniyang anak na lalaki bawat araw.
38 After Absalom had fled and gone to Geshur, he stayed there three years.
Kaya tumakas si Absalom at pumunta sa Gesur, kung saan siya nanatili sa loob ng tatlong taon.
39 And King David longed to go to Absalom, for he had been consoled over Amnon’s death.
Nananabik si Haring David na lumabas para makita si Absalom, dahil naglubag na ang kalooban niya tungkol kay Amnon at sa kaniyang pagkamatay.